Chapter 7: Illusion

53 41 3
                                    

Present: "Time reveals.."

I couldn't get over with the news. Buong oras ko yung iniisip. Nagtatanong kung paanong nakabisita siya sa probinsya gayong ang sabi niya noon.. mawawala siya at hindi na babalik? Kasi buo na ang isipan niyang sumapi sa grupo nila Cord. Ginawa naman niya. Iniwan nga ako at hindi na nagparamdam. But how come he would visit our home? How come he would go there and see my family? Nangamusta sa kanila pero sa akin hindi?

I knew that he had memories with my family but didn't he suppose to ask my well-being first before anything else? Was I not his priority? And why the hell he would not see me anyway? Nagtatago siya o ayaw niya lang talaga akong makita?

Nakarating na ako sa bar at marami pa rin akong katanungan sa utak. Nawala lang ito dahil sa anunsyong binalita ni Rose.

"Makinig kayong lahat. Darating ngayon rito ang mga barkada ni Cord kaya kailangan nating maging handa sa gabing ito at baka makitaan nila ang isa sa atin ng pagkakamali o pwedeng mapuna para maibalita kay Cord. Alam kong hindi nila iyun gagawin dahil pagsasaya ang ipupunta nila dito. Not that they would even notice us anyway. But We should all be careful with our movements. We should be attentive. Who knows they were sent here to spy on us? We all wouldn't want something bad to happen since we all need our jobs, am I right?" Rose strongly said. She's in front of us, gathering us first before the bar officially opens and before the night begins.

"Yes!" everyone said in chorus.

"Alright Good! Now get to work!"

Kanya kanyang pumwesto sa bawat assigned area ang lahat. Samantha, Elaine, Yesha, Lorine, Veronica, Paula, Dahlia, Zarina, Teresita and me as the 10 waitresses were in position to take orders from the customers. Rose was our head and the actual manager of this bar. She managed us. She managed the whole procedure and everything that's going on here.

The bar opened already. Customers were coming in kaya naging abala kaming sampu sa pagkuha at pagbigay ng mga orders. Veronica winked at me when we passed by each other. Pabalik siya sa counter habang ako ay papunta sa nagtawag na table. Nginitian ko siya pabalik. Tatlo kaming nandito sa baba. Apat naman ang nasa ikalawang palapag. The rest were in their respective private area.

"Good evening! Ano pong order natin, Mam Sir?" masigla kong tanong sa table 3.

Naghintay ako ng saglit bago nila naibigay ang orders nila. Dumiretsu ako sa kusina para ibigay ito kay Hilary, ang assistant chef ng bar. Luminga linga ako nagbabaka sakali na may magtawag ng waitress pero wala naman. Kaya binaling ko ang attention sa mga cups and saucer na nakalagay sa wooden cabinet sa may counter. Maingat ko iyung pinupunusan ng malinis na bimpo. The rock song stopped and for a moment the presence of the music vanished. Silence embraced the whole place. Nga lang, may madidinig ka pa ring ingay mula sa mga nag uusap na customers at malakas na nagkukwentuhan o nagtatawanan.

Ilang sandali lang bumalik din ang musika pero hindi na ito iyung katulad ng maingay at masakit sa tenga. This one's mellow and like a lullaby to your ears. Rose might told the DJ to change the genre of the music for tonight since Cord's friends would be here. Huwag mong sabihing ito ang mga tipo nilang kanta? Malumanay at paghehele? Nagkibit ako ng balikat. Maganda nga naman ang mga gantong musika. Chill lang.

Tumunog ang wind chimes sa may entrance, simbolo na may pumasok na bagong customer. Napabalikwas si Rose na nasa di kalayuan nang makita ang grupo ng mga lalaking kapapasok lamang. Marahil ay sila na ang tinutukoy niyang bardaka ni Cord.

"Welcome po, mga sir! Nagagalak po kami sa pagbisita niyo!" Rose welcomed them. They were all serious. Their looks didn't even change as how Rose greeted them. Nagpatuloy sila sa paglalakad kaya naman iginiya sila ni Rose sa kanina pang naka reserved na table banda sa ikalawang palapag, kung saan doon ay kita ang buong bar. Nakahinga ako ng maluwag ng nakalagpas sila sa gawi ko at umakyat na ng tuluyan sa taas. At least, I wouldn't be the one who'll going to serve them since my area was here in the ground.

Candle in the Dark (Tragic story #1)Where stories live. Discover now