Chapter 37

38.2K 752 242
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Atarah's POV

"LOLA, hindi po ba ako mahal nina Daddy and Mommy?" natigil si Lola sa ginagawa niyang pagbabasa ng magazine at nilingon ako.

"Gagawin ka ba nila kung hindi ka nila Mahal, hija? H'wag kang magisip ng kahit ano apo. Mahal na mahal ka nila." matamis na sambit niya saakin.

"Eh si Lolo po?" napayuko ako at naramdaman kong tumayo si Lola at nilapitan ako.

Hinawak nito ang aking baba para umangat ang tingin ko sakanya."Mahal na mahal ka ng lolo mo. Mahal na mahal ka namin." mahinahong saad niya habang hinahaplos haplos ang pisnge ko.

"Mahal nila ako pero si Ate ang paborito nila.." mapait kong saad sakaniya.

"No, That's not true Apo. Don't think that."iginiya niya ako paupo sa couch namin at hinagod hagod ang buhok ko.

"Na kay Ate lagi ang atensyon nilang lahat. Kapag si Ate may sakit sina Daddy and Mommy mismo nagaalalaga. Kapag ako po ang nagkakit madalas ang mga nurse o kaya kayo lang ang nagaalaga saakin. Kapag may mga award akong nakukuha sa School hindi nila ako sinamasamahan para kunin 'yun pero si Ate kapag nakuha lang ng simpleng pagkilala full force sila kasama pa si Lolo at talagang proud na proud pa sila." umiiyak na sambit ko dahil hindi ko na mapigilan ang lahat ng hinanakit ko sa Magulang at Lolo ko.

"Apo, nagkakataon lang na busy ang parents at lolo mo kaya hindi ka nila dinadaluhan.." patuloy na pagpaintindi ni Lola saakin.

"Malas po ba ako? Kasi lagi busy sila kapag kailangan ko sila pero si Ate kahit hindi niya hingin ang atensyon nila binibigay naman nila ng kusa." humihikbi hikbi ako at hirap na magsalita.

"Apo, Mahal na mahal ka ng buong pamilya mo lalong lalo na kami ng Lolo mo. Walang silang paborito sainyong dalawa ng Ate mo,pantay lang ang pagmamahal niya." inangat ko ang tingin ko sakaniya at mapungay pungay na tinignan ito.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon