Chapter 20

55.9K 1K 255
                                    

Atarah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Atarah's POV

"HOY Jacquez ikaw ang lalaki, bantayan mo 'tong si Atarah ha." Sambit ni Dra. Anna Kaye kay nurse Jacques na kanina pa naririndi sa mga boses mula sa mga kasamahan namin.

Pangalawang araw na namin dito sa Marawi at ngayon na assign kami na sumama sa mga sundalong manlilikas ng mga sibilyang natira pa sa kani- kanilang mga bahay dahil malayo sa kabihasnan ang mga lugar kung saan nakatayo ang nga bahay nila.

Sinama kami para kami ang gumawa ng paunang lunas sa mga sibilyang may sakit, sugat at kung ano ano pa.

"Oo na paulit ulit. Safe si Atarah kapag ako katabi."iritadong sambit ni Jacques.

"Eh paanong hindi paulit ulit eh puro biro ka jan!" sambit naman ni nurse Sati sakanya habang dinuduro duro ito na mas nagpairita sa mukha ni Jacques.

"Oo na! Basta 'di pasaway Atarah. Magiging ok kami. Sya naman pagsibihan n'yo!" inis na sambit nito kaya napasinghap ang nga kasama ko.

"Atarah ha, Umayos ka h'wag kang gagawa ng move na ikapapanget mo!" nakangusong sambit ni Eria.

"Yes naman, nurse Eria. Salamat."nginitian ko siya saka kinindatan kaya nagtawanan kami.

Lima lang kami ngayon dito dahil ang iba ay busy talaga sa kani kanilang mga operation at mga pasyente kaya 'di na kami nagtangkang abalahin pa ang mga 'to.

"Atarah, Take care. Ok? Wag kayong pasaway dalawa h'wag kayong lalayo sa mga sundalong kasama nyo ha." sambit naman naman ni Dra. Aira.

"Pi-pinapatawang na po kayo ni Lieutenant Colonel P.O" utal na sambit ng isang sundalo habang hindi makatingin ng diretso saamin. Napangisi ako dahil t'yak ay may nagugustuhan 'yun sa mga kasama ko base sa galaw niya.

"Ok, pupunta na kami. O sya guys, See you later nalang. Babush." Nagpaalam na kami ni Jacques sa mga kasamahan namin.

"Dra. Aira. Pakisabi nalang kay Kristan ha.Thank you." She nodded and she mouthed 'Ingat ka'

Hindi kasi alam ni Kristan na lalabas kami ngayon ng Evacuation center at sasama sa mga sundalong manlilikas ng mga ibang sibilyan dahil sobrang busy niya sa mga operation niya as i said a while ago.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon