Chapter 17

42 2 0
                                    

I wanna feel your skin, your lips so close to me. I wanna go back when I called you mine.- Six-part Invention

Jhoanne

Nagising ako na humihilab ang tiyan ko kaya napatakbo agad ako sa malapit na banyo. Inilabas ko naman lahat ng kinain ko hanggang sa maramdaman kong nakakarecover na ako. Maya-maya pa'y may naramdaman akong humahalos ng likod ko kaya napatingin ako sa salamin ng lababo. Nakita ko si Clark na mukhang nag-aalala.

"Ayos ka na?" Mababang sabi lang nito. Nakatingin pa rin ako sa salamin. Iniisip ang nangyari. Naghugas naman na ako ng kamay ko bago umalis alam kung nakasunod ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang huli ko natatandaan naglalaro kami kagabi tapos tinanong niya ako at sinagot ko. Tapos...Nanlaki naman ang mata ko ng maalala ko kung anong ginawa niya. Ang huli noon wala na akong matandaan. "Nasaan si Ellesse? Bakit ikaw ang kasama ko sa kwarto?"

"pwede bang mamaya na ako mapapaliwanag. Matulog muna tayo It's only 2:30 in the morning." Oo nga madilim pa pala.

"Anong akala mo matutulog ako ng katabi kita!" Galit na sabi ko.

"Can you lessen your voice.. Baka magising ang mga tao rito akala nila nag-aaway tayo." Mahinahon na sabi nito. "And to tell you natulog tayo a few hours ago na magkatabi. So it's not a big deal. And I'm the one who took care of you"

"Pwes, Ngayong nasa katinuan na ako makakaalis ka na. kaya ko nang sarili ko."

"Come on don't be hard-headed, Mamaya na tayo mag-usap, lahat ng meron tayo."

"Fine, doon ka sa sofa sa kama ako."

"What! Pati ba naman kama ipagkakait mo saakin."

"Anong gusto mo sa sofa ako? Okay." Lumapit naman na ako sa sofa at kumuha ng unan at kumot.

"Ako na diyan, Sa kama ka na." Masungit na sabi nito kaya napangiti na lang ako. Panalo pa rin ako "Buti na lang mahal kita." May ibinulong ito sa sarili niya pero narinig ko naman. Hindi ko na lang pinansin baka makahalata. Hangang ngayon hindi pa rin maalis yung mga sinabi ko kanina sakanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ba nasabi ko yun?

**************

**************

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Inis na sabi ko, nandito kami sa office ko dito sa flower shop at buong araw ng nakatambay si Steven dito although dala niya yung laptop niya ang kung anu-anong ginagawa mukha ring busy pero hindi siya umaalis sa pwesto niya. Ilang beses ko na siyang tinanong kung anong ginagawa niya rito pero mukhang walang naririnig.

"I'm working." Maikling sabi lang nito. Sa totoo lang hindi ako sanay na ganito ito ewan ko ba hindi ko maexplain. Pagkatapos ng pag-amin ko sakanya para bang ayaw niya ako mawala sa paningin niya or assuming lang ako.

"What I mean, hindi ka ba pupunta sa OFFICE niyo?" Naiinis na talaga ako wala siya kwentang kausap.

"Don't worry hindi pa naman nababawasan ang kayamanan ko sa kompanya." Pilosopo nito. Hindi pa rin ito nakatingin saakin dahil mukhang busy sa ginagawa niya.

"Bakit hindi mo na lang kasi gawin yan sa kompanya MO at nang hindi ka nahihirapan na nakaupo diyan?" Hindi rin tuloy ako maka consintrate sa ginagawa ko dahil mukhang hindi siya sanay sa pwesto niya.

"Nah. Komportable ako dito. Don't mind me, just do your work." Psh wala talaga akong mapapala sa kanya kaya bago pa ako mainis sakanya nagpasya na akong lumabas para tignan ang shop ko.

****************

****************

"Hindi ka ba naduduling diyan sa ginagawa mo?" Tanong ko rito ilang oras na kasi itong nakababad sa laptop. Minsan mapapansin ko titigil lang ng ilang minuto tapos tuloy uli. Nilapitan ko na ito para makita ko kung anong ginagawa nito pero wala pa rin akong naintindihan sa mga ginagawa niya maraming nakabukas na files at bilis lang na pagtitipa ang sadyang naiintindihan ko. Paano kaya nito napagsasabay ang mga trabaho niya at ang pagbabanda niya dati? Masasabi kong malaki na nga talaga ang pinagbago niya dati.

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon