Chapter 1

118K 2.2K 720
                                    

Atarah Klyte

"NAPAKA ganda naman talaga ng apo ko," masayang sambit ni Dad sa anak ni Ate Akisha habang nakangiti ng matamis.

Tinignan ko si Akeila, ang pamangkin ko na nakaupo sa pagitan ng parents niya na busy sa pagkain ng prutas. Yes my Dad is right. Napaka gandang bata ng pamangkin ko. Hindi na ako magtataka. My sister is really beautiful, She's a famous model and even though she have a daughter already her body is d-mn perfect.

Her husband is so f-cking hot and attractive half Canadian model. And also he's one of the most rich business tycoon in the world. And alam niyo ba na ang Daddy ng pamangkin ko na pinupuri ko ay ang dakilang sh-t EX ko or should I f-cking say 'Ex fiance'.

Wow diba? Akalain mo nga naman, napaka mapaglaro nga naman ni tadhana. Dapat bang isisi ko sa tadhana kung mayroon ahas na pasimuno?

Curious kayo kung paano nga ba nangyari 'yun? Syempre katulad lang nung mga nababasa n'yong mga libro or napapanood na Telenovelas. Na inagaw nitong santa santitang Ate ko, unang tingin mo napaka bait na animo anghel pero nasa loob pala ang matinding kulo. Gano'n lang 'yun. Napaka cliché, Oo ganiyan talaga wala tayong magagawa halos lahat madalas type ang Ate natin ih.

Kakauwi lang nila Ate dito sa Pinas, bakasyon nila. Minsan lang umuwi sina Ate dito kaya talagang pinag leave nila ako sa trabaho ko para magbonding kami. Tss, as if naman makipapag bonding ako.

Never ko naramdaman ang happiness habang kasama sila except siguro kay Akeila kapag naglalaro kami. No hard feelings naman ako sa pamangkin ko dahil mahal na mahal ko 'yan.

"Ikaw ba Ath? kailan mo ba balak kami bigyan ng apo?" baling na tanong ni Mom saakin. Napatigil naman ako sa pagsubo ng pagkain at pinaikot ko ang mga mata ko.

Eto na naman po kami. They are starting to pissing me off. Ayaw talaga nilang maging payapa ang buhay ko. Hobby nila na ipressure sa buhay.

"Ewan baka mamaya na po." sarkastiko kong sambit ko habang nakatulala lang sa plato ko, D-mn, nawawalan ako ng gana kumain.

"Ath you're not getting younger. Wala ka pa rin bang nobyo? Hindi ka pa ba naka move on kay Charl, Anak?" diretso na tanong ni Mom. Binagsak ko ang kubyertos na hawak ko at tinapunan sila ng malamig na tingin.

Charl ang pangalan ng Ex ko, na asawa na ng Ate ko, na daddy na ng pamangkin ko, na kasabay naming ngayon kumain. The f-ck, great right? Sinong matinong magulang na ipapahiya ang anak sa harap ng hapag kainan.

"Ehem." rinig kong tikhim ni Charl pero hindi ko ito tinapunan ng tingin. Ubo ubo ka pa d'yan peste kang hinayupak ka! Mag ka TB ka sana!

"Duhh. I'm just 24 years old and what the hell? Nasa harapan tayo ng pagkain at ng pamilya ni Charl tapos isisingit mo 'yang topic na 'yan? How ironic, you're the one who taught us how to respect but you're disrespecting me infront of the food, where are your manners Mommy?" mahinahon kong saad pero nagtiim ang bagang ko sa sobrang inis ko sa presenya nila pero kahit gusto ko pang magsigaw ay inalala kong nadito nga pala ang pamangkin ko.

Madiin kong wika dahilan para mapatayo si Daddy at Mommy na galit na galit. Mabuti nalang at medyo malayo sila saakin kaya hindi nila ako mapagbuhatan ng kamay. "How dare you! Tell me, gawain ba ng marespetong anak ang sumagot ng gan'yan sa Ina. " napangisi ako nang makita kong namumula si Daddy habang ang ugat ay kitang kita rin.

"Dad, Akeila is here please calm down." suway ni Ate habang malungkot ang tingin saakin na animo disappointed.

Pake ko ba sa nararamdaman niya, mas disappointed ako sakaniya dahil mas pinili niya ang kalandian niya kaysa saakin na kapatid nito.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon