Thirty-Five

59 4 0
                                    

-THIRTY-FIVE-

Tria's POV

'Ang ganda ng place.' Text ni Sage. Nasa resort sila para daw dun sa charity.

'Iniingit mo lang ako e!'

'Haha. Pero syempre mas maganda if you're here. The candlelights, the music, the romantic ambiance are nothing without you.'

'Corni!' Habang nagtataype ako, kinikilig ako! Kahit na corni at conyo siya nakaka-in love!

'Sayo lang naman.' Ang sarap pakinggan na sabihin sayo yan ng taong mahal mo. At proud ako dahil alam ko na sakin lang ganyan si Sage.

"Sayo nga lang ba?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Si Jacky! Pinutol na naman niya yung daydream ko. Tama naman siya. Sakin nga lang ba?

Ugh! Erase! Erase!

"Joke lang, Tria. Peace tayo!"

Sinamaan ko kasi siya ng tingin.

"Alam mo, may duda talaga ako kay Sage at Amilyte. Parang may iba sa kanilang dalawa. Gusto mong malaman?"

"Ano? Bakit ko naman aalamin? Past is past nga diba?" Kinuha ko nalang ulit yung phone ko at tinext si Sage. Luka luka talaga si Jacky, kung ano ano ang pumapasok sa utak.

"Actually, Tria may ipag-tatapat ako sayo." Bigla naman siyang sumeryoso.

"Ano ba yun? Natatakot ako pag-ganyan ka!" Biro ko sa kanya.

"Sira. Alam mo kasi..."

"Ano nga?" Tumawa ako. Hindi kasi ako sanay ng ganito siya.

"Seryoso nga kasi!"

"Sige na. Go on."

"Diba andun tayo sa Singapore, may nakita kasi ako. Alam mo naman na idol ko si Amilyte Arilla, diba?" Tumango tango ako. "Kasi nag-punta ako sa isang cafe."

"Ang bagal naman ng flow ng story mo!" Sabi ko habang tumatawa. Binatukan pa niya ko. Ang sama. "Sinabi mo sakin kaya. Sabi mo nakita mo si Ami. May picture pa nga kayo e."

"Pinipili ko kasi yung mga salita! Tsaka hindi lang kasi yun yung nangyari."

"Yun nga, nag-punta ko sa cafe. Nakita ko si Ami. Tapos..."

"Tapos?"

"Nakita ko din si Sage. Tria, mag-kasama sila." Kahit gaano pa man kabilis sinabi ni Tria yun, narinig ko. Parang kung may anong tumusok sa puso ko. Bakit sila magkasama?

"Bakit di mo sakin sinabi?" I said faintly.

"Eh kasi friends naman sila. Tsaka naisip ko kung bakit may kasama si Sage na babae. Hindi talaga ako makalapit nung una palang dahil kay Sage. Sinundan ko kasi si Amilyte papunta sa coffee shop, magpapa-picture nga sana ko. Diba first expression ko kay Amilyte masungit. Tapos maya maya lang, dumating si Sage. Lalo akong hindi makalapit. Nag-uusap sila. Hindi ko naman marinig kung ano pero nakangiti si Sage. Feeling ko nagkukulitan sila. Tapos bigla nalang silang tumingin parehas sakin. Naka-boots nga kasi ako nun. Tunog ng tunog. Ngingiti sana ako kay Sage pero hindi niya ko pinansin. So akala ko hindi niya ko kilala. Diba hindi pa kami nag-kita nun ng personal."

"Hindi ka niya kilala? Palagi kitang kasama, Jacky. Kahit sa mga pictures." Unti-unti may doubt na nabubuo sa puso ko. "Baka naman naka-disguise ka?" Biro ko pa para mawala yung kaba ko.

ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon