CHAPTER 1

74 2 0
                                    

"Maybe I haven't moved on since that night"- by: Krissy &Erika


"HAPPY VALENTINE'S bessy!!!" – Narinig kong sigaw ni Eraizha. Palibhasa lahat sila may kavalentine ngayon. Nagtalukbo naman ako ng kumot ko pero lumapit ito para alisin kaya ang nangyari nakikipag tug-of-war ako. Naiinis ako dahil ayaw niyang magpatalo kaya ang ginawa ko binitawan ko na yung kumot at narinig kong parang may nahulog dahil may kumalabog kaya napaangat agad ako at doon ko nakita si Eraizha nakasalampak sa sahig habang minamasahe ang pwet na natamaan.

"Ouch ha!, ang sama mo talaga saakin kahit kailan. F.O na tayo." Nakasimangot sabi nito.

"O.A mo. Kasalanan mo rin kasi." Lumapit naman ako sakanya para tulungan siya kaso imbes na kamay ko ang hahawakan nito. Buhok ko ang ginuyod niya.

"Aray!!"

"Ganti ko yan sayo." Nakangising sabi nito.

"Pero infairness ang haba na ng buhok mo. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagpapagupit. Yung totoo Jho. '' Sabi nito. Inayos ko naman ang buhok ko na ginulo nito. Sa totoo lang hindi ko naman nahaharap magpagupit sa tingin ko naman bagay sa akin hanggang bewang na kasi ito at medyo wavy pa siya.

"Sira, Saka na ako magpapagupit pag hindi ako tinamad." Inayos ko naman yung higaan ko dahil wala naman kaming katulong dito merong naglilinis dito pero twice a week lang siyang maglinis.

"Duh, parati ka namang tamad. Siya nga pala sa bahay ako uuwi ngayon tapos sila Gette at Camilla may date , si Ellesse busy kaya baka wala kang kasama buong araw dito. Saan mo balak magvalentine?"

"Dito, saan pa kaya 3 years na tayong magkakasama dito hindi pa kayo sanay."

"Why not try dating someone? may kilala ako o Kaya naman lumabas ka. Hindi naman kita pwedeng isama sa bahay namin dahil alam kung may pasok ka pa bukas."

"Nah! It's OK; I'm used to being alone.hahahahaha. Pero totoo okay lang ako dito wag kang mag-alala lalabas na lang ako pag hindi ako tinamad."

"Yah right." Bored na sabi nito. "Sige Bye, bilhan na lang kita ng pasalubong."

"Yan ang pinakamagandang sinabi mo ngayon." Nakangiting sabi ko kaya inirapan naman ako nito.

"Oo pero next week ko pa maibibigay duh!" napasimangot naman ako.

***************

Nagtry akong icontact lahat ng kilala ko kung busy sila ngayon pero wala man lang hindi busy sakanila kahit sila Gette at Camilla pati ang pinsan ko. Pati rin pala sila Tita at tito may date ngayon haist so ako lang talaga ang hindi busy sa araw na ito bakit kasi natapat pa na day off ko ngayon kaasar ha!

Pumunta naman ako ng kusina at nagluto ng pwedeng kainin maglulunch na pero ang niluto popcorn at kumuha ang ibang food sa cabinet at drinks ko na rin mag momovie marathon akong mag-isa. Nilapag ko naman ang mga pagkain ko sa table dito sa sala. Binuksan ko na rin ang tv tapos sinarado ang mga kurtina buti na lang at mayroon yung makapal na dark na kurtina kaya dumilim tuloy wahahahaha. Sinaksak ko naman na ang hard drive ni Gette marami kasi siyang dinawload na movie lalo na ang horror doon kami nagkakasundo na dalawa yung tatlo hindi mo sila mapapanuod ng mag-isa yung mga yun. Pinatay ko na rin ang ilaw para mas intense.

Nasa kalagitnaan ako nang panunuod ng biglang may nagdoorbell bigla tuloy akong nagulat. Kainis yun na oh!. Tumayo naman ako baka yan yung pinadeliver kong pizza. napatigil naman ako ng hindi pala delivery ang nadatnan ko kung hindi, ang hindi inaasahang bisita.

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon