Nyrhyzsah
Nag text ako kay Alex na baka ma la-late ako ngayon dahil may pupuntahan pa ako. Pina alalahanan nya ako na kailangan kong pumasok bago ang first period namin dahil may long quiz pa kami. Alam kong hindi nya ako gugustuhing ma-late kasi wala ako na pag ko-kopyahan nya.Sa matagal-tagal kong paglalakad nakita ko na din ang store na sinasabi ni Dominique ibig sabihin ay malapit na ako. Nag lakad lang ako ng tuloy-tuloy. Ilang sandali pa ay narating ko na ang bilyaran na sinasabi ni Dominique. Mula sa kinakatayuan ko ay nakita ko ang ilang mga lalaking nakatambay sa labas ng bilyaran.
O gosh. Seryoso ba syang gusto nya akong pumunta ng ganitong lugar? Parang hindi na nga ako makakapasok ng buhay sa loob ng bilyaran na yun e. Naramdaman kong nanginginig na ang mga tuhod ko at gusto ko ng umatras.
"Nyrhyzsah" lumingon ako sa kinaroroonan ng boses na yun at nakita ko si Ian na nakatayo sa likod ko. Gusto kong lumapit sakanya pero parang babagsak ako sa panginginig ng tuhod ko dahil sa takot. Ngumiti ako sakanya at lumapit sya sakin
"Hold me" my voice is trembling at napakapit ako sa braso nya
"Are you okay?" nag aalalang tanong nya I just smile ang noded. Nang mag sink sa utak ko ang lahat napakalma ko na din ang sarili ko at nagsimula na kaming mag lakad ni Ian papuntang school.
"Ano bang ginagawa mo dun?" pagbasag ni Ian sa katahimikan. I want to say na pumunta ako dun para kay Dominique kasi yun yung sinabi nyang lugar kung saan ibibigay nya yung gusto nyang ibigay sakin pero my instinct says not to say it and my instinct in part of me that's why I trust it.
"Ah napadaan lang ako" sagot ko
"Oh crap! Ilang minuto nalang time na. Bilisan na natin may long quiz pa kami ngayon" sambit nya. Buti nalang nakita ako ng lalaking toh, hindi ko alam kung ano na bang kalagayan ko kung sakaling hindi sya dumating. Ang mabilis naming paglalakad at napalitan ng pagtakbo and I found myself running with my co-dance instructor.
Pag pasok namin sa loob ng campus ay klaro na ang school ground malamang ay nag uumpisa na ang klase.
"Hindi bat hindi jan yung daan papuntang classroom nyo" rinig kong nagtatakang tanong ni Ian bat pa ba nya napansin yun at sa kasong toh sa tining ko kailangan ko na namang magsinungaling
"Ah may dadaanan lang ako" sagot ko sakanya at nagpatuloy na ako sa pag takbo. Nararamdaman kong sumisikip nanaman yung dibdib ko sa pagod. Pero gusto kong malaman kong naka pasok na ba si Dominique
Pasimple akong sumilip sa classroom nila Dominique at tumingin sa upuan nya, wala pa sya. Late kaya sya o nasa loob sya ng pasilyong iyon nag hihintay sakin? Pano kung hanggang ngayon nag hihintay parin sya sakin?
Deretso akong tumakbo papunta sa classroom namin nang malapit na ako dun ay kinakabahan na ako dahil tahimik na sila. Baka nag u-umpisa na ang long quiz namin.
Tumingin ako sa relo ko at 15 minutes na akong late baka hindi ko na matatapos on time ang quiz. Huminga ako ng malalim bago pumasok.
Laking gulat ko ng nakita ko ang mga kaklase kong tahimik na nakaupo hawak ang puting papel pero alam kong hindi yun questionnaire. Its 15 minutes since nag start ang first period pero hanggang ngayon nag re-review parin sila. Ano toh last minute review?
"Asan si sir?" tanong ko sa mga kaklase ko pero ni isa walang sumasagot. Mga geek. Long quiz lang naman toh e bat ba ganon nalang sila mag review
Dumeretso ako sa upuan ko at nagtaka ako na may hawak na ding notebook si Alex.
"Anong nakain mo?" tanong ko sakanya. Ibaba nya ang notebook nya at tumingin sakin
BINABASA MO ANG
Stuck In A Friendzone
أدب المراهقينI had a crush on this guy for so long. Pag lalandi na nga ba kung malapit ka sa crush mo? Kasi para sakin para-paraan yon e. But what a sad thing to think that: hanggang kaibigan nalang ba talaga kami? Am I forever "Stuck in a Friendzone" Aamin pa b...