CHAPTER 7

47 2 0
                                    

Most girls are smart and strong and beautiful

Most girls work hard, go far, we are unstoppable

Most girls, our fight to make every dayHailee Steinfeld

Tatlong linggo na rin na nakakalipas ng nangyari. Sa ngayon napapagaling pa rin si daddy tinangal na rin ang kanyang binti. Nalulungkot ako para doon pero ang mahalaga buhay siya. Umuuwi na rin ako sa bahay niya ngayon dahil wala siyang kasama. May tumitingin na private nurse niya pero uwihan lang rin ito. Dahil rin doon napapalapit na tuloy kami sa isa't isang dalawa. Tulad na lang ngayon.

"Dad, seryoso ka ibebenta mo na yung kompanya mo?" tanong ko dito nakita mo namang busy siya sa pagbabasa ng diyaryo habang may kape na nakalagay sa side table niya.

"Oo, tumatanda na rin ako, saka wala namang pwedeng magmana doon. May sarili ka namang negosyo, ayaw kong ipahawak yun sayo kung ayaw mo. Kaya mabuting ibenta ko na lang yun."

"Okay lang sainyo kahit pinaghirapan niyo yun na ipinundar?" sabagay wala rin naman akong alam tungkol sa mga ganyang bagay.

"Ayos na saakin, nakausap ko naman na ang bumili nun. Malapit ko ring kaibigan kaya may tiwala ako na hindi mawawalan ng trabaho lahat ng trabador doon." Tumango naman ako. Yun rin kasi ang inisip ko. "Magkikita kami bukas para sa pagpiperma ng kontrata. Gusto mong sumama?"

"Sige wala naman akong gagawin bukas. Off ko kaya masasamahan ko kayo."

"Oh siya, hindi ba dadalaw yung boyfriend mo dito?" Biglang tanong nito kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sa pagkakaalam ko dad wala akong boyfriend.. bakit hindi niyo ako iniform." Nagtatakang sabi ko

"Ganun ba akala ko kasi kayo na ni Clark. Boto rin ako sa batang yun. Sayang." Tukso nito.

"Daddy hindi yun nanliligaw. Kaya wag niyo kaming tutuksuhin sa isa't isa."

"So, kapag nanligaw ba yun. May pag-asa siya?" tukso nanaman nito. Malakas mang-aasar akala mo kung nasa kabataan pa rin siya kainis.

"DAD!!"sita ko dito wala kasing kwenta yung tanong niya. Iniwan ko naman siya at lumabas ng kwarto niya. Pumasok naman ako sa sarili kong kwarto, hindi ko iniexpect na ganito kayaman ang daddy. Alam kong may kompanya siya pero hindi ko alam na ganito kalaki at wala naman akong nababalitaan tungkol sakanya. Naririnig ko yung pangalan ng kompanya pero hindi ko alam na sakanya pala yun.

Minsan na rin akong pumunta sa shop ko pero hindi ko naman pinapabayaan dahil inaupdate naman ako ng secretary/assistant ko na rin. Pinapauwi ko na rin lahat nang kailangan gawin dahil gusto natutukan ko dito si dad.

Napatingin naman ako phone ko may nagmessage doon yung mga kaibigan ko pala. Nakikipag kita sila ngayon hindi ko alam pero ayaw kung iwan si dad dito dahil wala siyang kasama pala yung private nurse niya. Narinig ko naman ang intercom, kaya napabalikwas ako at napatakbo sa room ni Daddy dahil pa ganun ibig sabihin may kailangan siya.

"Dad! Ano yun? May kailangan ba kayo or sumakit yung ulo niyo uli?" Nag-aalalang sabi ko

"Wala, wala akong kailangan at hindi sumakit yung ulo ko. Tumawag ang mga kaibigan mo saakin ipinapaalam ka nila. Sumama ka na sakanila kaya ko na dito alam ko ako lang iniisip mo. You need to enjoy your life as well. Enjoy your day, hihintayin ko na si Gerard at wag kang magpapakagabi. Kung magagabihan ka magpasundo ka na lang." tumango na lang at hinagkan siya sa pisngi.

"Thanks dad, ingat kayo dito. Pag may kailangan kayo tawigin niyo na lang yung mga kasambahay. Wag magtigas ang ulo rin ha!" Nang malaman ko ang ugali ni Dad makulit pala talaga siya at pilyo kaya alam ko na kung saan ako nagmana. Si mama kasi tahimik lang na miss ko tuloy siya.

****************

"Anong meron? Himala hindi niyo kasama yung mga bodyguard niyo ngayon." Tukoy ko sa mga boyfriend nila. Nasa isang coffee shop kami nagkitakita.

"No boys allowed, ngayon." Sabi ni Ellesse

"oh really, Akala ko kasi nag-away kayo ni Wyn." Sarcastic namang sabi ni Eraizha.

"Look who's talking, di ba ikaw rin naman." Bawi naman nito. Natatawa naman kami sa bangayan nila.

"Pati rin naman si Carmella ah." Humanap naman ito nang mapagbabaligan dahil halatang guilty. Hmmm mukhang may mga nangyayaring hindi ko alam sa mga ito ngayon ah.

"What? Nag-usap na kami nung isang araw kaya technically okay na kami." Depensa naman nito. As usual, tahimik lang si Gette habang umiinom.

"Ikaw Gette, mukhang hindi ka busy ngayon ah?" tanong ko dito, tumingin naman ito saglit saakin at tumango. Anong nangyari? May nasabi ba ako.

"Gosh! Wag mo ngang tanungin nangganyan si Gette. Nandito tayo ngayon para magbonding hindi para mag-ungkat ng problema." Biglang sabi ni Eraizha, tumango naman ang mga ito maliban saamin ni Gette.

"Pero ang tanong maghapon lang ba tayo dito?" Tanong ni Carmella. Napaisip naman kami sa sinabi nito. Tama nga naman kung dito lang kami maghapon boring rin yun.

"Paano kaya kung magbar hopping tayo?" Sudgest ni Eraizha kaya na patingin naman kami sakanya na parang nababaliw na ba siya.

"Duh! Tapat na tapat ang araw magbabar hopping ka. Really, Eraizha." Sarcastic na sabi ni Ellesse.

"Malay mo, meron duh!"

"Meron akong naisip. Paano kung magshopping na lang tayo. May bagong bukas ngayon na mall." –Ellesse.

"Tsk! Boring.. kakashopping ko lang kahapon at nakita ko na rin yung bagong bukas na mall."-Eraizha.

"Matulog na lang ata uli ako sa bahay magandang idea yun."- nababagot na sabi ni Carmella naman.

"No walang aalis! Magbobonding tayo ngayon."

"Manuod na lang tayo ng movie. Ano bang bagong palabas ngayon sa sinehan?" Sabi ko

"Ehhh.. ayoko boring ang mga palabas ngayon pambata. Puro cartoons."- Eraizha

"Tsk! If I know, sawa na rin yan si Jhoanne na manuod ng movies. Paano ba naman yun ang ginagawa nila ni Clark sa unit natin."- tukso naman ni Gette. Nga pala siya ang pinakamalakas mang-asar sa kanila maliban saakin. Napairap naman ako sakanya dahil nasaakin na ang atensyon nilang lahat. Mukhang ang iba sakanila hindi pa alam ang nangyari tulad ni Carmella.

"Really! May something na ba sainyo?"- Usisang tanong ni Carmella

"Malamang.. Hindi niyo ba alam yung bali-balita ngayon. Na maraming beses na silang nakitang magkasama, imposibleng wala pa."-Ellesse.

"Hindi ba pwedeng. Sinasamahan ko lang siya and vice versa." Depensa ko.

"Duh! Ilang beses na kayong nakitang magkasama. Pwede pa kung isa lang pero hindi. Maraming beses. Anong tawag doon. Pwede namang tumangi ka tulad ng ginagawa mo dati sakanya. Di ba. Girl, Amin-amin rin pag may time."- Eraizha

"Bakit ba akong pinag-uusapan dito. Akala ko ba magbobonding tayo. Mang-uusisa lang ata kayo ng buhay ko."- pag-iiba ko ng topic.

"Kasi.. Magkakalove life ka na uli. Nasa indenial stage ka pa . matatangap mo rin yan. Hindi pa sa ngayon."- Gette.

"Ano ba! Aalis na ako kung ako rin ang pag-usapan dito." Asar na sabi ko. Ayaw ko kasing nasa akin ang atensyon nila.

"Ayaw mo yun. Pinag-uusapan ka namin ibig sabihin hindi ka namin binaback fight. Mabuti kaming kaibigan."- Carmella

"Tama na yan. Baka maasar pa lalo si Jhoanne lalayasan na talaga tayo. May na isip na akong gagawin natin ngayon.... Mag KTV bar na lang tayo. Tutal na miss na nating kumanta lahat hindi ba?" – sudgest naman ni Gette na tanguhan naman kaming lahat. Pagkatapos naming mag disisyon lahat ay sumabay na ako kay Ellesse sa kotse nito dahil nag taxi lang naman ako papunta rito. Si Gette at Carmella naman ay sumabay kay Eraizha dahil coding ng mga sasakyan nila ngayon. Namiss na naming magkaraoke tuloy hindi ko alam kung kailan last kaming nagkaraoke. Masyado kasing busy ang lahat. 

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon