CHAPTER 9

47 2 0
                                    

Come back and tell me why
I'm feeling like I've missed you all this time
- T.Swift

Tumigil kami sa tapat nang bahay, tinangal ko naman ang seatbelt na nakakabit saakin nang biglang may nagbukas nang pinto napatingin naman ako kay Lance na siyang nagbukas nun.

"Thank you sa dinner." Ngiting sabi ko sakanya. Napasarap ang kwentuhan namin kaya late na kaming naauwi. Bago pa nga kami umalis sa restaurant ni Gette tumingin pa ito saakin nangmakahulugan. Inirapan ko na nga lang.

"No, I should be the one who say thank you dahil pumayag ka. I hope this would not be the last." Lumapit naman ito saakin akala ko kung anong sasabihin niya pero nagulat ako sa ginawa niya dahil hinalikan niya ako sa noo. Hindi agad ako nakapagreact sa ginawa niya.

"Good night, see you again. I'll call you." Ngiti naman uli nito at sumakay na sa kotse niya hinintay ko lang siyang makaalis bago ako pumasok sa loob nang bahay pero nagulat kung sinong naka bungad saakin sa gate. Mukhang kanina pa siya roon. Nakita niya kaya yung ginagawa ni Lance kanina? Bakit kinakabahan ako sa titig niya? Bakit pa siyang nasasaktan?

"Steven." I simple said. Hindi ko alam pero natuwa ako nang nakita ko uli siya. Pero kabaliktaran lahat nang nakikita ko sa mga mata niya. "Kanina ka pa ba?" nag-alalang sabi ko. Hindi ko alam bakit naging ganito ako.

"Kalalabas ko lang, I just visited your father. Aalis na rin ako. " Walang emosyong nitong sabi hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam nang kirot sa dibdib. Dahil ba iniexpect ko na ako ang pinunta niya.

"Ahm,, sige mag-ingat ka." Hindi ito sumagot o tumingin man lang. walang sabi-sabing sumakay ito sa kotse niya at pinaandar nito. Nalungkot naman akong pumasok sa bahay. Hindi ko alam akala ko okay na kami uli pero nagkamali na naman pala ako.

"Oh, Iha nakarating ka na pala, sayang hindi mo naabutan si Clark na pumunta rito. Mga 10mins bago ka nakarating nakaalis na siya." Napakunot naman ako sa sinabi ni Dad saakin dahil kakakita ko lang sakanya. May bahagi saaking hindi kaya hinintay niya akong umuwi?

"Nagpapaalam pa nga na yayain ka bukas na lumabas. O, siya tawagan mo na." tumango naman ako pero wala akong lakas nang loob na tanungin siya. Hindi ko alam bakit bigla akong naguilty saka ano namang sasabihin ko sakanya. For sure nakita nga niya yung kanina. Pero ano naman sakanya yun. Bakit nagkakaganito ako? Magkaibigan naman na kami hindi ba? Pwede ko siyang tanungin?

Nakatingin lang ako sa phone ko nang matagal. Pinag-iisipan ko kung tatawagan ko siya or hindi.

Bigla kong kinuha ang phone ko at matatag na pinindot ang number niya. Kinakabahan pa ako nang marinig ang ilang ring bago niya sagutin ang phone niya. Bigla tuloy akong nanginig nang marinig ang boses niya it's my first time na tawagan siya.

"Hello, Steven. This is Jhoanne. Nasabi pala ni dad saakin na may gusto kang sabihin saakin kaya ka pumunta dito sa bahay. I want to ask kung ano yun?" nag-aalalang sabi ko. Hindi ako sure kung anong isasagot niya pero kinakabahan ako kung ano man yun.

"It just nothing. Wag mo nang intindihin ang dad mo. I change my mind." Bigla naman akong nadissapoint sa sagot niya nang hindi ko alam na dahilan.

"Ganun ba? Sige I'll drop the call now. Goodnight." Simpleng sabi ko.

"Okay...And jhoanne." Napatigil naman ako nang bigla niyang bangitin ang pangalan ko. "Please kung tatawag ka man. Magtext ka or tawagan mo ang assistant ko. You know that I'm a busy person. Sige." At bigla na lamang nitong ibinaba ang phone. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Hindi ko alam pero bigla bumalik nanaman ang nakaraan saakin. Ilang beses na akong tumatawag kay Steven hindi nito sinasagot ang tawag ko. Bigla tuloy akong nag-alala dahil sabi niya susunduin niya ako kasi lalabas kami ngayon. Tinawagan ko muli ang phone at ilang ring bago nito sinagot. Mukhang naiinis pa siya nang sinagot niya ito. Kaya bigla naman akong kinabahan.

SERIES 1 : Battle Between "THE PAST"  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon