Tria's POV
"Hay nako, Tria! Sinasabi ko sayo! 'Yang boyfriend mo hindi mapagkakatiwalaan! Wag ka ngang umiyak diyan! Ano ba kasi sabi sa text?" Kanina pa ko sinisigawan ni Jacky. Ang tanga tanga ko daw kasi hinayaan ko si Sage na agawin ng iba. Ang tanga ko nga siguro dahil sobra sobra akong nagtiwala sa kanya.
"Tria, I'm sorry."
"Bakit ka nagsosorry?" Sabi ko.
"Nasasaktan na kasi kita. Tria, I need to..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Tiningnan niya lang ako sa mata. Konting konti nalang tutulo na ang luha niya. Hindi pa ko nakakakita ng lalaking umiiyak sa harap ko. Ayoko ng pahirapan si Sage.
Ngumiti pa din ako. "Hindi ako masasaktan. Sabihin mo na."
Hinawakan niya parehas yung kamay ko. Alam kong sobra akong naginginig.
"I need to breathe. I need to find my heart." I stared in his eyes. I no longer have his heart.
Hindi na ko nagdalawang isip pa at iniwan siya.
Cool off. Masakit kasi wala ng nagungukit sakin at tumatawag kapag madaling araw. Masakit kasi mahirap tanggapin na may iba na siyang gusto.
Halos isang linggo na ang nagdaan at hindi pa din siya nagpaparamdam. Isang araw nalang bago magpasko pero malungkot pa din ako.
Hindi ko alam na naagaw na pala ni Jacky yung cellphone ko. Ganun na ba ko kalutang?
"Nakikipagkita naman pala sayo e. Pumunta ka na. Makikipagayos 'yan. Ano, samahan kita?"
Umiling ako sa kanya at pinunasan ko 'yung luhang pumatak sa mga mata ko. "Kaya ko 'to."
Ala una ang nakalagay na oras sa text niya. Ginayak ko ang sarili ko sa kung ano man ang maari niyang sabihin. Pina-ulit-ulit ko na hindi ako masasaktan, na malakas ako, na hindi ko siya kailangan.
Sumakay ako sa sasakyan niya ng walang kibo. Binati niya ko ng Merry Christmas pero tumango lang ako. Sobrang hirap palang magsalita. Parang bawat buka ng bibig ko, kasabay din ang pagpatak ng luha ko. Hinawakan ko ang mga nanglalamig kong kamay. Sana matapos na 'to.
Sana sa huli, sa akin ka pa din.
Pinagbuksan niya ko nv pinto at inalalayan sa pagbaba ng kotse. Gusto kong itaboy ang mga kamay niya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang magalit kay Sage. Sobrang sama niya dahil ginagawa niya sakin 'to, pero ang dami niyang nagawa para pasayahin ako. Pinuntahan pa niya ko sa Thailand at sinama sa Singapore. Yun ang pinaka-sweet. Hinding hindi ko malilimutan yun.
Dito ba yun? Dito ko ba hahayaang masaktan ang puso ko? Sa harap ng mga makukulay na bulaklak ba? Napakaganda ng lugar. Yung tipong hindi mo maiisip na mayroong masasaktan dito. Isang malawak na hardin na puno ng bulaklak. Walang masyadong tao at tahimik.
Huminto siya sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko. Humarap ako sa kanya. Napakalungkot ng mga mata ni Sage.
"Tria. Tell me what I did to deserve you."
"Pinasaya at nirespeto mo ko, Sage. Sa mga oras na kasama kita, masaya ako. Hindi ko aakalain na ako ang liligawan ko. Wala nga ako sa mga standards mo. Malayong malayo ang buhay natin sa isa't isa." I squeezed his hand.
I closed my eyes. Ayoko ng maghintay pa, baka hindi ko lang siya maiwan. Naaamoy ko ang mga bulaklak. Bakit hindi sumasangayon sa nararamdaman ko ang mga bagay sa paligid ko? Bakit sa palabas, pagumiiyak ang bida, umuulan? Ang daya naman. Ako lang ang sumosolo sa damdamin ko. Maski mga bulaklak ayaw malanta.
"Sage, please, wag mo ng patagalin. Hindi ko na kaya." Pinilit kong hindi mabasag ang boses ko, pero hindi ko nagawa. Tuloy tuloy na dumaloy ang mga luha ko. Hinayaan kong yakapin ako ni Sage. Parehas kaming umiiyak. Nasasaktan lang kami pareho. Ayoko na.
Naiinis ako kay Sage dahil pinapaiyak niya ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil pinabayaan kong mangyari to. Tama nga sila, hindi dapat nakikipagrelasyon sa mga may hitsura. Buti pa ang pangit, masarap magmahal at wala kang kaagaw. Hindi talaga totoo na ang isang amo ay magkakagusto sa isang katulong. Na hindi lahat ng kagaya ko ay pinipili.
"I'm breaking up with you. I'm so so sorry, Tria." Bumuhos na parang bagyo ang luha ko. Kumalas ako sa pagkakayap niya. Kailangan kong makita sa mga mata niya na totoong hindi na niya ko mahal. Para hindi na ko umasa pa. Gusto ko siyang saktan at itapon sa bangin.
Nagtapang-tapangan ako at hinarap ko siya. "Sabihin mo ulit sa mga mata ko."
Pinunasan niya ang mga luha ko. Sage, bakit ba napakabait mo?
"I'm sorry for being such a jerk, Tria. I'm sorry dahil nasaktan kita. I promised not to make you cry out of sadness. I'm sorry. Alam ko naman na kahit isang million na sorry pa ang sabihin ko, hindi mo ko mapapatawad. I'm so so sorry, Tria. I don't deserve your tears."
Hindi ko na naintindihan lahat ng sinabi niya sa sobrang pagiyak. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang hihimatayin ako. Niyakap ko siya.
"I love you, Sage," I murmured for the last time.
"Minahal mo ba ko?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Naalala ko si Amilyte at siya. Lahat ng kwento ni Ella. Napakadami nilang pinagsamahan. At sa ilang taon naming pagsasama, hindi ko pa din nahigitan yun. "Minahal mo ko pero siya pa din talaga. Ayos lang kasi masaya ka na. Napasaya naman kita, diba?" Pinunasan ko ang luha ko. Sana naman sumaya siya. Sana may natutunan siya sa pagsasama namin.
"Oo, Tria. Masaya ako na nakasama kita. Thank you. Salamat dahil hindi mo ko iniwan. Nandiyan ka ng mga panahong kailangan kita. Salamat, Tria."
"Salamat, Sage. Salamat sa lahat lahat. Tinuring mo kong babae. You made me feel loved."
Ngumiti kami parehas sa isa't isa kahit pa may luha sa mga mata namin. Hinayaan kong malunod sa mga mata niya, dahil alam kong ngayon ko nalang ito mararansan. Panahon na upang kalimutan ko ang nadarama ko sa kanya.
I hope you find the happiness you wanted. Sana maging okay kayo ni Amilyte.
Today, December 24, I let go of the one I truly love.
Hindi lahat ng pagkakataon maipaglalaban mo ang mahal mo. Paano naman kasi kung hindi ka mahal ng mahal mo? Sino ang ipinaglalaban mo? Wala. It's not worth it if you don't feel the same. Diba nga dapat sa love mutual ang feelings. Sage and I, kahit kelan hindi kami magwoworkout. Siguro magpapasalamt ako ay natapos na ng maaga habang wala pang masyadong nasasaktan. Ayokong agawan ng ibang tadhana ang iba. Mahirap man, susubukan ko.
Isa yan sa mga naituro ni Sage. Sabi niya subukan mo kahit mahirap para hindi ka nagsisisi sa huli.
Gusto kong sumaya kaya ayun ang gagawin ko.
Paalam, Sage.
×××
Hello, loves! How are you all doing? Please do comment or vote. The end is near! Paramdam naman kayo, guys. Haha. Love y'all. XxxP.S. merong Forty-eigth (b)! Haha.
BINABASA MO ANG
Changed
Teen FictionChange is constant in our lives. We can change anything according to our own will. But what if you were changed by someone obliviously? Will you be good enough after that change? Or you'll become worse than before? People from the past came back. Wo...