JACOB’s POV
Teacher’s Day.
Pumasok na muna ako ng SM Mall para bumili ng brooch para sa mga teacher’s kong babae at para sa mga lalaki kong teachers naman, ang binili ko ay relo na g-shock. Ok na yung g-shock lang.
Nang makabili ako, pumunta naman ako sa McDo, kung saan ako bibili ng para kay Shaira. Oo nga pala, magaling na rin siya, hindi nga lang niya maalala kung anong nangyari at bakit nangyari yun sa kanya. Tinanong ko siya nun kung ok na ba talaga siya, sabi niya na lang, oo then nagsmile na lang siya.
Ang binili ko sa kanya chicken fillet, french fries, coke float, and apple pie. Ok na siguro to? Tss, ok na to. Mabubusog na siya neto.
Lumabas na ako sa SM at sumakay na sa kotse ko at pumunta na school.
**
Pinark ko na yung kotse ko at dumaan ako sa likod ng school, kasi kung dadaan ako sa harap didiretso na agad ako ng quadrangle ground at hanggang doon lang ako nakaupo at matagal pang makakaakyat dahil 12:00 pm pa ang tapos nun.
Dumaan na ako sa likod ng school at nadaanan ko yung dorm ni Shaira eh nakalock. Baka nasa ground na yun? Pupunta na lang ako mga faculty ng mga teachers ko baka sakaling nandun pa sila at ibibigay ko na yung gifts ko sa kanila..
May nakita akong babae na kakalabas pa lang C.R, parang kilala ko siya eh. Sumitsit naman ako at tumingin siya sa direksyon ko. Sabi ko na nga ba eh, kilala ko siya.
SHAIRA’s POV
“Hi Asin.” Bati ko kay asin na nakakunot ang noo.
“Hi.” Lame na pagkasabi niya.
Eh kasi ba naman, hindi pa nag-sstart yung program eh. Kanina pa kami dito sa ground, mag-seseven thirty na ng umaga wala pang nag-ssrtart ni isa.
“Ano ba yan..wala pa dito si Carlo, hindi ko siya nakita kani---“ Si Carlo pala ang problema nito.
“Kaya pala ganyan ang facial expression mo, kasi wala si Carlo at hindi mo pa nakikita.” Eh lagi na lang si Carlo ang inaasinta niya eh.
“Oo eh.” Nakalumbaba na siya ngayon.
“Wag kang mangalumbaba sayang 500. Hehehe” Biro ko sa kanya, kapag wala si Carlo ganun na agad ang mukha niya? So duuh!
“Nasaan ba si Yema?” Napansin ko lang wala kasi dito si Yema eh, saan kaya nagpunta yung babaeng yun?
“Nag-Cr.” Sabi niya
“Ano ginagawa nag-wiwi?”
“Tumatae bes, tumatae.” Ano ba naman tong babaeng to! Diin na diin ang pagkasabi eh pwede namang mahina lang. Juice colored! Purgang purga na ako dito sa katabi kong to!
“Di nga?”
“Umiihi nga! Ano makulit?” Inis na sabi niya, ang init ng ulo. Siguro meron siya ngayon? Hehehehe
Lumapit naman ako sa tenga niya at nagwhisper ng “Meron ka yata ngayong regla eh?” Biglang sumama ang aura niya sa akin pero hindi na lang siya kumibo pa. May kasabihang SILENCE MEANS YES, so tama ba ako na meron nga siya ngayon?!! HAHAHA! Ang galing ko shemz!
“Hahaha sabi ko na nga ba eh.. Silence means yes, Asin..”
“Bes, wag ka ngang maingay, baka marinig nila eh.”
“Ok fine.”
YESHA’s POV
Kakatapos ko lang magwiwi ehehehe :D Tumingin na muna ako sa salamin kung ayos pa yung itsura ko.. Kung maganda pa ako. :) Nang makita ko yung itsura ko sa salamin, nasilaw ako!!
BINABASA MO ANG
Maybe It's You~
Genç KurguTungkol ito sa isang taong TORPE. Na hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa taong mahal niya. Dapat bang itago na lamang ang nararamdaman kaysa sa malaman? Bakit ayaw mo bang masaktan? Bakit ayaw mo bang mapahiya ka? Dapat lang...