Chapter 25

49.6K 887 212
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Atarah's POV

MASAYA ang umaga ko kahit na ba puyat ako. Umalis na si Mikee kanina at 'di na nagumagahan dahil may work pa raw ito. Bibisita nalang siya mamaya pagkatapos ng duty niya.
Sina Mommy and Daddy ay umalis daw kanina at 'di sinabi kung saan sila pupunta.

Nakaupo ako sa pool side habang pasulyap sulyap sa nakatalikod na si Rare. May kausap ito sakaniyang telepono.Wala siyang pangitaas at nakasuot lang ito ng isang kulay itim na beach short. He's not very bulky and not very thin, just enough to send you so many indecent thoughts.

Balak namin na mag swimming ngayon para exercise na rin. 7:00 palang ng umaga at healthy pa ang sinag ng araw sa balat. Naka itim akong two piece ngayon.

Binilinan nila Mommy si Rare na dumito muna sa mansyon kung wala itong ginagawa upang mabantayan ako. Ewan ko ba kina Mommy hindi na nahiya kay Rare pero dahil mabait akong tao susuklian ko naman ang pagiging mabait niya saakin.

T'yak, pupurihin ako ng sobra nun sa gagawin kong pabor para sakanya. Sobrang masisiyahan 'yun panigurado. Tamang tama, wala sina Mommy and Daddy. Kami lang nina Ate, Charl, Rare, Baby Akeila, kasambahay at body guards lang ang nandito sa mansyon at nakakatuwa lang dahil maayos ko magagawa ang plano ko. Walang hadlang.

"You have 1 week of rest." sambit nito na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko. Tanaw na tanaw ko ang abs niyang sexy tignan. Hindi man 6 packs  ang abs niya eh ang hot niya pa rin tignan. Nangangati kamay ko, parang gusto hawakan 'yun. Joke.

"Sino nagsabi?"Tanong ko bago pa magkaroon ng sariling utak ang kamay ko at hawakan nalang bigla ang abs niya.

"Si Gayl.May be later, She'll talk to you through phone." Napanguso ako dahil lagi nalang ako nag nagpapahinga, I mean simula nung dumating sina Ate rito sa Pinas nag leave ako nang 1 week nun tapos nung na car accident naman ako ay 1-2 weeks pahinga ko tapos iba pa 'yung mga absent ko kada araw dahil sa kagagawan ng Rare na 'to. Ngayon eto nanaman pahinga nanaman. Gustong gusto ko na mag work, na miss ko na mga pasyente. Namiss ko na amoy ng hospital.

Hayz.

"Hey?"tawag pansin nito na ngayon ay nakataas ang kilay saakin dahil natulala pala ako.

"Uh..lagi nalang ako nag papahinga. Gusto ko na bumalik sa trabaho."Iniwas ko ang tingin sakanya at nagpahid na ng sunblock saaking katawan.

"No. You need to rest more. Stop being hard headed again, Huling nagmatigas ka ng ulo napahamak ka na naman." seryosong saad nito habang nakatingin sa katawan konng nilalagyan ko ng sunblock pero agad din umangat ang tingin niya saaking mukha.

Napangisi ako nang malaki dahil bigla kong naalala 'yung plano ko na ikatutuwa niya.

" What's funny?" agad din nawala ang ngiti ko saakin labi nang sumungit ang itsura ni Rare.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon