Chapter 4

72.8K 1.7K 178
                                    

Atarah Klyte

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Atarah Klyte

YUMUKO ako ng bahagya at inaayos ang suot kong facemask. God, please sana po hindi niya ako mamukhaan. Hindi maaring makilala niya ako, masisira buhay ko.

Lumunok muna ako bago ako nagsalita. "Alis na po ako." kinuha ko ang mga gamit na ginamit ko then bahagya akong yumuko.

"Wait..." naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Rare sa balikat ko kaya napako ako bigla sa kinatatayuan ko.

"P-po?" pinilit kong wag mautal pero nabigo ako. Hayz self, bakit 'di ka marunong umarte.Mahuhuli ka n'yan sa ginagawa mo, e.

"New?" sobrang lamig ng boses niya na sobrang lalim. Bakit angpogi pakinggan ng mga lalaking gano'n? Oh d-mn.

"N-no."

"Ah, I see." inalis niya na ang pagkapatong ng kamay niya sa balikat ko. Kaagad akong umalis sa pwestong 'yun. D-mn. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Muntik na 'yun!

Habang naglalakad ako palayo sa Kwartong 'yon ay namataan ko si nurse Jaycee, ang nurse na papalit saakin kaya nabuhayan ang loob ko.

Thank you Lord at makakauwi na rin ako.

Tinignan ko ang wristwatch ko and 6:15 palang pala. Buti maaga si Jaycee ngayon. Thankful talaga ako!

"Hey Jaycee! Ang aga mo ah? Hahaha." masayang bati ko sakanya.

"Oo eh, bumabawi lang, last time kasi lagi ako late ih. Oh sa laboratory mo ba dadalhin 'yan?" tanong niya sabay turo sa dala ko.

"Ah, oo eh." tumatangong sambit ko.

"Oh sige na, Ako na magdadala. Mag out ka na. Halatang pagod ka na eh." nginitian niya ako habang naiiling iling pa.

Mas lalong sumaya ang kabuuan ko dahil sa sinabi niya."Hala thank you!" masayang pasasalamat ko dahil mukhang dininghin na ng Diyos ang kahilingan ko.

"No prob!" kinuha niya na saakin ang tray na hawak ko and naglakad na siya saakin palayo.

Napabuntong hininga naman ako dahil makakauwi na ako, makakapahinga na ako kung saang walang Rare na iniisip.

Kaagad akong pumunta ng staff room. para kunin ang mga gamit ko at pagkatapos ay pumunta ako ng nurse station para mag log out na.

Habang papunta ako doon ay nakasalubong ko naman si Kristan na kakalabas lang ng elavator.

"Oh baby Ath, uwi ka na?" mapungay pungay na tanong nito. Halatang pagod na pagod ito pero ang gwapo niya pa rin tignan. Well, that's my bestfriend.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon