SHAIRA's POV
Haay. Buti naman natapos na din ang mga subjects namin. Nandito na kami ngayon sa dorm. Pinag-uusapan namin si Jake. Kung sasagutin ko ba o hindi. Kasi nagkakaroon na din ako ng feelings para kay Jake eh.
Sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa akin. Pinapakita niya talaga na mahal niya ako. Paano na lang yung sa nagsulat ng nararamdaman sa papel kanina? Sino kaya siya? Sana naman binuo na lang niya yung pagkakalagay niya ng pangalan niya.
"Huy bes. Grabe na yang iniisip mo ha. Kanina pa kami salita ng salita dito. Tapos ikaw may sariling mundo? Heavy ba? HAHAHA! Yan kasi. Bes, iyan ang sign na magpaiksi ka na ng buhok. HAHA!"
Si Aishin talaga kahit kailan. Nakapalumbaba kasi ako at nagsesenti. Malay ko ba dito sa dalawang ito na kinakausap pala nila ako. Grabe ha.
"Gagi. Bakit magpapaiksi ng buhok? Bakit hindi ka na lang magpakalbo? Para tapos ang problema. Diba bes asin? HAHAHAHA!!"
"Yesha?!! Bakit hindi kaya ikaw ang magpakalbo? Dahil ikaw ang nakaisip eh."
'Announcement~ Mayroong bagong studyante dito na galing sa ibang School. Ang name ng School na pinanggalingan niya ay De La Santos University. Siya nga pala ay si Valery Chu Cozte. Thank you.'
What?! Sikat yung School na pinanggalingan niya ha? B-bakit dito siya lumipat? Bakit kailangan pa niyang lumipat?
"Bes. Narinig mo yun?" Seryosong tanong ni Aishin kay Yesha.
"Malamang narinig ko. Hindi naman ako bingi no. -_-"
HAHAHA! Seryoso na sana eh, bigla pang nambara. HAHAHA!
"May bago daw dito sa School. Sa tingin mo? Pangit ba siya o maganda?" Tanong ulit ni Aishin kay Yesha.
"Oh really? Bakit sa tingin mo? Matatapalan ang kagandahan mo ni Valery Chu Cozte? No way! HAHAHA! Joke lang bes."
"Sshh.. Gumawa na nga lang kayo ng mga assignments niyo." Sabi ko sa kanila.
"I have no assignments." Sabi naman ni Yesha.
"Me too." At ganun din si Aishin.
"So wala kayong mga assignments, edi ako meron. (~.~)"
"HAHA! Kaya mo na yan bes." Sabay nilang sabi. "Ewan ko sa inyo. Ganyan kayo eh."
"Sige matutulog na ako." Humiga na si Aishin at si Yesha ay ganun din. "Edi kayo na ang matutulog at ako na ang gagawa ng mag-isa ng assignments ko." Sabi ko habang kinukuha ang mga notebooks ko.
"Ikaw lang talaga." Sabay nilang sabi. Hay jusko, sabay na sabay talaga kayo. Pinag-usapan nila yata eh.
---
JAKE's POV
What?! S--si.. Valery Chu Cozte? Ang ex-girlfriend ko. Bakit dito siya mag-aaral? Wag niyang sabihin na dito siya manggugulo? Bakit hindi na lang siya magstay doon sa school niya?
"Brad. Alam mo na ang mangyayari. Kailangan mong ingatan yang si Shaira. Alam mo naman ang ugali ni Va-le-ry.." Sabi ni josh habang nagsusulat.
"Lagot ka jake. Lagooot.." Carlo.
"Tss. Hindi naman niya makikila si Shaira eh." Sabi ko sabay sara ng bintana.
"Are you really sure? Eh paano kung magtanong si Valery na kung sino ang nililigawan mo? Edi lagot ka talaga." Sabi ni Carlo.
"She's my ex-girlfriend. So wala dapat siyang pakelaman sa akin. Hindi niya dapat papakelaman ang personal life ko. Hinding hindi ako papayag na galawin niya si Shaira."
"Brad. Easy, malay mo nagbago na si Valery? Wag kang negative thinker. HAHAHA! Just protect your Shaira from your ex-girlfriend." Sabi naman ni Josh.
"Wowo! English. Nakakadugo ng nose." Carlo
Nung naging kami ni Valery, ang bait bait niya noon. Siya pa nga yung tipong babaeng napakakulit, napakacute at ganda niya na kahit anong side mo siya tignan mapawacky o stolen siya. Siya pa mismo naglilibre sa akin nun. Ang daddy niya kasi ayaw sa akin. Wala na yung mommy niya, her mother died because of the cancer. Bumitaw sa akin si Valery dahil tinakot siya ng kanyang Dad na kapag hindi niya daw ako hihiwalayan.... her Father is going to kill me. I understand my ex-girlfriend. Ayaw niya akong masaktan, because she loves me and I love her so much. Nakalipas ang mga ilang araw noon, hindi ko na nakikita si Valery. Kaya naman naisipan kong magtanong sa Daddy niya. Nilakasan ko na loob ko noon kahit ayaw sa akin ng Dad niya. Ang tanging sabi lang ng Dad niya ay "Wala na siya dito! Iwasan mo na siya! Wag na wag kanang pumunta dito!" Kaya naman, agad akong nagbukas ng FB para mamessage ko siya kung nasaan siya. Mga ilang araw kong inabangan na magrereply siya. Pero hindi siya nagreply.
Mga 4 na buwan, doon na siya nagreply. Sa tingin mo? ang tagal nun diba? Tapos one sentence lang sinabi niya. Eh ako, sobra ang pag-alala sa kanya. Halos buong araw akong online para makita ko siyang online. Pero apat na buwan?! Tapos one sentence lang sinabi niya. "Sorry but I need to follow my Dad. Sorry." Yan lang ang sinabi niya sa akin. Pero kahit kayo, masasaktan din. Masakit din para sa akin.
Pero makalipas ang araw na iyon, sa mga sabi-sabi nag-iba na daw si Valery. Ibang iba na daw siya kaysa dati. Nabura na ang dating ugali ni Valery. Pero ngayon, tuwing nakikita ko si Shaira. Naiisip ko si Valery, kaya naman nililigawan ko si Shaira. Pero ngayon.... nang marinig ko ulit ang pangalang Valery, parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Si Josh at si Carlo ay kilala din si Valery. Kaya naman ganyan sila makareact. Pero hindi ko na pababayaan si Shaira na mawala.
"Hoy brad. Matutulog na ako, I want to rest my body." Sabi ni Carlo na nag-unat ng katawan.
"Rest in peace bro, Good night. Biro lang bro ah. Baka naman totohanin mo. Pero ok lang kung tototohanin mo. HAHAHA!" Sabi naman ni Josh.
"Sige. Inaantok na din ako eh." Sabi ko sa kanila at humiga na sa pwesto ko.
---
JACOB's POV
"May bago na naman tayo dito na sikat. Sikat na School na pinanggalingan." Sabi ni Marlon habang nagsusulat ng kanyang irereport bukas.
"Oo nga. Si ano daw? ulit? Si Valery? Galing sa De La Santos University? Eh bakit? University din naman tayo ah? Ano naman ang problema doon?" tanong ko sa kanya habang ako'y nakahiga na.
"Mas sikat ang University nila kaysa sa atin." Napahinto si Marlon ng pagsusulat at humarap sa akin.
"Teka. Bakit? Bakit hindi mo alam na mas sikat iyon kaysa dito? Bakit saan kaba dati?"
"Ah.. sa ano ako. Sa iba ako, hindi kasi ako tagadito. Sa Japan kasi ako nag-aral nun." Muling nagsulat na ulit si Marlon ng kanyang report.
"Ah... kaya naman pala. Eh bakit niyo naisipang lumipat dito?"
"Ewan ko ba? Basta nagmamadali si Mommy na lumipat dito eh. Ewan ko lang talaga kung bakit. Ano? Hindi kapa ba tapos dyan?"
"Hindi pa ako tapos. Sige mauna kanang matulog."
"Sige. Good Night."
---
Abangan ang VALERY CHU COZTE Sa STORYA.
Excited na ba kayo kung ano talaga siya? Tayo na't mag- VOTE AT COMMENT para kay VALERY.
© 2014. All rights reserved.
BINABASA MO ANG
Maybe It's You~
Teen FictionTungkol ito sa isang taong TORPE. Na hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa taong mahal niya. Dapat bang itago na lamang ang nararamdaman kaysa sa malaman? Bakit ayaw mo bang masaktan? Bakit ayaw mo bang mapahiya ka? Dapat lang...