Chapter 17

9 0 0
                                    

Nyrhyzsah


Since that day Dominique gave me this pearl hair clip I just wore it everday. I hate this kind of girly things but Dominique's right it helps me with my bangs.

It's almost a month na lagi akong hinahatid ni Dominique pauwi. Hindi nya ako nagagawang sunduin dahil maaga akong pumapasok. Yung ibang girls naman na nagkakagusto sakanya dati nawalan na ng gana dahil akala nila girlfriend ako ni Dominique.

"Magandang hapon sainyong lahat" bati ng isang guro na nakatayo sa harap namin ngayon. "Ako ang magiging pansamantalang guro nyo dahil wala si Sir Santiago" 

Karamihan sa mga kaklase ko ay nagbulungan matapos nilang marinig iyon. Ibig sabihin sya ang magiging filipino teacher namin? Well mas mukha naman syang mabait at mas bata sya kumpara kay sir Santiago na mukha palang pamatay na.

"Shempre ayaw ko naman na umpisahan ang lahat sa pagtuturo" muling wika nya kay tumahimik lahat at tumingin sakanya. 

"He's different" bulong sakin ni Alex habang deretso lang na nakatingin sa bagong filipino teacher namin. So different. Most of the teachers kasi inuumpisahan nilang lahat sa discussion.

"May mga tanong ba kayo sakin? Itanong nyo lang sasagutin ko" aniya. Nag umpisa nanamang mag bulungan ang mga kaklase ko. Ung ibang narinig ko nagtatanong sila kung ano nga ba ang magandang itanong.

May isa kaming kaklase na nag taas ng kamay kaya lahat kami ay napatingin sakaniya. Lahat kami ay nag abang sa kung ano nga bang itatanong. She cleared her throat before she speak.

"Ilang taon na po kayo sir?" sambit nya. What a nonsense question. Mahinang napatawa ang iba naming mga kaklase at isa na ako don

"Ako'y dalawampu't pitong gulang na" sagot naman ng sir namin at lahat naman kami ay napatahimik sa sagot nya. Masyado atang sineryoso ng sir namin ang pagiging filipino teacher nya.

Muling nagtaas ng kamay ang isa naming kaklase at inilahad namin ng sir namin ang kamay nya. It means he's given the chance to ask question.

"Sir in english please. Mas madali po kasi naming maintindihan ang english counting" at lahat kami ay nagtawanang muli. Like duh? Napaka simpleng numbers hindi nya alam?

Mahinang napatawa ang sir namin at umiling "Twenty-seven" maikling sagot nya.

"Sir advice naman sa panliligaw o" sambit ng isa ko pang kaklase. At lahat kami ay napatingin sakanya ng seryoso. It seems like they're taking advantage of asking our teacher a question para maubos ang oras namin ng walang discussion. Mautak din 'tong mga 'to pagdating sa kalokohan.

"Pano po ba manligaw?" dagdag na tanong nya. At mukha naman na nagseryoso din ang ibang kaklase kong lalaki sa tanong na yon. Lahat kami ngayon ay nakatingin sa teacher namin at naghihintay ng sagot nya.

"Ang pinakamagandang gawin mo ay kilalanin mo muna sya. Kaibiganin mo. Highschool palang kau, matuto muna kayong makuntento sa pagiging magkaibigan lang. Sa edad nyong yan hindi pa dapat kau nagiging higit sa magkaibigan. Normal na humanga ka sa babae pero kaibiganin mo muna sya at kilalanin. Sa pagkakaibigan kasi walang heart break, walang selosan at importante sa lahat walang masasaktan sainyo. Pagna-kaibigan nyo na, nakilala nyo na tsaka nyo sabihin kung sigurado ba talaga kayo sa babaeng 'yon. For now friends nalang muna. At sa mga babae pag mahal ka ng lalaki mahihintay ka nya. Wag nyong madaliin ang lahat" sagot nya. Lahat naman kami ay napatahimik ung iba tumango-tango na parang sumasang-ayon sa sinabi ng teacher namin.

"Wala na kaung tanong? Kung ganon mag umpisa na tayo" wika ulit ng sir namin at tsaka nya inumpisahan ang discussion.

Madaling natapos ang discussion kaya mukhang maaga kaming uuwi ngayon. Pero maiiwan ang mga nasa back row dahil kami naman ang maglilinis ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kaming utusan na maglinis e may janitor naman.

Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod ko. This feeling are so uncomfortable. Hindi sya babae, tumingin ko sa kamay nya sa nakapalibot sakin ngayon. WTF. Sino ba 'tong sira ulong yumakap sakin.

"Sabi ni Sir kanina kaibiganin muna namin ang mga babaeng gusto namin. Nyrhyzsah gusto kong makipag kaibigan sayo" bulong nya sakin ang he let go of me that's the time when I face him.

"Edward?" mahinang sambit ko

"Pwede ba?" tanong nya. I can see he's shy. I can see it his eyes.

Pero ano bang iniisip ng lalaking 'to? Ako? Seryoso sya? Hindi ko alam pero ang weird hindi ko na naiwasan at napatawa nalang ako ng mahina.

"Ibig sabihin?" muling tanong nya. Alam ko na kung anong iniisip nya. Tumango nalang ako biglang pagsagot at muli nya akong niyakap.

"Edward" sambit ko na may pagbabanta sa boses.

"Friendly hug since friends na tayo" wika nya pagkatapos kumalas sa pag kakayakap sakin.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag a-ayos ng upuan. Pagkatapos naming maglinis nagsialisan na din kami.

Dumeretso na si Alex dahil alam naman nyang sabay kaming uuwi ni Dominique. Pagdating ko sa parking lot andon na si Dominique naghihintay sakin.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" bungad na tanong ko sakanya.

Agad naman syang sumakay sa motor nya at ibinigay sakin ang isang helmet. Anong nangyari sa isang 'to bat d nya ako sinasagot?

"You okay?" tanong ko sakanya habang nasa daan kami. Naramdaman kong lalo nyang pinabilis ang takbo ng motor nya.

Dumating kami sa bahay ng hindi man lang sya nagsasalita. It seems like it happens before. Kailangan nga ba nangyari 'to?

O yah. I also ignored him before because I felt so irritated about something. Ang tanong na pumapasok sa isip ko ngayon ay kung ganito rin ba ang nararamdaman nya nong hindi ko sya pinapansin? Pero malabo ding mangyari yon dahil magkaiba kami ng nararamdaman sa isa't isa. Kaibigan lang ang turing nya sakin pero ako.....

Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko. I sat on my bed. Nakakapanibago ang ganong ugali ni Dominique.

Ilang oras na din akong naghihintay pero hindi ko parin makita ang salitang Active now sa inbox namin ni Dominique. Ano kayang problema 'non.

Out of boredom I called Alex. I didn't usually do it. I only talk to Dominique but for now I just wanna talk with Alex.

"What?" yon ang paraan nya ng pagbati. Wala man lang hi or hello.

"Uhm" pano ko nga ba uumpisahan ang sasabihin ko? Ni hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Bat ba ako napatawag?

"Anythings wrong?" wika nya mula sa kabilang linya. Teka, may mali nga ba? Bat bigla bigla nalang akong napatawag sakanya. "Hey"

Pinatay ko na ang tawag dahil parang wala din naman akong sasabihin sakanya. Nagmumukha lang akong tanga. But my feelings bothering me. Was it because Edward confess earlier? No. That's not it.

Was it....

Yah! He's the only one who can bring me to this feeling. I feel bother about something because Dominique acting weird lately. I can't think of it why? Why did he act like that?

Stuck In A FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon