ACE
"Thanks God! We're here!" Biglang sigaw ni Doc. Tres ng matanaw na namin ang dinadaanan patungong hospital na paglilipatan.
Ngumiti ako dahil sa kanyang reaction. Simula nung nakita ko siyang taimtim na nagdarasal kanina ay hindi ko na siya kinibo at nag-focus na lang ako sa pagmamaneho.
[Ace, this is Robert. Maintain your speed. We found something suspicious.] Sabi sa kabilang linya.
[Copy, Robert.] Pagkasagot ko ay agad ako naging alerto habang normal na ang takbo ng sasakyan. Ang nasa plano ay e-normal ko ang takbo ng van kapag dadaan na kami sa main road papuntang hospital.
Tumingin ako sa relo ko. Tatlumpu't limang minuto kaming nagbabyahe papunta sa paglilipatan naming hospital simula na umalis kami sa unang hospital. Naging mabilis ang byahe namin dahil sumuot kami sa shortest route para mahabol namin ang oras.
Si Robert ay kasamahan namin pero sila ang nasa unang van kasama ang ambulance papunta sa paglilipatan naming hospital.
"Gaano ba kasi ka importante ang pasyente at ganito ka desidido na tapusin ang kanyang buhay." Sabi ko sa aking sarili pero hindi ko alam na naibulalas ko pala at narinig ni Doc. Tres dahil tumikhim siya.
"He's one of the businessman na naging successful na ginamit ang kanyang talino sa malinis na paraan. Yung kalaban niya kasi ay gustong lamangan siya na pinagtangkaan pa ang ibang investors ni tito pero sobrang mautak si tito at nagawan niya ng paraan pero ang kapalit naman ang kanyang buhay. "
"Huh? Tito mo?"
"Yes. Ang pasyente na ililipat natin ay ang tito ko. And I am the one who recommended you to be the driver."
"Eh?" Wala akong masabi sa aking narinig.
"At hindi naman ako nabigo. Walang paghihinayang na ikaw ang pinili ko Ace."
Eh! Kung sana pinili mo rin ako maging jowa Dok naku hindi ka rin manghihinayang! Sa isip ko sinasabi yan. Sinisigurado ko na baka marinig at pagtatawanan na naman ako. Ang hilig pa man din na asarin ako.
"Thank you Dok dahil diyan ay may pera ako." Sagot ko na lang sa kanya.
Narinig ko naman ang tawa niya na piling tao lang ang nakakarinig, na parang hindi siya isang professional na Doctor sa paningin namin.
"Ikaw talaga! Nagdududa talaga ako kung naghihirap ka ba talaga 'o hindi." Lingo-lingo niyang sabi habang tumatawa pa rin. Grabe ang saya niya.
Muntik ko na maapakan ang break dahil sa gulat na pinahayag ni Dok sa akin. Mabuti na lang at nag-isip agad ng palusot pero sana tumalab.
"Dok naman, naghihirap nga kasi ako. Hindi ka naniniwala kasi maganda ako? Ganun ba Dok?" Pabiro kong tanong.
BINABASA MO ANG
His Bodyguard in Disguise
HumorHIS BODYGUARD SERIES #1 For long years of hiding, Ace is living like a normal citizen. She's working so hard to live. In college while taking her Business Management course she also took an Auto Mechanic courses and associate by herself. She's livin...