ACE
[Mike naman. Kaya ko na nga.] Malumanay kong sabi kahit kating-kati na akong bulyawan siya.
[Stop it Ace.. I still don't sign the approval paper. Hindi ka pa magali-] Malumanay na sagot ni Mike sa phone. Narinig ko pa ang malalim na hininga niya.
[Magaling na kasi ako. I can do my job. Let me go back to work Mike!] Pangungumbinsi ko pa na may bahid ng iritasyon sa aking boses.
[God! Why so hard-headed woman? Wala pa'ng isang buwan simula nung nabaril ka tapos heto gusto mo na magtrabaho? What do you really want? You still have your on-leave salary. So, why are you so eager to work?] Alam kong malapit na mapuno sa kakulitan ko si Mike.
[Kasi nga...]
[Kasi nga ano? Hoy! Babae huwag na huwag mo akong binibitin. Marami pa akong gagawin dito. Huwag mong ubusin ang pasensya ko!] Gigil niyang sabi sa huling salita.
Natatawa akong sumagot sa kanya.
[Kasi nga, magaling na A..K..O... Huh?..... Hello Mike? Are you still there?] Putrages! Binabaan ako.
Argh! Hindi talaga makuha sa pa-cute.
"Tignan natin sa susunod. I know you'll need me Mike pero dahil binabaan mo ako ngayon ay uubusin ko ang pasensya mo next time when you need my service in your company. Kala mo, ikaw lang ang mautak." Bulyaw ko sa aking sarili na gigil na gigil sa aking iniisip.
"Ace, anong nangyari sayo?" Bungad na salita ni Leon na kakapasok lang sa bahay ko.
Labas pasok naman si Leon sa bahay ko simula ng na-ospital si nanay Cresilda. Pero kapag wala ako dito ay kay Leon ko iniiwan ang susi ng bahay. Siya rin kasi minsan ang naglilinis ng bahay ko bilang pasasalamat na rin daw sa tulong ko sa kanyang nanay. Tsk! Isa pa 'to madrama rin.
"Naku, huwag mo akong kulitin ngayon Leon. Mainit ang ulo ko." Nagpapadyak kong sabi palapit sa kanyang harapan upang kunin ang dala niyang pagkain.
"Kumain ka na lang. Baka gutom lang yan Ace." Ngiting lumilingo-lingo niyang sabi. Sumunod siya sa akin sa kusina.
"Tama, baka nga. Hindi ako nakapagluto kahit kanin. May trabaho ako mamaya. Kakagising ko lang kasi." Paliwanag ko kahit hindi naman kailangan.
"Ay! Kanin? Teka, kukuha ako sa bahay. Mainit pa 'yun. Dalhin ko na lang ang kaldero at sabay na lang ako sayo kumain Ace."
"Yun! Sige, mabuti pa. Bilisan mo. Natatakam na akong tikman ang luto mo bilis!"
"Grabe! Di papigil. Sandali lang." Kamot niyang sabi at tumakbo palabas.
Habang naghihintay kay Leon ay naghanda na ako para sa mesang kakainin namin. Another week naman ang natapos pero hindi pa ako bumabalik sa aking trabaho sa kompanya ni Mike. Kaka-report ko lang kahapon about my situation for the findings of my recovery. Based on the results ay okay na ako. At pwede na bumalik sa trabaho. At sabi iyan ng doctor sa mismong kompanya ni Mike. Tapos, hindi umubra kay Mike ang signed papers sa doktor dahil baka dinoktor ko daw. Huh! Baliw ba siya? Lakas talaga ng topak nito. Anong dinoktor ko? Doktor ba ako?
BINABASA MO ANG
His Bodyguard in Disguise
HumorHIS BODYGUARD SERIES #1 For long years of hiding, Ace is living like a normal citizen. She's working so hard to live. In college while taking her Business Management course she also took an Auto Mechanic courses and associate by herself. She's livin...