13

96 6 0
                                    

Chapter 13


"I think we need to change our route." Biglang sabi ko habang nagda-drive sa main high-way pabalik ng hospital.

Aabot kami ng isang oras papunta at ay pabalik sa hospital. Ang malalapit na hospitals sa pangyayari ay walang available na emergency cars dahil nagkasunod-sunod ang pasyente na kailangan ihatid, meron naman medics ang nandun at gumawa ng paunang lunas habang hinihintay kami. We called them to secure the patient's stability while we are on our way. Maraming dumadaan sa main road lalo na sa umaga at hapon.

Habang papunta kami sa pinangyarihan ng aksidente ay meron pang isang banggaan na nadaraanan namin, huminto kami upang tignan kung napuruhan ang pasyente nandun. Mabuti na lang at hindi gaano napuruhan pero may malalaking galos sa katawan. Binigyan namin ng paunang lunas bago namin iniwan dahil paparating na rin ang rescue sa kanila. Nagpatuloy kami sa pagbyahe upang puntahan ang pasyente na aming ere-rescue.

Kung babalik kami sa dati naming ruta kanina ay maiipit kami dahil hindi pa maayos ang kalsada lalo na kailangan pang ereport ang nangyari sa mga kapulisan sa aksidenting banggaan nung tinulungan namin bigyan ng paunang lunas.

"Better idea Ace. Wait, I'll check our location. I'll search other route na mabilis tayo maka-abot sa hospital. A shorter route and fewer traffic lights." Agad na sabi ni Nurse Dian at agad kinakalikot ang phone niya.

Habang naghihintay sa suggestion ni Nurse Dian ay saglit akong tumingin sa aking relo. I only have less than two hours papunta sa sinabing tagpuan namin ni Mr. Vulcan. And here I am, currently battling my time over this traffic lane. Kailangan ko maka-isip ng plano para umabot ako ng maaga sa hospital lalo na't nasa kritikal ang kalagayan ng pasyente.

Kahit nabigyan naman ng paunang lunas ang pasyente ay hindi pa rin kami kampanti dahil bumababa ang kanyang pulse rate. Same team pa rin ang kasama ko maliban lang kay Dok. Tres na wala ngayon.

"I got it! I got it! We can be in the hospital in less than ten to fifteen minutes, Ace." Mabilis at tarantang pahayag ni Nurse Dian sa akin.

Tinanong ko siya kung saan ang sinasabi niyang lokasyon. Habang nagmamaneho ng mabilis ay nakikinig ako sa kanyang sinasabi. Pagkatapos ko marinig ay pinapaharurot ko ang sasakyan. My team knows what I am doing.

Matapos ng limang minuto, nakita ko na ang sinasabing bagong ruta ni Nurse Dian sa akin. Walang patumpik-tumpik, inapakan ko ang pedal ng break kasunod ang clutch. Biglang bumwelo, binalubag ang manibela, inapakan ang clutch, pagpalit ng gear kasunod ang accelerator.

Pumasok agad ako sa kaliwang kalsada na sakto naman na nag-go signal ang traffic light for turn left upang umusad ang nasa harapan, pagka-abante sa harapan ay gumilid sila para maka-una sa kanila. Alam naman ng ibang mga nagmamaneho na isang ambulance ang pinagmamaneho ko kaya dumidistansya na sila.

Habang malakas ang wang-wang ng ambulansya ay mabilis lumihis ang mga sasakyan sa harapan namin. Mabilis rin ang aking pagmamaneho. Nang makita kong malapit na magstop light gamit ang led traffic light countdown timer sa unahan ay bumwelo ako upang mas mabilis ang pagmamaneho.

Nagpatuloy ang aking pagmamaneho hanggang nakarating kami sa hospital ng maayos. Mabilis ibinaba ang pasyente at pinasok sa emergency room. Kaagad kong pinasok ang ambulance car sa parking area nitong hospital at patakbong inabot kay Chip ang susi.

"Chip, ikaw na po bahala. May oras akong hinahabol ngayon, dating gawi. Maraming salamat." Sigaw na pasalamat at tumango naman siya bilang sagot.

Mabilis akong lumabas sa exit ng hospital at naghahanap ng taxi. Ilang minuto akong nakatayo pero ang lahat ng taxi na dumadaan sa aking harapan ay lahat ay occupied na.

His Bodyguard in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon