Chapter 2: Role

59 42 5
                                    

Past: "It was where it all started,"





"Huwag ka ng mag alala, sumama ka sa akin sa bahay para doon ka makakain. Siguro'y mayron namang kahit kunting pagkain don"

Pag aaya ni Vienne isang araw nung third year high school pa kami. Katulad ko'y naghihirap din ang pamilya niya pagdating sa pera. Mahirap sila pero heto at nagagawa pang mag alala sa akin.

I had all the choice to refuse but her offer was genuine, and she's my best friend kaya bakit ako tatanggi?

Pagkadating sa bahay nila ay nadatnan namin ang apat niya pang kapatid. Ang magulang ay wala, siguro para mag hanap buhay.

Like me, vienne is struggling for life. Pero di katulad ko na madalas walang makain at nilalakad na lamang ang layo ng distansya para lang makapag aral.

"Yung si Achile.. napapansin ko ang madalas na pag titig niya sayo, minsan sayo lang talaga nakatingin buong araw!"

Pag iiba ng topic ni vienne habang kumakain kami. Kanina'y yung crush niya ang usapan namin, ngayon ay nalipat sa akin.

"Sino naman yan?" pagkukunwari kong hindi ko siya kilala.

Dahil wala naman talaga akong pakialam.

"Naku! Huwag kang gumaganyan Iara hah! Alien ka ba at hindi mo kilala ang famous, handsome and hot Achile ng kabilang campus?" she said with matching hand gestures. Exaggerated with her words...
I grimaced.

"Madalas siya sa campus natin kasi graduation na nila! Kaya dun sila nagppratice. Doon ko napansin ang mga mata niyang ikaw ang hinahanap!"

Hindi pa nakuntento at tinuloy pa rin ang kwento niyang sa tingin ko ay gawa-gawa lang naman.

"Maniwala ka sa hindi, nagsasabi ako ng totoo! Hindi ko sasabihing may gusto siya sayo pero madalas nga kapag nakikita ko siya, sayo nakatingin lalo na kapag nasa may banda likuran tayo ng library. Lagi siyang nandun sa may side benches kasama ang mga barkada niya. Pero imbes na maki-tawanan siya sa kanila, sayo lang nakatitig!"

Umiling iling lamang ako.

"Nagkataon lang vienne. Huwag mo ng problemahin." kalmado kong tugon at pilit na inalis sa isipan ang mga kwento niyang sa tingin ko ay may katotohanan.

Habang naglalakad sa hallway, dala-dala ang tatlong libro, patungo sana sa library para ibalik ang mga ito.. bigla siyang humarang sa daraanan ko kaya bigla akong natigil. I thought it was accidentally, kaya naman sumilay ako pakanan at magbabalak sanang magpatuloy lumakad ng humarang siyang muli! Startled with his sudden presence and then blocking my way, bahagya akong napaatras.

Sumilay ang mapag-laro niyang ngiti habang ang kanang kilay ay nakataas. Naglahad siya ng kamay na mas ikinagulat ko pa lalo.

"Hetiara right? I'm Achile. How are you?"

Ilang hakbang pabalik ulit ang ginawa ko dahil sa gulat. Is he playing around? Ilang maliliit na tawa ang pinakawalan niya. Nakalahad pa rin ang kamay at hindi ko alam kung makikipag shake hands ba ako sa kanya.

"Nakikipag kaibigan ka ba? Kasi kung oo, hindi ko kailangan ng karagdagan" mataray kong sagot dahil alam kong mayron siyang layunin.

Hindi pwedeng ang isang Achile ay basta-basta na lamang susulpot sa harap ko at makikipag kamay sa akin!

He chuckled with my response. He reached for my hand (which actually startled me more) and made us shake-hands.

"Hindi ako nakikipag kaibigan, huwag kang mag alala"

He left me dumbfounded there! Ni hindi mahagilap ang sariling katinuan. Ilang minuto ang lumipas bago ako nagpasyang tumungo na sa library.

Hindi makikipag kaibigan? Eh anong ibig sabihin ng pagpapakilala niya at may shake hands pa siyang nalalaman! Huwag akong mag alala? Ano ba ang ibig niyang sabihin! Hayyst!

Candle in the Dark (Tragic story #1)Where stories live. Discover now