CHAPTER 8

46 2 0
                                    

I'm no beautiful

I'm just beautiful me- Selena Gomez

Papunta akong dining area nang marinig kong may kausap si Daddy sa phone niya. Bumati naman ako sakanya at ganun rin siya at ibinalik niya uli ang phone. Hindi ko na siya inabala pa at kumuha nang makakain ko.

"Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi?" tanong nito nakababa na phone niya sa mesa kaya alam kong ako na ang kausap niya.

"mga 10 na po." Sabi ko, napatagal kasi kami sa KTV kagabi. Nagtagal kami dahil inisip naming minsan lang naman kaming magkakasama uli kaya sinulit nanamin pinipilit nga nila Era na mag bar kaso hindi na kami pumayag dahil may pasok ang iba saamin. Pati sila Jelliane, Sephora, Lily at Denisse nasama rin saamin. Kahit papano may magandang naidulot saamin ang show dahil naging close namin ang isa't isa at marami akong naging kaibigan.

"nagpasundo ka ba o nagpahatid?" tanong nito, umiling lang ako bilang sagot. "Bakit hindi ka nagpahatid? Nagtaxi kang mag-isa? Paano kung may nangyari sayo. Sana nagpasundo ka na lang kay Clark." Napakunot naman ako sa sinabi niya lately bukang bibig niya yang lalaking yan.

"Dad naka uwi naman po ako nang ligtas kaya okay lang yun. Saka ayoko nang manggambala pa nang iba noh." Paliwanag ko

"Ang inaalala ko lang naman ay ang kaligtasan mo. Paano nga kung may nangyari sayo? Sa susunod magpapasundo naiintindihan mo." Nag-aalalang sabi nito. Tumango naman ako para matapos ang usapan.

"Oh, siya halika na baka nandoon na yung kameeting ko sa usapan namin." Tinawag naman nito ang driver na maghahatid saamin sa meeting place na sinabi ni dad. Itinext ko naman ang secretary kong may mga iniwang mga gagawin o pipermahan ko sinabi naman nitong meron kaya ipinapadala ko sa bahay namin.

Pagkarating namin sa isang restaurant mukhang may nakareserved para sakanilang meeting. May nakita naman akong kaedaran ni Dad at nung makita ko itong malapitan doon ako nagulat. Hindi ako kilala pero siya kilala ko. Ang daddy ni Clark.

"Enrique, this is my daughter, Jhoanne ." kinamayan at binati ko naman siya at ganun rin ito. Kahit matanda na ito makikita ang pagkakahawig nila ni Clark.

"So your Jhoanne. Nababangit ka na saakin nang dad mo. How's my son with you?" Masayang sabi nito. Hindi ko naman alam ang irereact ko dahil hindi naman na kami masyadong nagkikita nang anak niya.

"Ah.. mabait naman po siyang kaibigan." Hindi pa siguradong sabi ko. Sa hindi ko alam ang sasabihin ko pero buti na lang hindi niya nahalata. Pero napakunot naman ito.

"I thought you were an item. You look good together maraming beses na kayong nakikitang lumalabas na dalawa. Akala ko nga ay hindi na maggigirlfriend pa yun." Komento nito.

"Hindi po, kaibigan lang po kami. Kaibigan ho kasi siya nang mga kaibigan ko kaya pati kami naging malapit na pero hangang doon na lang ho yun."

"Ganun ba, nakapanghinayang nga kung ganun. Kung sabagay baka hindi pa siya nakamove on sa una niyang girlfriend. Bago kasi kami makaalis nang bansa may nabangit siyang gf niya at ayaw niya nun iwan dito kaso wala siyang magagawa dahil ako ang nasusunod. And four years ago bumalik siya dito para hanapin ang girlfriend niya pero mukhang hindi niya nagawa yun dahil hanggang ngayon wala pa siya ipinapakilala saamin." Mahabang sabi nito tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya pero kasi sa pagkakaalam ko may mga naging girlfriend si Clark. Mukhang nanghihinayang ka ha! Sabi nang konsenya ko.

"Oh sorry naparami ako nang kwento well ang mahalaga isa ka sa mga kaibigan nang anak ko." Sorry hindi rin kami magkaibigan talaga. Tahimik naman ako habang sila naman ni dad ang nag-uusap. Minsan humihingi sila nang sudggestion ko kaya nagbibigay lang rin ako. Nalaman kong sila ang bibili nang kompanya ni dad. Magkakaroon paring nang share si dad sa kompanya pero hindi na gaya nang malaking share niya. Dahil iba na ang magpapatakbo kumbaga mapupunta na lang sakanya ay 15% nang kompanya. Maliit iyon pero atleast hindi mawawala totally sakanya ang kompanya. Nagbiro pa siya kong sakali mang magkaroon ako nang anak sakanya raw ipapamana na iyon dahil alam niya hindi ko naman tatanggapin ang share na yun.

