NINE

144 5 1
                                    

ACE


"Ano yan?" Biglang sulpot ni Leon sa aking likod.


Madaling araw pa pero gising na ako. Maaga ang raket ko ngayong araw at meron pang susunod kaya full sched ang buong araw ko.


"Huh! W-wala 'to. Nilalagyan ko lang ng bandage para hindi gaano sumakit ang braso ko sa pagmamaneho." Nautal kong sagot pero ang totoo ay nilagyan ko ng bandage ang sugat ko na galing sa tama ng baril.


Araw-araw ko ito nililinis upang hindi magka-impeksyon sa kadahilan na hindi na ako pumupunta sa company doctor namin dahil sa sobrang busy ko nitong mga nagdaang mga linggo. But I regularly call them about the progress of my wound.


Narinig ko ang malalim na paghinga niya sa aking tabi.


"Ace, payong kaibigan at parang kapatid na rin. Don't abuse your body. Hindi man namin sabihin ng direkta sa'yo pero alam namin na kami ang dahilan kung bakit ka nagkukumayod. Hindi talaga namin masuklian ang kabaitan at tulong na ginawa mo sa amin. Kahit kalusugan mo ay hindi mo na pinangangalagaan."


"Don't worry alam ko ang ginagawa ko Leon and don't feel guilty about it dahil hindi 'yun ang dahilan kung bakit ako nagkukumayod—"


"But---"


"At maraming salamat dahil taos-usong niyo akong tinanggap at maging parte ng iyong pamilya. Galak ang aking naramdaman sa aking kaibuturan na hindi ko man lang naranasan noon." Malumanay kong pahayag habang nagliligpit na sa kagamitan sa aking sugat.


"Please, one job is enough. You're a woman Ace neither less you is also no power to continue that habit in the near future. Hindi madadaan sa vitamins o gamot ang lahat dahil pahinga pa rin ang pa-unang gawin." He tapped my shoulder.


Hindi na ako nagsalita. Tumango ako bilang sagot.


Ilang sandali ay natapos na ako mag-almusal samantalang si Leon ay naliligo pa sa banyo. Kailangan ko ng umalis.


"Leon pake-lock na lang ng bahay kapag aalis ka na." Alam kong narinig niya ang sigaw ko.


"Okay, Ace!" Sigaw rin niya pabalik.


Nagkausap na kami ni nanay Criselda tungkol sa paglilipat ng bahay at salamat naman na pumayag siya. Tinakot ko pa siya para lamang sumang-ayon sa gusto ko. Nagpumilit talaga ako na marinig ang kanyang oo na lumipat na sila ng bahay.


Panay pasalamat ang naririnig ko sa mag-iina pero tanging sagot ko lamang ay 'bilang parte ng inyong pamilya ay sobra na'. Nag-iyakan na naman ang mag-iina pati yung tissue sa toilet ginamit pampunas ng luha.


Uminom ako ng gamot para sa aking sugat at vitamins na rin. Kahit dito na nakatira si Leon samantalang nasa hospital pa rin si nanay ay hindi pa rin nila alam ang tungkol sa sugat ko lalo na ang tunay kong trabaho ang tanging alam lang nila ay ang pagiging on-call driver.

His Bodyguard in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon