Chapter 46

30.8K 616 264
                                    

Atarah's POV

PAGMULAT ng mga mata ko ay
ay parang namamanhid na ang katawan ko. Wala akong maramdaman na kahit ano bukod sa pananakit ng ulo ko.Nilibot ko ang aking paningin at mas napansin ko na dumami ang tubo na nakakabit saaking katawan.

Gustong gusto ko bumangon at maupo sa kama pero hindi ko magawa dahil sa mga tubo na nakasalampak sa katawan ko. Hirap na hirap akong gumalaw na animo tinape ang buong katawan ko sa kamang hinihigaan ko.

Nagsituluan ang luha ko dahil sa nangyayari ngayon, ganoon na ba talaga kalala ang kalagayan ko para mas dumami ng ganto ang mga aparatos na nakalagay saakin?

Napapapikit ako ng mariin at dinilat din agad saka ko nilibot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto. Nandito muli ako sa isolation roon, ako lang magisa dito kasama ang mga medical equipment. "A-ng bi-bi..ba--by ko." nauutal kong sambit sa sarili dahil sobrang hirap na hirap talaga ako magsalita.

Naalala ko na bago ako mawalan ng malay ay dinugo ako.Anong nangyari?! Ang baby ko.

Dahan dahan kong itinaas ang kamay at binaba 'to saakin tiyan ko, pinasok ko ang kamay ko sa loob ng dami at hinaplos haplos ang loob nito.

"B--aby nandyan ka pa ba? Ok k-a lang b-aa d-yan?" naiiyak ko paring saad.

Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pintuan dito sa isolation room.Natatakot akong lumingon kung sino ang pumasok kaya tuloy tuloy lang ang paghikbi ko."Ma'am.." saad ng nurse kahapon na tumutulong saakin. Dalawang nurse ang pumasok na aprehong pamilyar dahil sila ang nagbabantay saakin.

Lumapit ang isa at dinaluhan ako. Naka protective suit pa rin ito dahil kinakailangan 'yun para maiwasan na mahawa 'to saakin. "Ma'am Atarah, h'wag na po kayo umiyak. Wala na kaming pinapasok nang kahit sino dito lalo na si Doctor Rare." mas lalo pa akong naiyak nang bangitin niya ang pangalan ng g-gong 'yun naalala ko nanaman kasi ang ginawa niyang pangloloko, panglalaro at pangiikot saakin para lang makasama ang anak niya at minamahal niyang lubos na si ate Akisha.

"Hala ka Joanna! Binanggit mo pa kasi pangalan, tawagin ko si Doc Jom ha." saad ng isang nurse na kasama ni nurse Joanna saka lumabas sa isolation room na 'to.

"Sige sige!" saad ni Nurse Joaanna saka lumingon muli saakin at hinawakan ang kamay ko gamit syempre ang kamay niya nababalutan ng gloves. "Ma'am kumalma po kayo please, baka patulugin ka nanaman po. Limang araw ka ng tuloy tuloy na natutulog.." nagaalalang usal nito kaya nagtataka akong sumulyap sakaniya habang mapungay pungay ang mga mata ko.

"B-bakit?" utal ko pa ring saad.

"Everytime na nagigising ka kasi ma'am nagwawala ka kaya tinuturukan ka ng pampatulog.Alam ko ma'am na mahihirap ang sitwasyon mo pero please po labanan mo 'yan.." mahinahon na sambit nito at kitang kita ko sa mga mata niya ang matinding pagkaawa.

"Ang anak ko?" nabigla naman siya sa tanong ko at agad kong ko pagiging uneasy ng mukha niya kaya kinutuban na ako ng sobra.

"A-h ok lang po siya Ma'am, magpalakas na kayo para kapag gumaling kana mas maalagaan mo siya.." nagiiba ang tono niya at nauutal siya ng kaunti.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon