Chapter 4: J.J.C. Group

144 16 0
                                    

AISHIN's POV

Last sub. na namin ni Shaira. Sabi niya sa akin kanina, pagkatapos daw ng sub ko puntahan ko daw siya sa room niya.

Ewan ko kung ano ang gagawin namin. Di ko alam kung saan kami pupunta. Basta yun na yun. Classmate ko nga pala yung J.J.C Group.

Basta nabablanko ang isip ko tuwing tinitignan ko itong si Carlo Hehehe. He is my dream boy. Kailan niya kaya ako papansinin? Imposible din na pansinin niya ako.

"Huy Asin! Sino tinititigan mo dyan? Si Carlo na naman? Bakit ba ayaw mo siyang tantanan? That's imposible to look at you and to talk with you." Sabi ni Yesha May Cruz. Alam niya kasing crush ko itong si Carlo. Siya nga pala yung bestfriend ko na sobrang kulit at sobrang cute.

"Ikaw manahimik ka nga. Bakit? ikaw nga dyan crush mo si Josh e. Oh bakit hindi ba? Dapat yung sinabi mo kanina ay dapat na sinabi mo sa sarili mo."

"Hehehe. I know that. Lagi mo na lang kasi siya tinitignan e. Minsan mo na lang akong pansinin. Nakakatampo ka kaya bes."

"Ay. Nga pala bes, may pupuntahan ako sa kabilang room natin."

"Sino na naman ba yan? At saan kayo pupunta? Pwede ba akong sumama?"

"Pupuntahan ko yung bessy ko doon. Aalis yata kami? Basta ewan."

"Bes? Pinagpalit mo na ako? Bakit ayaw mo na ba sa akin? Bakit bessy? Ginawa ko naman ang lahat para sa iyo ah? Bessy please dont leave me."

Hahaha. Ang drama niya sarap palapa sa mga aswang. Aswang? ano connect?. Hahaha. Ano sasabihin ko ba na, Oo pinagpalit ko na ba siya? Oo ayaw ko na sa kanya? Dapat na ba? Maloko ko nga ito.

"Oo bes. Ayaw ko na sayo dahil lagi mo na lang sinasabi sa akin na imposible na pansinin ako ni Carlo. Dont leave you? Tsh. Pwede na kitang iwan. Kaya wag ka ng sumama pa sa akin."

"Bessy ayaw kong mawalan ng true friend. Waaa bessy promise bessy di na kita sasabihan ng ganun. Tsaka magiging positive na ako sa aking sinasabi. Treat kita mamaya. Please bessy."

Hahaha. Eto na talaga mukhang lagi siyang serious. Eh kanina lang parang nagbibiro. Haaays natatawa talaga ako sa kanya. Hehehe. Kahit ganyan siya, mahal na mahal ko yan.

"Talaga bessy? Hahaha! totoo yung sinabi mo ah. Wala ng bawian ah Treat mo ako bessy tandaan mo yan. Hehehe."

"Ay tangeks. Bessy naman e. Ok sige. Malapit na ding magbell. Ano ba name ng pupuntahan mo sa kabilang room? Lalaki ba siya ah?"

"Girl! Kailan pa ba ako nagkaroon ng lalaking kaibigan? At si Shairalyn siya bessy, mabait siya at maganda."

"Hehehe wala. B--bessy. Nakatingin siya sayo."

"Sino naman yun?"

Eto na naman siya. Kaya ayoko na talaga dito sa babaeng ito e.

"Si ano bessy s--si Carlo nakatingin sayo."

Lumingon naman ako sa kanya. Oo nga nakatingin siya sa akin. Pero bigla naman niya iniwas ang tingin niya. Kaya dapat na akong kiligin.

*Krriiiiing!*

"Bessy! tumingin nga siya sa akin. Sa room na lang ni Shaira ako kikiligin. Hihihi :"> Bessy. Kung pwede lang talaga dito kiligin e."

"Tah labas na, wag ka dito maglabas ng ano mo. Dahil nakakahiya ka. Hahaha!"

Lumabas na kami at pupuntahan namin ang room ni Shaira. Tinutulak tulak ko si Yesha habang naglalakad kami papunta sa room ni Shaira. Dahil kinikilig nga talaga ako.

"Ano ba bes! Dapat pala di ko na sinabi sayo na nakatingin siya sayo e."

"Kyaaah! Bessy. Tinignan niya nga ako bessy. Bessy! Bessy!"

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon