Chapter 19

7 0 0
                                    

Nyrhyzsah

"Nyrhyzsah" tawag sakin ni Edward habang nakaupo sa tabi ko. Vacant namin ngayon kaya wala kaming klase sa oras na 'to.

"Hindi ka parin ba naniniwala na seryoso ako?" tanong nya habang deretso lang syang nakatingin sakin. Hindi ko ng alam kung seryoso nga ba talaga sya sa sinabi nyang manliligaw sya sakin. Parang kailan lang kasi nong sinabi nyang makikipag kaibigan lang sya sakin.

"Hindi" maikling sagot ko sakanya at ituon ko ulit ang tingin ko sa librong binabasa ko. 

"Kung ganon" sambit muli nya pero sa pagkakataong 'to may nagiba sa tono ng boses nya naging mas malungkot ang tono non. Hindi ko parin sya nililingon dahil ayaw kong makita ang mukha nya. Ayaw ko kung pano nga ba sya kaseryoso. 

"Papatunayan ko sayong seryoso ako" dagdag nya nakapag baling ng tingin ko sakanya. Seryoso ba talaga sya sa sinasabi nya? "Maniwala ka lang"

How am I suppose to reply with him? Ano nga ba ang dapat kong sabihin? Hahayaan ko nalang ba sya? Am I gonna do that? 

Inilipat ko nalang ulit ang tingin ko sa librong binabasa ko dahil hindi ko na alam kung ano nga bang dapat kong sabihin sakanya. Ayaw kong maramdaman nya na nire-reject ko sya. Ayaw ko din naman na paasahin sya dahil alam ko sa sarili kong hindi ko sya gusto.

Nag aya si Alex na kumain kaya pumunta kaming cafeteria para kumain. Actually ako lang naman talaga ang niyaya ni Alex pero sumama parin si Edward. Sinabi din nya na ililibre na daw nya ako kaya hindi na ako umangal don. Pumunta nalang ako sa isang bakanteng table at umupo habang hinihintay sila Alex at Edward.

Nagulat ako ng biglang umupo sa harap ko si Dominique. Hindi ba dapat may klase pa sya ng gantong oras. Hindi naman sabay ang oras ng vacant naming dalawa e. At tsaka hindi ba hindi na nya ako pinapansin. Matagal na din kaming hindi nag uusap. Akalain mo yon, nagawa kong tiisin na hindi sya kausapin kahit na gustong gusto ko na talaga syang kausapin. 

"Andto ka lang pala" wika nya at bakas sa mukha nya ang malaking ngiti. How I miss that smile. Ilang araw ko din hindi nakita ang ngiting yon. Simula kasi ng hindi na kami nag uusap bumalik ako sa pagiging little ms stalker. Minsan pasimple ko parin syang sinusulyapan. 

"Bat andto ka dba may klase pa kayo?" tanong ko sakanya at naglihis ako ng tingin para tignan ni Edward at Alex na nasa counter parin. Good thing our table is good for four.

"Absent yung subject teacher namin ngayon e" sagot nya sakin at tsaka sya tumayo. Aalis na ba sya agad? 

"Hindi mo ba ako namiss?" tanong nya at umupo sya sa tabi ko. And for the long time ngayon ko nalang ulit naramdaman ang pag init ng mga pisngi ko. He never failed to make me blush after all. Sabi ko dapat hindi ko na sya gusto dahil sa pagbabago ng pakikitungo nya sakin.

"Namiss ko din umupo dto" muling wika nya. Ito kasing pinwestuhan namin ngayon ang lagi naming pwesto sa twing kumakain kami. 

Dumating na sila Edward at Alex dala ang pagkain namin. Umalis naman si Dominique para kumuha din ng pagkain nya. Magkatabing umupo si Alex at Edward sa harap ko.

"Ayos na kayo ni Dominique?" tanong sakin ni Edward habang binibigay sakin ang pagkain ko.

"Hindi naman kami nag away" sagot ko sakanya habang pailing-iling na nakangiti. Hindi ko alam pero parang ang saya ko na naman at hindi ko nanaman maalis ang ngiti sa labi ko

Pagkatapos naming kumain tumambay lang kami ng onti at nang marinig na namin ang school bell bumalik na kami sa kanya kanya naming klase. Nasa second floor na kami pero sabi ni Aex may nakalimutan daw syang kunin kaya pinauna nya kaming bumalik sa classroom.

Stuck In A FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon