16

150 6 2
                                    

Chapter 16

"Starting tonight you'll be living with me." Bakas sa kanyang boses ang pinalidad.

"Ha? B-bakit naman biglaan boss?" Hindi pa nga ako tuluyang nakapasok ay nagsalita na siya sa akin. Grabe hindi man lang nakapaghintay na maka-upo muna kami no?

Nakatalikod siya sa akin. Naglakad siya palapit sa malaking bintana na kita ang labas ng bahay pagkatapos niyang ilagay sa kanyang arm chair ang kanyang coat at nakatikas pahingang nakatingin sa bintana.

Hindi siya nagsalita. Narinig ba niya ang tanong ko? Bakit naman kasi biglaan, I don't have any clothes on my own. Hello! Naka-motorbike lang kaya ako. Nag-iisip ba siya? Hindi ba pwedeng ipagpabukas?

"Boss? Bakit naman biglaan? Ibabahay mo na ak—"

"No more questions. May decision is fina-"

"Hala! Ibabahay mo talaga ako? Seryoso?"

Humarap siya sa akin ng marinig ang sinabi ko. Ang kaninang antok na mukha ngayon ay biglang naging isang taong gustong pumatay ng tao. Bakit? Ano na naman bang masama sa sinabi ko? Nagtatanong lang ako, siya itong wala ni isang sinagot sa mga tanong ko.

Napahilot siya sa kanyang sentido. Dahan-dahan siyang naglakad paupo sa kanyang swivel chair. Tumingin siya ulit sa aking gawi bago sumandal at tumingala sa kisame hanggang pumikit.

Kita niyo na! Paano ko malalaman ang dahilan kung bakit ko kailangang tumira dito kung hindi siya magpaliwanag sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Kailangan ko pa naman talagang umuwi ngayon dahil may pag-uusapan pa kami ni Leon. Lumapit ako sa harap ng kanyang desk na gawa sa kahoy.

Tulog na ata 'to. Hindi na kasi gumagalaw at nakapikit pa ang kanyang mga mata. Bahala na, uuwi ako ngayon.

"Boss, alis na po ako." Matigas kung matigas basta uuwi ko.

Tumalikod na ako ng hindi ko marinig ang sagot niya. Walang imik kaya baka nakatulog na nga siya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan para lumabas na ng library. Pipihitin ko na ang pintuan ng bigla ako natigilan sa narinig.

"Manang Belen will guide you to your room."

Mabilis akong lumingon at nagulat sa sinabi niya. Mas matigas pa pala ang ulo niya kaysa sa akin. Grabe, kahit bakas na sa kanyang mukha ang antok ay 'yan pa rin bukang bibig niya.

"Boss? Seryoso ka talaga? Hindi 'to joke?" Nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa mesa at pagod na nakatingin sa akin.

"Did I look I am fond of joking around?" Kahit antok na ay malakas pa rin ang kanyang awrang magsalita sa akin.

Tuluyan na akong humarap sa kanya. Napakamot ako sa ulo dahil kung matigas ang ulo ko ay mas matigas ang kanya--- I mean yun ulo niya sa itaas ah.

"Ang highblood mo naman. Kanina pa ako nagtatanong pero kahit isang sagot ay wala akong narinig mula sa'yo boss. Dapat nga ako ang mas magalit kasi agad-agad ang desisyon mo." Naglakad ako paupo sa isang leather na sofa.

Hay! Ang lambot ng upuan, ang sarap matulog sa ganito kalambot. I take may long breath bago sumandal. Grabe, kapagod ang buong araw na ginawa ko.

"You don't need to know my reason. Just follow what I say." Ma-awtoridad niyang pahayag sa akin.

Dumilat ako dahil sa narinig. Grabe! Parang sinasabi niyang wala akong choice kundi ang sumunod sa kanyang sasabihin.

Idinantay ko ang dalawa kong siko sa tuhod ko. "Look, sa iyo ay madali lang sabihin yan pero sana naman hiningi mo muna ang side ko kung gusto ko ba. Baka, meron pa akong emergency na pupuntahan kung kaya't hindi ako pwede boss."

His Bodyguard in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon