Ace
[Huwag kang magsalita! May paparating!] May bahid ng seryoso sa kanyang boses.
[Okay.] Gusto ko ng lumabas. Kating-kati na akong puntahan si Leon baka pumunta 'dun ang mga taong naghahabol sa akin.
May narinig akong ingay na bumukas ang pinto ng comfort room.
Tantya ko sa mga hakbang na dalawang lalake ang mga ito. Hindi naman nila ako mahahalata kasi nandito pa rin ako sa cubicle at nakasardo.
Nakarinig ako ng tikhim sa kabilang linya. Tsk! Ano na naman kaya ang ginagawa ni Steve ngayon may narinig akong ingay sa kabilang linya.
[A-ah. Ace, nasa comfort room ka diba?] Alanganing tanong sa linya.
[Hmmm...]
[Sa-saan ka banda pumasok?] Wha'ts wrong with his voice?
[Hulaan mo.] Bulong kong sagot sa kanya.
Narinig ko ang iritasyon sa kabilang linya. Nagtatawanan ang nasa labas. Hindi ko maatim na sumilip pero narinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Tsk usapang babae. Sarap basagin ng kinabukasan nila ngayon.
May narinig akong nabasag sa kabilang linya. Hindi ko alam kung nabasag ba talaga o nasagi lang. [Lakas ng trip mo rin eh. Sa men's room ka pa talaga pumasok. But anyway, mabuti na lang rin dahil may pumasok kanina sa women's room, isa sa mga humahabol sa'yo. Akala ko yun yung men's room.]
[Tsk, anong silbi ng sketch plan dito Steve. Hindi mo ata tinitignan. May sinisilipan ka noh? Kaya hindi mo na ako naga-guide dito.] Bulong ko parang hangin na ata ang lumalabas sa bibig ko.
[Hooooy! Kung makabintay 'tong babaeng 'to parang palagi madumi ang nasa utak ko. 'Di ah!]
Narinig ko na lumabas na ang mga lalaking nandito pero nandun pa rin ang tawanan nila.
[Ace, labas ka na. Ang mga naghahabol sa'yo ay nasa parking lot. Paalis na sila.] Sabi niya. Mabuti naman at papaalis na sila.
[Thanks Steve!]
[Hindi ako tumatanggap ng thank you lang hoo-]
Binabaan ko na. Nagmamadaling lumabas at isinukbit ang bitbit kong army bag sa likod. Pumasok ako ng tuluyan sa hospital at tinungo ang kwarto ni nanay. Habang naglalakad ay nagmamasid pa rin ako. Tinanggal ko rin ang wireless earphone.
Bago ko makalimutan ay nae-disconnect ko na ang tracking app para hindi na ako ma-trace ni Steve. Alam kong gagawa na naman iyun ng paraan para mailagay na naman niya ulit ang tracking chip device sa motorbike ko at wala naman akong pakealam dun.
Nag-vibrate ang phone ko, tinignan ko ang message na galing kay Steve.
BINABASA MO ANG
His Bodyguard in Disguise
HumorHIS BODYGUARD SERIES #1 For long years of hiding, Ace is living like a normal citizen. She's working so hard to live. In college while taking her Business Management course she also took an Auto Mechanic courses and associate by herself. She's livin...