CHAPTER 2

60 2 0
                                    

Your words cut deeper than a knife - Shawn Mendez



"Ma'am, mauna na po kami." Napatingin naman ako sa may pinto at nakita ko ang isa sa mga nagtratrabaho dito na si Rizza at mga kasama niya.

"Sige, Ingat kayo sa pag-uwi."- sabi ko at ibinalik ang ginagawa ko sa laptop ko. Sila ang kasama ko dito sa flower shop.

"Hindi pa po ba kayo uuwi Ma'am? Masyado ng late kung hindi pa kayo sasabay saamin wala na kayong kasama dito." – Sabi ng isa sa mga kasama ni Rizza.

"Hindi okay lang ako. Mauna na kayong umuwi.. tatapusin ko lang ito saka na rin ako uuwi."ngumiti naman ako sakanila para hindi na sila mag-alala pa.

"Kayong pong bahala, Sige ingat na lang rin kayo pag-uwi." Tumango naman ako saka nila. Nakita kong isinara na nila ang pinto ng office. Sa totoo lang ayaw ko pa talagang umuwi sa condo namin dahil wala rin naman akong madadatnan doon. Si Era bumalik sa pagiging artista kaya parating may taping marami kasi project ang bruha at kinuha lang ng kinuha nito hindi inisip kong kaya pa ba ng katawan niya. Feeling ko nga may hindi ito sinasabing problema nanaman niya.

Si Elesse naman bumalik ng Paris para sa fashion show na gaganapin. Ilang buwan rin siyang mawawala si Camilla naman pinabalik ng magulang niya sa bahay nila total naman tapos na raw ang contract niya pero alam kung hindi lang yun ang rason. Si Gette naman siya na lang ang nakakasama ko sa Unit namin pero ngayon busy rin siya sa sarili niyang restaurant may event kasi at napili ang resto niyang magcater. Ako? Heto nagpapakabusy sa buhay ko. Pinatay ko na ang laptop ko ng makita kung anong oras na. Mag 11 pm na pala, inayos ko na ang table ko. Chinek ko kung may naiwan pa ba ako or mga naka switch or nakasaksak.

Pagkasara ko ng pinto ng shop pumunta na ako sa waiting shed, alam ko merong mga dumadaan na mga taxi pa nang ganitong oras. Natatakot akong sumakay ng taxi pero wala akong choice dahil wala naman akong maasahan ngayon dahil busy silang lahat at hindi ko ugaling nangagambala ng tao. Bigla namang may humintong kotse sa tapat ko pero hindi ko na lang pinansin baka kasi may pupuntahan o kaya naman may hihintayin. Bumukas ang driver seat nito at nakita ko kung sino ang lumabas medyo nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahang makita siya. Pero hindi ko yun ipinakita sakanya.

'Magtataxi ka ng ganitong oras!" Hindi yun patanong pero makikita mong seryoso ito at parang galit pa. hindi ko alam kung bakit. Tinignan ko lang ito dahil wala naman akong sasabihn. sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" yun na lang ang biglang nasabi ko dahil hindi ko siya i-niexpect na pumunta dito. After a month, ngayon ko lang uli siya nakita. When was the last time we saw each other, when he came to our apartment on Valentine's Day? simula nun hindi ko na siya nakita pa. nakapagdisisyon pa naman na ako nun na kakausapin ko na siya kaso ngayong nagkita kami parang nawala yung itatanong at sasabihin ko sakanya.

"Kinakausap kita, Magtataxi ka ng ganitong oras. Hindi mo ba alam na delikado dito lalo na at babae ka pa. Paano kung may mangyari sayo?" Galit na sabi nito nasa harap ko na ito kaya lalo wala akong masabi sakanya.

"Alam ko naman yun, pero wala akong choice. Dahil busy naman lahat ng kaibigan ko." Katwiran ko dito, napasuklay naman ito sa buhok niya sa sobrang inis. Alam ko yun dahil ganun siya dati lalo na kapag hindi niya makuha yung gusto niya.

"Halika ka na. Ako ng maghahatid sayo." Mababang sabi nito pero nandoon pa rin ang galit at pagkainis nito. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng passenger kaya wala na ako nagawa. Alam kong nagagalit pa rin siya pero hindi ko alam sa sarili na sumusunod ako sakanya. Pwede namang awayin ko siya pero dahil pagod na rin ako wala na akong gana.

"Kumain ka na?" Tanong nito. Kasalukuyang nakatingin ito sa daan habang nagmamaneho kaya hindi niya makikita ang ginagawa ko. Napayuko naman ako dahil hindi pa talaga ako kumakain.

"Hindi pa."mahinang sabi ko. Hindi ko tinignan ang reaction niya pero alam kung napatingin ito saglit sa gawi at bumalik uli sa daan. Narinig ko namang napabuntong hininga ito ng malakas.

"May malapit dito na resto, doon na lang tayo kumain."

"Wag na, ideretsyo mo na lang sa unit namin. Doon na ako kakain." Hindi naman ito umimik pero maya-maya palang huminto kami sa resto pinark nito saglit ang kotse. Lumabas naman ito, akala kong saan siya pupunta pero binuksan nito ang pinto ng passenger.

"Labas, kong ayaw mong buhatin kita papasok ng restaurant." Pagbabanta nito saakin, kaya napilitan akong lumabas at sumunod sakanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko ba't napapasunod niya agad ako.

Tahimik lang kaming pumasok ng resto, siya na ang halos lahat nagsasalita nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Wala naman nang masyadong kumakain dito dahil malapit ng mag midnight. Alam ko rin na malapit na rin silang magsara pero pinayagan pa rin nila kaming kumain dito, hindi ko alam kung anong ginawa ni Steven yet I suppose he took advantage of his fame. Wala naman na akong masasabi pa doon dahil kahit dati pa popular naman na talaga siya.

"Ma'am, Sir, here is your order." Rinig kong sabi ng waiter kaya naiba ang atensyon ko . Inilipag nito ang mga pagkain, hindi ko naman na pinansin kong anong mga inorder niya dahil wala na akong pakialam pa. hindi rin naman ako ignorante na parang ngayon lang ako makakain nito dahil 1 year ago halos sa resto na kami kumain kapag katapos ng consert or kahit anong show. Kung hindi kami kakain sa labas idadalhan nila kami ng pagkain galing sa labas. Lalo na pag headtech ang sched. Namin. Kaya isa sa advantage ng mawala kami sa showbize ang maging simpleng mamayan wala masyadong camera na nakatutok sayo. Dapat ingatan mo ang image mo parati saan ka man magpunta dahil maling galaw mo lang may mapupuna na agad sila kahit nga wala kapang ginagawa minsan may napupuna na agad sila. Buti na lang sinanay at sinabihan na kami nila Ellesse at Eraizha kaya wala na rin saamin kung may mga haters kaming nambabush.

Napatingin naman ako sa mga kumakain malapit saamin na napapatingin, malamang nakikila siguro nila itong kasama ko ngayon . Nagtataka siguro sila kung bakit magkasama kami ngayon lalo na at magkatrabaho kami dati. For sure pwedeng lumabas nanaman ito sa news lalo na at nakikita kong may nagpipicture na rin saamin. Napansin ni Steven na hindi na ako mapakali at nakita na rin niya yung mga nagpipicture kaya tinawag niya yung waiter at lumapit naman agad ito saamin. May ibinulong ito na siyang ikinatango agad ng waiter.

"Sabi ko na, dapat hindi na tayo pumunta dito. Baka kung anong isipin na naman ng mga tao."- mahinang sabi ko sakanya. Napatingin na ito saakin.

"Wag mo na silang pansinin, kumain ka lang diyan. They won't bother us." Sabi nito at itinuloy ang pagkain.

"Nawalan na ako ng gana." – sabi ko at ibinaba ang kubyertos. Napatingin naman ito agad saakin.

"Kumain ka.. hayaan mo silang mag-isip ng kung anu-ano. Wala tayong ginagawang masama."

"Pero hindi mo alam kung paano mag-isip ang mga tao. Kahit wala kang ginagawa, gagawan ka nila ng malisya." Inis na sabi ko sakanya.

" Bakit ba iniisip mo pa ang sasabihin nila?! Hayaan mo sila kung anong isipin nila. Wala akong pakialam." Halatang nagpipigil rin ito sa galit pero kinukontrol lang nito dahil maraming nakatingin.

"Pwes ako,, may pakialam ako .. gusto ko ng umuwi." – tumayo na ako at hinayaan siya doon sa loob. Bigla naman akong may naalala na siya pala ang mag hahatid saakin. Haist isa karing tanga Jho. May nalalaman ka pang pawalkout epic tuloy.

******

to be continued... happy reading :) 

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon