Chapter 3: Encounter

59 42 6
                                    

Past: "Not all that eyes could see was real."





Kinabukasan pagkatapos ng morning class ay walang pasubali kong hinanap siya. Sa hallway, sa likod ng library kung saan madalas kaming tumambay ni vienne, sa soccer field at the grandstand, sa gym at maging sa boundary ng campus.. wala siya!

Ramdam ko ang pawis sa noo nang bumalik ako sa likod ng library. Vienne texted me that she's there with our lunch boxes. Hinihingal na umupo sa paborito naming spot habang disappointed na hindi siya nahanap. Bakit kung kailan ako ang naghahanap, hindi ko siya makita?

Handa na sana ako sa mga tanong ni vienne at isiwalat sa kanya ang pagpaparamdam ni achile ng bigla ay humagulgol siya sa harap ko. Nagulat ako roon. Naisantabi ko ang sariling problema, kinalimutan ang handa na sanang kwento para sa kanya. Bagkus, linapitan ko ito at niyakap. Siguro ay malaking problema ang hinaharap niya at bakit ganito na lang siya umiyak. Hindi ako nag salita, hinayaan na lamang siya.

"Anong nangyari? Sino ang susugurin natin!" pabiro kong tanong ng tumahan na siya.

Wiping her tears, she reached for a tissue inside her small bag. I then noticed the two pink lunch boxes beside it and released a long sigh.

When she acts like this, automatically I know what it is. I don't need to ask because we are in the same boat, though she is in the upper part and me.. in the lower part.. still, we are in the same boat. Kaya alam ko ang mga ganitong kilos niya.

"Sana hindi kana nag abala mag dala ng baon para sa akin.. dapat ibinigay mo na lang yan dun kay vanessa. Kawawa rin naman yung kapatid mo na yun, nag aaral pa naman ng mabuti"

She looked at me with guilty eyes, a bit shocked by my sudden friendly advice. Namamaga ang mata, halatang kanina pa siya umiiyak. Magulo ang buhok at nagkalat ang physics at mathematics books niya sa tabi. Hinuha ko ay um-absent pa siya sa huling klase niya. We are not classmates. Nasa unang section ako at siya naman sa pangalawa.

"Pasensya na. Wala lang to. Huwag mo na akong pansinin. Tara kain na tayo"

Binuksan niya ang lunch boxes. One plain rice and sardines inside. Muli ay napabuntong hininga ako. Nakita iyun ni vienne kaya maging siya ay bumuntong hininga.

"I'm sorry. Si nanay kasi nahuli ako.. kaya ayun medyo napagalitan. Hindi naman malala pero yun nga, sa akin lang to. Ako talaga minsan ang may problema" malungkot na sambit niya.

"Next time.. i mean tomorrow, please don't bother to bring me lunch. I beg you. Ayaw kong ganito. Nalulungkot ako kapag napapagalitan ka dahil itinatabi mo para sa akin ang dapat sana ay para sa mga kapatid mo. Don't worry, I understand very much. Isa pa, hindi naman siguro ako mamamatay kung hindi makakain ng tanghalian" nagpakawala ako ng munting tawa para maibsan ang awa na biglang naramdaman para sa sarili.

That was an unexpected burst of emotion. Unclear, unspoken. I am not afraid to tell her what's inside me lalo na't mukhang naaabala ko siya sa kung ano. Hindi ko rin naman hiniling sa kanya na gawin ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin. Hindi lang ako makatanggi dahil syempre kaibigan ko siya katulad ni Troy. All the help that she gave me is being treasured here with me. And I am grateful that despite the situation she's in, nagagawa niya pa ring tulungan ako sa sarili niyang paraan.

Pero kung ganito na, kaya ko namang umintindi at patuloy na intindihing katulad ko ay naghihirap din ang pamilya niya. Kahit maliit na bagay maituturing ang lunch box na dala niya, malaki yun para sa nanay niya. Dahil alam kong may malalim na dahilan.. hindi lang basta basta dahil may kanin at sardinas sa loob nito.

Kumain kami kalaunan. Pumayag ako dahil nadala na niya. Napagalitan pa dahil lang roon. Nga lang, hiniling ko na huli na yun at huwag na siyang mag abala pa. Hindi siya nag salita pero alam kong wala na rin naman siyang magagawa.

Candle in the Dark (Tragic story #1)Where stories live. Discover now