ONE

431 7 0
                                    

ACE


While waiting for them, lumabas muna ako sa sasakyan. Inayos ko ang aking black cap, sumandal habang ngumunguya ng chocolate bar. Ito lang kasi ang nabitbit ko kanina dahil sa pagmamadali nung tinawagan nila ako na kakagaling ko pa lang sa isa kong trabaho. Gabi na pero madami pang naghihintay na on-call job sa akin ngayon. Pero hindi muna ako tatanggap pagkatapos nito dahil tatapusin ko muna ang gabundok na labahin ko. Wala na akong maisusuot na damit bukas.


Hindi ko kasi pwedeng ipa-laundry sa labas sa kadahilanan na nagtitipid ako. Meron naman talaga akong perang naipon pero naibigay ko sa kilala kong mag-iina na na-ospital na siyang pinambayad sa bills. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kunti ang naiipon ko.


I don't have a regular job. Lahat ay part time or on-call jobs pero sa tinatagal-tagal ng panahon ay hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin. At nabubuhay ako ng ganito sa loob ng apat na taon. At sa apat na taon ay may isang tao na pwede kong pagkakatiwalaan at siya rin ang tumulong sa akin na magkatrabaho na hindi na kinakailangan ang personal information at sobrang nagpapasalamat ako dun.


Nakikita ko na padami ng padami ang nakiki-usyoso sa aksidenting narito ngayon. Maraming kumukuha ng video na halatang ipopost sa FB ang ganap dito sa kalsada. May dalawa pang kadadating lang na ambulance sa kabilang barangay dahil sa aksidenteng nangyari ngayon at nahihirapan na makalapit dito dahil na rin sa mga taong nagkukumpulan.


According to the police who checked the CCTV sa malapit na lamp post. Isang dumptrack ang bumangga sa isang itim na Hyundai Elantra sa kabilang lane. Parang nawalan ng preno at sa sobrang lakas ng banggaan ay tumilapon ang itim na Hyundai Elantra. Ang isa pang nakasunod na sasakyan ay nadamay rin sa pangyayari. Apat na sasakyan ang binanggaan ng dumptrack na ito.


Habang nakatingin sa pinangyarihan ay kinagat ko na ang huling piraso ng chocolate bar nang makita ko na papalapit ang mga hinihintay ko. Dali-dali akong pumasok sa driver's seat. Uminom ako ng tubig. Bumukas ang pinto ng passenger seat at dali-daling umupo ang isa.


"Ace, 'kaw na bahala. It's on your hands! We need to be there in less than fifteen minutes." Hingal na sabi ni Dr. Tres sa akin. Meron pang isang doctor sa likod kasama ang pasyente.


"I'm on it."Tumingin ako sa relo at tumango.


At nang makita kong nakapwesto na ang nasa likod, I immediately shifted the gear at binalubag ko kaagad ang manibela at handang-handa na mag-drive papuntang hospital.


Yes, you read it right. Isa akong ambulance driver ngayon. Isa yan sa mga part time job na ginawa ko. Kahit ganito ang trabaho ko ay marangal naman at marami akong naging kaibigan sa naging trabahong ito at lalong lalo na maraming buhay ang naagapan ko.


"Ready na ako. Handa ka na Dok?" Bumibilis ang tibok ng puso dahil sa excitement! Adrenaline pushes me to get excited for this drive.


Narinig ko pang tumawa ng mahina si Doc. Tres sa tabi ko.


"Hey! Ace, be calm. We might as well bring you to the hospital 'cause of heart attack." Aba't may gana pa'tong magbiro sa sitwasyon na ito. Naku! Ha!

His Bodyguard in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon