Prologue

47 2 0
                                    

Nyrhyzsha

Januray 10, 2018 isa to sa mga pinaka nakaka stress na araw dahil maraming teacher ang nag hahabol ng mga grade namin since february is coming. February kasi ang pinaka busy na month dto sa Riverdale High School since madaming preparation ang dapat gawin dahil sa dami ng events every February.

Sa mismong araw na 'to ko din nakita ang isang lalaking kumuha ng attention ko. Hindi sya gwapo at hindi sya sikat sa school namin hindi sya yung lalaking mapapalingon ka but I can't stop myself but to stare at him and to be amazed. How can this average guy catch my attention without doing anything.

"Ang gwapo nya" wika ko na parang wala sa sariling bigla nalang lumabas ang mga salitang yon sa bunganga ko nang hindi inaasahan

"Alin jan?" as Alexandra spoke I just go back to my consciousness pero hindi ko parin matanggal ang tingin ko sa lalaking yon. Hindi ko na pinansin ang tanong ni Alexandra a.k.a Alex sakin.

Ngayong araw na ito kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko. Naramdaman kung uminit ang mga pisngi ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko and I can't breath. Naramdaman ko lahat ng yun nang makita ko sya.

Since that day I become obsessed to him. Ni hindi ko na nga namamalayan na lumilipas ang oras kakahintay sakanya na dumaan sa tapat ng classroom namin. And that become my daily habbit ang hintayin sya para lang makita ko sya.

Pakiramdam ko kulang ang araw ko sa tuwing hindi ko sya nakikita sa isang araw. Mula flag ceremony sya ang una kong hinahanap sa school. Ni pakiramdam ko nga sya na ata ang dahilan ng pagpasok ko sa school araw araw.

Ilang araw ang lumipas at nagka-crush ako sa lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan. Tangin ang pagmumukha lang nya ang alam ko. May mga araw na gusto ko syang tanungin kung anong pangalan nya pero ayaw kong malaman nya na may gusto ako sakanya. Gusto ko ding magtanong sa mga taong nakakasama nya kung ano nga bang pangalan nya pero ayaw kong isipin nila na stalker ako ng isang yun.

Simula ng araw araw nya akong nahuhuling nakatitig sakanya tuwing dumadaan sya sa harap ng room namin lagi ko din syang nakikitang lumilingon sa dereksyon ko. At parang meron na ring radar na nakakabit sakin na sa tuwing titingin ako sa labas ay nakikita kong nakatingin sya sakin habang dumadaan sa tapat ng classroom namin. 

I have this cute diary na nabili ko sa mall dahil na cutan ako. Hindi ko aakalain na balang araw ay masusulatan ko yon but I found myself writing everything. Ang ibig sabihin ng everything na yun ay lahat ng nangyayari sa araw-araw kong pamumuhay simula ng makilala ko sya ay isinusulat ko doon lahat ng nangyayari. It's like I'm writing our own story. Every piece of story.

Stuck In A FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon