CHAPTER 3

59 2 0
                                    

All you have to do to is stay... a minute.. just take your time. - Zedd

***********

Nakitang kong itinigil ni Steven ang kotse kaya tinignan ko agad sa labas kung nasan na kami. Nang malamang nasa tapat na kami ng building kong saan ang Unit namin, tinangal ko na agad ang seatbelt ko. Nabigla naman ako ng bumukas ang pinto ng passerger seat. Nakita kong nakatayo na doon si Steven at siya pala ang nagbukas nun.

"Salamat sa paghatid." Maikling sabi ko rito. Hindi ko naman siya narinig pang nagsalita. I'm about live ng bigla itong nagsalita.

"Sorry sa nangyari kanina." Rinig kong sabi nito. Kaya napaharap ako sakanya "Hindi ko intensyon na mapahamak ka kanina. Gusto ko lang na kumain tayo, wala akong pakialam sa iisipin o sasabihin ng iba dahil hindi naman sila yung pinunta ko doon." Dadag pa nito.

"Sorry rin, ayaw ko lang marinig or makitang napag-uusapan uli." Ngayon lang ako nakipag-usap sakanya ng mahinahon. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa sarili ko. "Salamat ulit, and goodnight."

"Good night, mag-ingat ka."- sabi nito,nakita ko lang siyang nakatayo doon kaya tumalikod na para pumasok sa building namin.

Maraming tanong ang gusto kong itanong pero wala na akong lakas pa na magsalita dahil na rin siguro sa pagod. Hindi ko alam kung kailan muli kaming magkikita o pagkatapos ba nito may mababago parin kaya. I was about to sleep when my doorbell suddenly rung. Napakunot naman ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang darating ng ganitong disoras ng gabi. Si Gette kasi hindi na raw siya mamakakauwi dito sa office na lang siya matutulog sila ng mga kasama niya.

Kaya sino naman ang bibisita, kesa mag-isip ako ay pinagbuksan ko na agad kung sinong tao yun. Baka kasi importante at ganitong oras pa siya pumunta.

"May nakalimutan ka?" nagtatakang tanong ko ng magpagsino ang bumisita. Bigla naman agad ako nitong niyakap ng mahigpit kaya hindi ako agad nakapagreact sa ginawa niya.

"I missed you already." Biglang yakap nito saakin, kaya nagsitindig lahat ng balahibo ko sa batok. I don't know what to say. Dahil sa gulat wala rin akong masabi.

"Uhm.. Steven hindi ako makahinga." Yun ang unang salita nasabi ko dahil hindi ko alam ang dapat kung sabihin sa sinabi niya. Hindi naman kasi patanong yung sinabi niya. Bigla namang naramdaman kong lumuwag ang pagyakap nito kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Can I stay here for a while?" hindi ko alam pero napatango na lamang ako sakanya. Nakahinga naman ito ng maluwag ng malamang pinayagan ko siyang mag stay. Pero hangang ilang oras ba ang hinihingi niya.

"Pasok ka muna." Maikling sabi ko, sumunod naman itong pumasok. Pagkatapos kung isara ang pinto nakita kong nakatayo pa rin ito at nakatingin sa mga larawan naming magkakaibigan. This is really ackward at wala akong maisip na sasabihin sakanya. Madaldal akong tao pero bakit pagdating sakanya nawawalan ako ng sasabihin at napipe ako bigla.

"Ahm... May gusto ka bang inumin or kainin?" Pag-aalok ko naman sakanya, kaya biglang nawala ang atensyon niya sa ginagawa niya kanina at napatingin. Mali atang tanungin ko siya lalong naging ackward dahil sa tinigin niya. Ano ba Jhoanne.. focus.

"Gusto mo bang ipagluto kita? Alam ko hindi mo natapos kanina yung pagkain mo dahil saakin." Nag-aalalang sabi ko sakanya. Hindi parin nito inaalis ang tingin niya.

"Sure, I want to see how you cook and taste also." Sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang pagtitig nito kaya ako na mismo ang bumawi ng tingin dahil parang nangangatog ang binti ko. Pumasok naman ako sa kusina, actually kaming lima meron kaming kanya-kanyang paborito parte ng Unit na ito. And we really treasure this already dahil lalo pa naming nakilala ang isa't isa. Bigay ito ng agency saamin dahil dito kami nag-umpisa at kahit ibinabalik nanamin sabi ni Miss Kiara regalo na raw niya saamin ito. Pati rin ang mga boys yun nga lang may kanya-kanya silang unit meron rin silang iisang bahay. Sila ang mas mayaman saamin.

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon