CHAPTER 5

48 2 0
                                    

Remember the first day when I saw your face

Remember the first day when you smiled at me- Destiny Child

"Ito munang isuot mo, Kay Zephyr yan. Iniwan niya nung pumunta siya dito." Sabay abot ng damit. Tumango naman ito at kinuha ang damit. Habang nagbibihis ito kaya sinimulan ko nang magluto ng pananghalian namin dahil late na kaya yung simple lang ang niluto ko tinatamad na rin kasi ako. Mas nakakatamad pa lang walang ginagawa.

Tumunog naman ang phone ko kaya tinignan ko kung sinong nagtxt si Gette lang pala sinasabi nitong late nanaman siyang makakauwi. Lately napapansin ko masyado na itong abala sa trabaho niya hindi ko alam kung kumakain pa ba yun or what. Actually silang lahat naman busy sa mga trabaho nila pero siya ang nakikita kung hindi na umuuwi sa bahay nila. Atleast kaming apat nakakauwi pa naman kami or nakakapasyal kung saan namin gustong pumunta pero siya hays wala na talaga at mukhang madalang na rin silang magkita ng boyfriend nun. Kakausapin ko nga yung babaeng yun pag dumating. Lalo na pag dumating yung tatlo dito magagalit nanaman sila dito lalo na si Eraizha.

"Ang bango niyang niluluto mo." Napakunot naman ang noo kung tumingin sakanya. Pero nakangiti lang ito.

"Ang babaw mo, hotdog at bacon lang yung niluto ko. Akala mo kung pinagluto kita ng pangrestaurant ang dating." Angil ko dito at inirapan siya.

"Masaya ako dahil ngayon mo lang ako pinagluto. Ahh.. kagabi rin pala tapos kaninang umaga. I wish you could cook me everyday." Sinimangutan ko naman siya. Tsk. Kung alam lang niya.

"Humanap ka ng personal chief mo!" Sabi ko sakanya at inirapan ito.

"Actually hindi lang personal chief ang hinahanap ko. Asawa." Tinignan ko naman ito nang may pagkabagot. Seriously!

"Tsk!!. Ba't nandito ka. Dapat sa labas ka naghahanap." Angil ko dito. Naghahanap pala ng asawa pupunta-punta rito. Tsk!.

"Bakit nagseselos ka?" tukso naman nito. Kaya tinignan ko ito ng walang gana.

"Ano tatawa na ba ako diyan sa joke mo." Sarcastic na sabi ko. Tumawa naman ito kaya napa-irap na lang ako sa kanya,, weirdong lalaki.

*********

"Bakit ba walang magandang palabas ngayon." Inis na sabi ko habang naghahanap nang magandang channel. Actually marami namang palabas at may mga movie pa pero hindi ko bet manuod ngayon ng movies. Kaya naghahanap ako ng iba pang palabas maliban sa mga movie channel ewan ko ba ang weirdo ko ring isa. Nang magsawa ako inistop ko na lang sa isang channel. News naman ito ngayon, hinayaan ko na lang at kahit hindi ako nakakarelate ay nanunuod na lang ako. Pero natigil akong bigla nang ibang news naman ang sumunod it's about the top artist singer at kilalang kilala talaga sila nang boung bansa at pati na rin sa iba't ibang panig nang bansa.

"Showbiz news, Top Fame boyz, magkakawatak-watak na ba? Pakinggan natin ang pahayag ng kanilang maneger. Ano pong masasabi niyo tungkol dito sa kumakalat na article? Ibig bang sabihin nito ay last concert na nila ang Hong Kong last week?"- Reporter.

"Para saakin lang wala ako sa posisyon nila para diktahan ang mga disisyon nila. Pero I'll assure to all of you na hindi pa ngayon. Yun lang." maingat na sabi ng maneger. Ngayon ko lang na laman ito.

"Pero kumakalat rin po sa article na nagbridge of contract na raw po si Clark sa inyo totoo ba yun?" Lalong napakunot naman ang noo dahil sa sunod na tanong ng reporter. Kaya ba nandito siya ngayon.

"Walang katotohanan ang mga nasa article. Actually may bago pa silang irerelease na kanta abangan lang nila yun."

"Narinig natin ang pahayag nang maneger nila ngayon. Wag po tayong magpapaniwala sa fake news. Back to studio." Natahimik naman ako bigla. Hindi ko alam kung bakit parang naapektuhan ako. May bahaging naniniwala ako sa sinasabi ng manager nila may bahagi ring hindi. Bakit nagtatago siya dito? Anong rason?

"Tapos na akong nagligpit, wala ka bang ipapagawa?" Bigla naman ako naguilty dahil hindi ko iniexpected na ang sikat na singer ng bansa at kinahuhumalingan ng mga babae at binabae ay pinagligpit ko lang naman. Ano kayang masasabi ng mga suppoters niya? Baka Ibababush na rin ako.

"Okay ka lang?" Napatingin naman ako sakanya, wala akong maisip na sabihin. Itanong ko kaya yung news sakanya kung totoo. Pero bakit ko naman itatanong? Wala naman dapat akong pakialam kung ano mang desisyon niya sa buhay niya. Siguro curious lang ako. Tama! Yun yun.

"Totoo ba yung balita... Aalis ka na sa grupo niyo?" Napakagat na lang ako ng labi dahil umiral na naman ang pagka-usisera ko. Napatigil naman ito at tumitig lang saakin. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, hindi ko rin mabasa ang emosyon niya.

"Pwede bang wag mo na nating pag-usapan ngayon." Mahinang sabi nito. Tumango naman ako, dapat hindi ko na inungkat pa dahil wala naman akong karapatang magtanong. "Don't worry ikaw ang unang makakalaman kung sakaliman. Sa ngayon hindi pa ako umaalis." Hindi na lang ako nakapagsalita pa dahil wala naman ako sasabihin. Malay ko ba sa sinabi niya. Pero hindi ko alam bigla akong kinabahan, para bang may hindi magandang mangyayari.

to be continued....

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon