JACOB's POV
Haay, buti naman natapos na ako sa pagjojogging >_<. Pumunta muna ako ng dorm para makapagpalit ng damit.
"Oh par? Bakit ka nandito? Diba may klase ka?" Tanong ni Marlon na pagkapasok ko sa loob.
"Skip ko muna, si Shaira kasi ano.. nasa hospital."
"Oh napano daw siya?"
"Di ko nga alam eh, kanina nga nag-papractice 'yun sa gym na kasama ako eh."
"Talaga? Naks pare hindi kana torpe! Pagpatuloy mo lang par."
"Sige alis na ako."
Umalis na ako at pumunta sa hospital at nagtanong ako sa nurse na "Saan po yung room ni Shaira?"
"Sa room 101A po Sir."
"Salamat po."
Pumunta ako sa room at kumatok ako, pero walang sumasagot. Kaya naman binuksan ko na lang ang pinto ng dahan-dahan. Nakita ko si Shaira na may benda sa ulo at nakita ko din ang maamong mukha niya. Feel ko tuloy, wala na siya.
Lumapit ako sa kanya at kiniss ko siya sa forehead ng dahan-dahan. Umupo ako sa bangko at yumuko sa tabi niya. Hindi muna ako papasok, dito muna ako sa tabi ni Shaira gusto ko siyang bantayan magdamag.
Tumingin muna ako sa orasan ko at saktong 3:33 pm na. Ano kaya mangyayari kapag triple three ang numbers? Sabi kasi ni mommy sa akin noon, kapag triple three ang numbers may mangyayaring totoo, eh wala naman masama kung hihiling ako diba? "Sana gumaling na si Shaira, ayoko na maging torpe, ayoko na ulit makitang ganito ni Shaira, Ok lang kung sa akin ito mangyari basta't wag lang kay Shaira. Please..please.."
MARLON's POV
Sabi ko nga sarili ko, ayaw ko na magpakatorpe. Ngayong online na si Alisha ang babaeng gusto ko dati hanggang ngayon. Ano ba sasabihin ko dito kay Alisha? Ahh bahala na.
'Hi Alisha, kamusta kana?'
'Marlon? Marlon is that the real real you?'
'Yup, bakit ayaw mo? Haha! May boyfriend kana ba?'
'Ahh wala pa, kamusta kana? Ang laki ng naimprove mo ha, nice one.'
'Heto, may hinihintay akong babae na dumating dito. Namimiss ko na nga siya eh.'
'Hey hey! Wag ka ngang ano dyan! Hindi naman sa assuming ako,pero parang alam ko na yang linya na yan eh. Didiretsuhin na kita ah, wag kang mabibigla....."
Alisha is typing....
Kinakabalatutan ako dito sa babaeng 'to ha. XD
Di ko ba lam kung ikakasaya ko ba ito o hindi. Pero talagang nag-iba na rin siya eh. Para bang nagkaroon siya ng loob na sabihin sa akin ito? Parang alam ko na din ito, hindi ko na kailangang kabahan pa. Halata na din naman sa kanya eh.
'Oo na! MAHAL DIN KITA! ALAM KO NAMAN NA AKO PA RIN ANG NASA HEART MO! HINIHINTAY LANG KITA NA MAGLAKAS LOOB, KAYA NGA AKO NANDITO SA CANADA PARA LUMAYO MUNA AT SUBUKAN ANG AKING PLANO NA MAG-IIBA KA NG UGALI O ATTITUDE KAPAG WALA ANG TAONG MAHAL MO SA TABI MO. ATSAKA NUNG MAG-TATAPAT KA NA NG PAGTINGIN SA AKIN, OO ALAM KO YUN. HINIHINTAY LANG KITA NA MAGSALITA. PERO NGAYON, PARANG MALAKI NA ANG INIMPROVE MO. KAYA BABALIK NA AKO.'
'WOW CAPSLOCK TALAGA? Hahaha! Nahihiya tuloy ako. IKAW KASI EH KINUWENTO MO PA YUNG MAGTATAPAT AKO SA 'YO! Pero kalian ka babalik dito?'
'Pero ano ang totoo? Namiss mo ba talaga ako'
BINABASA MO ANG
Maybe It's You~
Novela JuvenilTungkol ito sa isang taong TORPE. Na hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa taong mahal niya. Dapat bang itago na lamang ang nararamdaman kaysa sa malaman? Bakit ayaw mo bang masaktan? Bakit ayaw mo bang mapahiya ka? Dapat lang...