Chapter 10: Suprise (Ready)

120 13 0
  • Dedicated kay Patricia Ramirez
                                    

HELLO PO ATE PATRICIA RAMIREZ ♥  :''>

--

JAKE's POV

Nandito ako ngayon sa likod ng stage. Tumawag ako ng mga magmamanage nitong stage mamaya. Dahil nga may gagawin nga ako para sa taong mahal ko na.

"Ayos na po Sir." 

"Ok sige. Salamat."

Mamayang gabi makikita niyo ang aking suprise para kay SHAIRALYN ♥

"Hello? Nasaan na yung isang bundle ng red roses? Bakit wala pa dito?"

"Wala pa Sir, inaayos pa po ng namin ng bonggang bongga bongga. Yung magugustuhan talaga ng mapapangasawa mo." Bakla. -_-  Mapapangasawa? Talaga? Hahaha. Wala pa naman akong mapapangasawa eh. Tss magiging girlfriend ko pa lang siya. Hahaha.

"Pakibilis naman."

"Ok Sir. Babush." Sabi niya at sabay baba ng cellphone.

Sumilip ako sa harap nitong stage. Nakita ko sa quadrangle. Nakita ko ang red carpet na lalakaran ni Shaira. Parang ngang ikakasal kami.Oo ikakasal kami sa tingin ng mga tao.

Makaalis na nga muna dito. Pupunta na lang muna ako sa dorm ko.

Tumakbo na ako para mapabilis ang pagpunta ko sa dorm. Habang tumatakbo ako.

Si Jake Mel Reyes. Kyaah!

Ang cool pa rin niyang tignan. Kahit tumatakbo siya..

Grabe Jake! Marry me now na!

Kahit anong anggulo ko siya tignan ang gwapo pa din niya! Kyaaah!

Jake.. Please tingin ka naman sa akin, kahit Sandali lang.

Huminto naman ako sa pagtakbo at tumingin naman ako sa babae na nagmamakaawa na tignan ko siya kahit sandali. Binigyan ko siya ng killer smile sabay wink.

Edi nahimatay siya sa kagwapuhan ko. Hahaha! Tumakbo na ulit ako papasok na sa loob.

Ngayon, nandito na ako sa pinto ng dorm at hingal na hingal sa pagtakbo ko kanina. Bakit pa kasi ako tumakbo eh.

"Brad. B--buksan mo ang pinto!" Sabi ko habang kumakatok sa pintuan. Pinagbuksan naman ako agad ni Carlo ng pinto. At mabilis na pumasok sa loob at umupo sa lapag. Kasi nga hingal na hingal ako. Hindi ko lang pinahalata kanina, kasi baka kung ano sabihin nila sa akin. Ang gwapo na sikat dito sa ating university ay hinihingal. Baka yan ang sabihin nila sa akin. Syempre kahit papaano ayokong masabihan ng ganyan. Ayokong mapahiya sa harap nila. Ang cool at gwapong sikat sa university nila ay si Jake Mel Reyes lang at wala ng iba pa. 

"Oh bro? Napano ka? Bakit hingal na hingal ka?" Tanong sa akin ni Carlo.

"P-pahingi ng tubig. Uhaw na uhaw ako." Binigyan naman agad ako ni Carlo ng tubig na malamig.

"B-bakit malamig na tubig? Gusto mo ba akong ubuhin?"

"Mas maganda nga yun eh. Masarap sa throat na makaramdam ng lamig. Ayaw mo nun? Cool sa throat?"

"Eh kung sakalin kita? Para mawala ang pagkacool ng throat mo?"

"Kuha mo ako ng warm lang!" Dagdag ko.

"Oh eto boss." Abot niya sa akin ng tubig. Inubos ko naman ang tubig na binigay niya sa akin.

"Grabe. Saan kaba galing? Hinabol kaba ng sampung cheetah? Or hinabol ka ng limang toro?" 

"Nasaan ba si Josh? May ipapakita kasi ako sa kanya eh." 

"Bakit mo hinahanap kung nandito lang naman ako sa harap mo?"

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon