Chapter 8

18 0 0
                                    

Nyrhyzsah


Kanina pa text ng text sakin si Alexandra na paalis na daw ang bus kaya nag mamadali na rin akong umalis. Nag paalam na ako kay papa na aalis na ako at paglabas ko sa ng bahay namin nakita ko si Dominique na naghihintay sakin kanina pa.

"Bantayan at ingatan mo 'tong prinssesa namin" bilin ni papa kay Dominique kaya sinamaan ko sya ng tingin. Ano bang sinasabi ni papa?

"Yes sir" sagot naman ni Dominique at sumaludo kay papa. Napakahirap talaga intindihin ng mga lalaki.

On the way na kami sa school dahil may outing kami ngayon. Balak sana ng school namin na by section ang pumunta kaso iilan lang ang nag sabing pupunta kaya ipinagsama-sama na nila lahat ng sumama sa school outing namin. 54 lang sumama sa buong school campus namin, imagine that sa dinami dami naming estudyante 54 lang ang pumunta.

Hindi sana ako sasama gaya ng lagi kong ginagawa kaso nag maka-awa sakin si Alex na sumama ako para daw may kasama sya at pati na rin si Dominique na kinulit akong sumama kaya napilitan na akong sumama.

"Narinig mo yung sabi ni papa?" bigla akong napatingin kay Dominique sa sinabi nya. Papa?

"Bantayan daw kita. That mean hindi ka lalayo sakin. Did you understand me?" sambit nya. Baliw talaga tong lalaking 'to. Hindi ko na napigilang matawa dahil sa sinabi nya.

Pag dating namin sa school nakahanda na ang bus na sasakyan namin kaya sumakay na din kami agad ni Dominique. Halos kami nalang pala ang hinihintay.

Nakita kong kumaway si Alex kaya agad akong pumunta sakanya at umupo sa tabi nya.

"Hey you must be sitting with me" reklamo ni Dominique kaya agad kaming napatingin ni Alex sakanya.

"She's mine now" sambit ni Alex at tsaka ako niyakap at isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. Tinignan lang ng masama ni Dominique si Alex at tsaka umupo sa bandang likod namin dahil wala na syang magagawa.

Sa buong biyahe namin papunta ng beach halos oras-oras ata akong tinatanong ni Dominique kung gutom na daw ba ako o nauuhaw ba ako. Masyado naman ata nyang sineryoso yung sinabi ni papa.

Pag dating namin sa beach agad namang nag takbuhan ang mga school mates ko papunta sa dalampasigan. Sari-sarili silang kuha ng picture at yung iba naman nag ku-kulitan.

Pagkatapos ng ilang sigundong pag enjoy sa may tubig agad naman kaming pinatawag ng mga teacher para ibigay ang susi ng magiging room namin at dahil kinulang na ng room sinabihan kaming mag share nalang daw. Buti nalang meron si Alex kaya sya ang ka-share ko ng isang room.

Pagkatapos nilang sabihin samin ang mga rules and regulation para sa 2 days and 1 night naming pag stay dto pinapunta na nila kami sa mga sarili naming room at mag ayos ng gamit namin, pagkatapos non pwede na kaming mag tampisaw at mag enjoy.

Pagkatapos naming mag ayos ng gamit ni Alex agad naman syang nagbihis nag bihis ng pang swimming nya at ganon din ako. We're not allowed to wear showy or should I say swim suit.

After a lot of hours enjoying our moment nagsipunta na kami sa room namin para mag bihis at dumeretso sa restaurant para kumain ng dinner.

After eating our dinner pinabalik na kami sa mga room namin para matulog. Dapat by 8PM sharp nasa sari-sarili na kaming room para matulog. No more roaming around the beach. Since halos masusunurin lahat ng sumama (hindi naman siguro papayagan ng parents yung mga anak nilang walang disiplina) agad na kaming bumalik sa sari-sarili naming kwarto.

"Tell me the truth" wika ni Alex habang nakahiga sa kama naming dalawa. Sapat lang ang laki ng kama para sa dalawang tao since kasing laki lang naman ng hotel room namin ang kwarto ko. Ang pagkakaiba nalang siguro at may sariling bathroom ang hotel room namin. They got a cheap one kasi estudyante lang naman kami.

Stuck In A FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon