TWO

205 8 0
                                    

ACE


Ipinarada ko sa gilid ng gate ang aking motor. At walang ganang bumaba at tinanggal ang helmet ko. Naglakad ako palapit sa gate at kinuha ang susi sa bulsa ng aking ragged jeans. Nagulat ako ng biglang nagsalita na may bahid ng pagkainis ang boses ang taong ito.


"Ace! Where have you been? Kanina pa ako tawag ng tawag!" Gigil niyang tanong sa akin.


Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pumasok sa bahay pagkatapos kong mabuksan ang gate.


Aakma ko na sanang isarado ang gate ng biglang pinigilan niya ito. Pinabayaan ko na lang dahil lage naman siyang ganyan. Wala akong oras para kausapin siya.


Pumasok na ako ng bahay, tinanggal ang sapatos, nagsuot ng pangbahay na tsinelas at dumeritso sa kusina para uminom. Alam kong nakasunod siya. Bahala ka diyan!


"God! Answer me, Ace!" Sabay upo sa sofa na laking gulat ko nang tumingin ako sa gawi niya na naka dekwatro pa at niluwagan ang kanyang kurbata.


Takte! Hindi niya iniwan ang sapatos niya sa pintuan! Sa inis ko ay lumapit ako at hinablot ko ang kanyang sapatos at binato palabas.


"What the! Why did you do that?" I see shocked on his face. Buti nga!


"Diba, I told you na kapag pumasok ka sa bahay ko ay dapat tanggalin mo ang sapatos mo?" I asked him back.


"Tsk! Ang arte mo talagang babae ka!" Wala naman siyang nagawa at lumakad palapit sa pintuan at nagsuot ng tsinelas na naka display dun.


"Ang kulit mo rin. I told you again that I will not attend to be an on-call driver tonight because I have a lot of things to do here. 'Di mo ba naintindihan yun?" Nakapamewang kong tanong sa kanya na ngayon ay nakasunod sa akin sa kusina.


"I know but this friend of mine is wasted at hindi siya ordinaryong tao kaya I recommended you to be his driver tonight and he's in the bar right now." Sabi niya pagkatapos kumuha ng isang slice ng fried calamari.


"Hoy! Sinong may sabi na pwede kang kumain? Takte! Niluto ko yan para sa sarili ko, alam mo bang hindi pa ako kumakain simula kaninang tanghali tapos ikaw lang ang kakain niyan? Hala! Layas!"


Kinuha ko ang mga pagkain sa mesa at nilagay sa oven para initin. Gutom na talaga ako. Nung tumawag kasi sila Doc.Tres ay kakatapos ko lang magluto para sa hapunan ko pero lumamig na kaya iinitin ko na lang.


"Hoy ka rin! Ang damot mo ah! What are those things you wanted to do here at magpapatawag na lang ako ng katulong!" Wow! Siya na talaga ang mayaman.


Hindi na ako nagsalita, lumakad ako sa harap ng pintuan at inayos ang mga sapatos sa labas. Alam niyang ginusto ko 'to.


"Ace, look. I did not mean to insult you. I know you wanted to be independent but please kahit itong pabor lang. I wanted to help you and you know that I still keep my promise. I didn't tell anyone where the hell are yo—"

His Bodyguard in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon