Chapter 15

44 2 0
                                    

I might be okay, But I'm not fine at all - T.Swift

Jhoanne

Breaking news: One of the famous band THE FAME's members, Clark Steven, has officially left the band. Many are saying it's because he needs to take over their family business. Is this the beginning of the end for the band? Fans, what do you think about this?

Pinatay ko naman na ang laptop ko pagkatapos kung magbasa sa newsfeeds hot issue ang pag-alis ni Clark sa banda. Speaking of, isang buwan na rin mula ng makita ko siya and 3weeks after saka naman lumabas ang balitang umalis na ito at hanggang ngayon ay ito parin ang pinag-uusapan.

"Alam mo hindi ako naniniwalang iyan ang dahilan kung bakit siya umalis." Bigla naman akong nagulat nang may nagsalita sa likuran ko. Papatayin na ba nila ako sa gulat itong mga to.

"Wag ka nga nangugulat, Camilla. Buti na lang wala akong sakit sa puso."

"Akala ko naramdaman mo na nandito ako." Umupo naman ito sa tabi ko. Narito naman kami ngayon sa shop ko. Ewan ko ba bakit nandito ito out of the blue. "Anyway hindi talaga ako naniniwala na yan ang dahilan kung bakit siya umalis." Alam ko kung sinong tinutukoy nito.

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"Psh. Matagal na niya ng tinake-over yang kompanya nila pero hindi naman yun nakasagabal sa pagtutug niya." Kaya naman balita ko kasi lahat sila may kanya-kanyang negosyo. Maliban kay Maze na nag-aaral tungkol sa negosyo mukhang may balak ring pumasok sa business world. "sa tingin ko, tama yung sinabi saakin ni Maze. Napinanghahawakan niya pa rin yun."

"Ang alin?"

"Ang manhid mo kasi masyado. Akala ko si Ellese lang pero mas malala ka pala." Tumayo naman na ito. Yun lang bang pinunta ng babae yun para sabihan lang akong manhid. Dati malandi ngayon naman manhid na, ano pang susunod? "Anyway, hindi yan pinunta ko rito. Bibili ako ng 1 bouquet ng tulips mo ibibigay ko kay mama, birthday kasi niya. Invited ka may party mamaya sa bahay."

"Bakit hindi mo sinabi agad. Wala tuloy akong gift kay tita. Dagdagan ko na lang ng 2 bouquets ng tulips birthday gift ko na lang."

"Okay buti na lang pala dito ako dumeresto agad."

"Yung totoo ginamit mo lang talaga yung nanay mo para makalibre ka noh?" biro ko.

"Parang ganun na nga. Hahahahahaha ang bait mo talaga kahit kailan Jhoanne sana dumating na yung magiging asawa mo para lalo ka pang maging mabait."

"Sira ka talaga kahit kailan. Lumayas ka na nga baka magbagong isip ko ipabayad ko lahat ng yan."

"Ito parang hindi kaibigan. Pero thanks pa rin. Punta ka ha.. kompleto mamaya wag kj."

"Oo na."

"Good, buti na yung nagkakainitindihan."

****************

****************

"Nasaan ka na? ikaw na lang hinihintay rito?"

"Naghihitay pa lang ng taxi. Baka malate na akong pumunta diyan. Pasenya na."

"What! Magtataxi ka? Magstay ka na lang diyan ipapasundo na kita."

"Camilla, Okay..." hindi na ako pinatapos nitong magsalita dahil binabaan na niya ako ng phone. 20 mins bago dumating ang susundo saakin binaba nito ang bintana ng sasakyan kaya nakita ko kung sino.

"Get in." maikling sabi nito kaya wala naman na akong nagawa dahil alam kung hindi na ako nito pagbubukasan ng pinto. Asa ka naman.

"sabi ko naman sakayan na magtataxi na ako."

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon