CHAPTER 4

50 2 0
                                    

I know lately, I've been busy

But a second doesn't go by

Without you crossing my mind- Bruno Mars

"Morning." Bati ko kay Steven ng makita ko itong nakaupo habang nanunuod. Napatingin naman ito saakin at napakunot.

"May pupuntahan ka?" tanong nito parang normal lang na pakikitungo nito.

"Oo, magrogrocery ako saglit. Wala na kasi kaming stock ng pagkain." Sabi ko sakanya ayaw ko namang maging ackward ang sitwasyon namin so I'm trying my best na wag na munang magpaapekto sa mga nangyari dati. I know he's trying to. Na makausap ako ng matino pero siguro ako nga ang problema dahil binibigyan ko ng distance ang sarili ko na makapag-usap kami.

"Sasamahan na kita." Sabi nito at pinatay ang tv.

"Hindi na.. madali lang ng naman ako. May malapit na grocery store lang sa baba doon na ako bibili." Pagtatangi ko. Alam ko kailangan niya ng pahinga dahil hindi pa raw ito natutulog ng maayos. Tumawag saakin kanina sila Maze kung nandito si Steven kaya sinabi ko na nandito siya, sinabihan naman nila ako na pagpahingain ko siya dahil halos hindi raw ito natutulog. Hindi ko alam kong bakit sinabi pa nilang wag ko muna ito pauwiin dahil baka bubugbugin nanaman niya ang sarili sa trabaho. Pinagrerest daw siya ng manager nila pero ayaw nitong makinig at kung saan-saan ito pumupunta.

"Halika na." sabi nito at hinila ako palabas ng unit namin. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila.

.............................

............................

Nasa isang mall kami ngayon sa may city at hindi ako makapagconsentrate dahil pinagtitinginan kami ng mga tao or should I say itong kasama ko. Maraming kumukuha sakanya ng litrato na mukhang wala naman ito pakialam. May iba naman ay lumalapit pa sakanya kaya matitigil tuloy kami. Hindi ata tama na sumama pa kasi ito. Pagpasok namin sa grocery ganun pa rin ang naging situation maraming napapalingon sakanya kaya hinayaan ko na lang kumuha na ako ng cart at hindi ko na pinansin ito dahil busy siya sa ginagawa niya.

"Sorry, pati tuloy ikaw na damay.. Okay ka lang ba?" medyo nagulat ako ng magsalita ito sa likuran ko. Kaya napatingin ako sakanya. "I'm sorry again."

"May magagawa pa ba tayo. Nandito na tayo, bibilhin ko lang yung mga kailangan ko para makaalis na agad tayo." Kinuha ko naman lahat ng kailangan bilhin. Samantalang siya ang nagtutulak ng cart. Naririnig ko pang maraming nagpapapicture uli sakanya kaya hinayaan ko muna. Aaminin ko pero medyo nakaramdam ako ng kunting inis kaso kung ako rin ang nasa situation niya hindi ko rin siya masisi alam kong medyo naiinis na rin siya pero hindi naman siya pwedeng tumangi sa mga fans niya baka kung ano namang isipin ng mga tao. Kung anu-anong negative ang lumabas pag nangyari.

Bakit ba hindi ko naisip yun simula nung dati palagi na lang akong nasa likuran niya, palaging ako na lang ang umiintindi sakanya kahit gusto mong magreklamo hindi pwede dati iisipin yung sasabihn ng ibang tao sayo.

Katatapos lang ng game nila Steven kaya hinihintay ko siyang magpalit ng damit as usal sila uli ang nanalo, ang galing kaya nila. Kaya hindi na ako magtataka kung sila na ang magchampion sa finals. Pero infairness ang tagal niyang magpalit ng damit ha. Kanina pa natapos yung game nila pero hindi pa rin siya bubumalik. Maya-maya pa'y nakita ko na itong lumabas sa locker room nila kaya tumayo na at inayos ang damit ko. Kumaway naman ako sakanya para makita niya ako pero nagdatingan ang mga fans nitong mga schoolmates namin at nakita kong nagpapicture sila sakanya.

Ang hirap tuloy ang magkaboyfriend na sikat, yun ang sabi ko sa sarili ko pero masaya pa rin ang thankful dahil sa dinami-rami ng babae dito ako ang napili niya rin. Kaso minsan nag-aalala na ako dahil para nawawala na ako sa paningin tulad ngayon parang hindi ako nag-eexist. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko dahil sa mga iniisip ko.

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon