Prologue

117 50 12
                                    

Isang puting VAN at SUV, itim na pick-up ang pumarada sa harap ng tarangkahan ng bahay. Hindi ko na kailangan pang titigan ang mga ito ng matagal, dahil isang pasada lamang ng tingin, alam ko na kung sino ang mga taong naroroon.

Hindi ko ito nilingon ulit at nagpatuloy sa pag ayos ng lamesang pinag-kainan ng mga kamag anak mula pa sa kabilang probinsya.

Narinig ko ang kamustahan, saglit na pagkikipag usap sa iba pang bisita na ginawad ng pamilyang kararating lamang.

Hanggang dito ba naman, asal kandidato pa rin kayo?

Inis at galit ang tanging naramdaman sa kanila, hindi kailanman ang utang na loob na mayron ang tatay ko.

Gayunman, kung ang tatay ay pinamunuan ng sariling prinsipyo, timpi at pagiging tahimik ang tanging bagay na namuo sa akin.

I never show them how I hated their family. I never express hatred and grudge. Because from then on, silence is what I have been with. Naisip ko noon na, wala namang magbabago kung sasabihin ko ang saloobin sa kanila. Hindi naman magbabago ang sitwasyon kung ipapakita kong nabbwisit ako sa kanila. I was guided by calculation and being calm all the time.

May mga oras na gusto kong sumabog pero dahil kontrolado ang sariling desisyon, hindi ko nagagawa. I have the ability to control my emotions. I was expressionless, better keep things with me alone.

Maging ang nanay ay hindi sila nilabasan, tanging mga tiyuhin at tiyahin ang sumalubong sa kanila.

Foods are served for them as I was listening absentmindedly to some friends present during the time. Matapos ang ginagawa kanina'y dumalo ako rito upang makaiwas sa kanila.

"Tito even advised me before to have the time of my life while studying. Kasi ang pag aaral, nandyan lang pero ang mga memoryang magagawa mo ay dadalhin mo hanggang sa pag tanda"

Vinne recalled emotionally and tears streamed down from her eyes. I felt crying too but chose not to.

Some friends also shared their memory with my father. The group was really emotional. I understand though.

That was a long emotional day but the important is.. we have been through it and eventually will move on.

Alas singko ng hapon ng mag-paalam sila sa akin para umuwi. Hindi ko na pinigilan dahil sa tingin ko'y masyado na silang nalulungkot at kailangan nang mag pahinga.

Bumalik ako sa loob at sa may bandang kanluran ng bahay ako dumaan para masiguradong hindi makita ang pamilyang kinaiinisan ko. Pero laking gulat ko ng sila ang tumambad sa akin pagka-pasok sa sala. There standing confidently the head of the family, Mr. Benito, beside him is his wife and his three sons.

They were waiting for me, well based on their stares now.

Plano ko talagang hindi sila makausap sa araw na ito at habang buhay. But this time is a bit different. Lumapit ako sa kanila, hindi nakasimangot ngunit hindi rin naman nakangiti. Walang balak mag salita kaya tumahimik na lang, hinihintay na sila ang mag sabi ng pakay nila.

"Nakikiramay kami sayo at sa pamilya nyo, hija" panimula ni Mr. Benito.

"Salamat" tanging tugon ko.

Nang mapansing wala na siyang balak pang dugtungan ang sinabi, namaalam na.

"Kung wala na po kayong sasabihin, mauuna na ako"

Tumalikod, hindi na hinintay pa ang sagot niya, at diretsung naglakad palayo. Ngunit ilang hakbang pa lang ay rinig ko ang insultong nangaling sa tunay na pagkataong mayron siya.

"Walang modo. Wala naman yang ipag mamalaki, utusan lang ang tatay"

"Ang kapal ng mukha! Palibhasa nagmana sa tatay!" this time it's Ms. Benito.

Candle in the Dark (Tragic story #1)Where stories live. Discover now