"Thank you for your time. Maybe we could catch up more thing. Sa ngayon kailangan ko pang bumalik nang kompanya. May meeting pa akong dadaluhan uli." Masayang sabi nito nagpasalamat rin kami sakanya. Sumakay naman ako sa kotse ni Dad ihahatid niya na lang daw niya ako dahil tumawag saakin secretary ko na gusto akong makita nang customer. Pagkarating ko sa shop binati agad ako nang mga kasama ko.

"Ma'am nasa office niyo yung bisita." Tumango lang ako dumeretso sa office nagulat naman ako nang makita kong sinong nakaupo sa may mini sala ko. Hindi ko inaasahang pupunta siya dito.

"Lance, what are you doing here? Kailan ka pa dumating sa bansa?" hindi paring makapaniwalang sabi ko kailangan nga ba kami huling nagkita puro kasi chat na lang kami. Isa siya naging malapit saaking lalaki lalo nung nasa show kami. Makikita mong totoo ang mga ipinapakita niya.

"Mukhang ayaw mo pa ata akong makita dahil diyan sa reaction mo ah."

Birong sabi niya.

"Hindi naman, nagulat lang ako. Parang kailan lang magkachat tayo wala ka namang nababangit na uuwi ka na pala." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.

"Gumaganda nga. Hindi nakapagtataka." Papuri nito.

"So, nakita mo na ako, bibili ka ba dito?" pag-iiba ko nang topic masyado na kasing gasgas ang sianbi niya tinawanan ko nga lang.

"Grabe ito, mukhang pera hindi ba pwedeng mangamusta muna." Biro nito, tumawa naman ako sa sinabi niya.

"Sorry, business is a business. Hahahahaha, nasa shop kita so I'm expecting na may costumer talagang bibili. Hindi mo sinabi, pinaappoint mo sana secretary ko yang pangangamusta mo." Biro ko rin.

"Tsk, Well bibili rin naman talaga ako. Akala ko nandito ka kaya pumunta ako dito tapos malalaman ko nawala ka dito. So I think a way para mapapunta ka dito sayang effort kong pumunta dito kung hindi pala kita makikita."

"Uso namang call hindi ba. Bakit kasi hindi ka muna tumawag saakin may number naman ako sayo."

"Alam mo ba yung sinasabi nila surprise di ba? Yun ang balak ko kaso ako yung nasupresa na wala ka."

"Kasalanan mo yun may nalalaman kang ganun." Nagkwentuhan lang kami nang mga ilang oras. Niyaya niya rin akong lumabas kaya hindi na rin ako tumangi.

"Date ba to?" pabirong sabi ko nakita ko namang napatawa siya sa sinabi ko.

"Your really straight forward huh, Well kung yun ang gusto mong isipin why not? But I guess just a friendly date na lang pala baka mabugbog ako nang wala sa oras pag may nakaalam hahahahaha." Hindi ko naman naintindihan ang huling sentence na sinabi niya dahil ano naman connect nun.

"Ano hindi ko gets?" natatakang sabi ko.

"Psh, manhid ka lang kaya hindi mo maiinitidihan. Tignan mo hindi matatapos ang araw na ito kung walang dadalaw sayo sa bahay at pagsasabihan ka." Makabuluhang sabi naman nito hindi ko naman siya pinansin at kumain na lang. Infairness masarap ang luto nila dito.

"Enjoying your meal guyz?" muntik ko nang mabuga yung kinakain ko nang marinig ko ang isang pamilyar na nagsalita sa tabi ko napaangat ako nang tingin kaya pala masarap ang pagkain dito.

"Long time no see Gette, masarap talaga ang mga pagkain at mukhang ganun rin yung kasama ko. Kaya pala hindi ka nauubusan nang mga costumer."

"I don't think na nasarapan si Jho dahil sawang sawa na yan sa mga luto ko sakanya." Nagpeace sign lang ako sakanya. Actually hindi naman ako nagsasawa dahil masarap talaga siyang magluto.

"So see you guys again, kung kulang niyo pa tumawag lang kayo nang server. And you marami kang ikwekwento saakin." Tumango naman ako sakanya alam ko ang tinutukoy niya. 

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon