Chapter 32

43K 838 144
                                    

Atarah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Atarah's POV

"SIR, Settle na po ang lahat.Makaalis na tayo." sambit ng isang maputi at kalbong lalaki.

"Good, By the way Drew, This is my girlfriend. Atarah." proud na pagpapakilala nito Rare. Napangiti nalang ako at napailing iling sa ginawa niya.

Maganda ang deal niya and interesting masyado and isa pa dahil sobrang napasaya niya bakit ako tatangi? Bakit hindi ko 'to pagbibigyan?

Pero sabi ko sa sarili ko pantay pantay at walang lamangan dapat pero bakit kay Rare hinahayaan ko siyang makalamang saakin? D-mn me. I'm really unfair.

"Bawi doc! Ang ganda. Anghel ba 'yan?" natatawang biro ni Drew habang nakatingin saakin at nakangiti.

"She's mine Drew. Find yours.Tss." nabaling ang tingin ko kay Rare na nakakunot ang noo ay masama ang tingin kay Drew.

"Hahaha, Easy. Joke lang sir. Sa una palang alam kong 'the one' mo na 'yan Eh wala kapang sinasakay na kahit sinong babae dito chopper n'yo." tumawa ng pagkalakas lakas si Drew habang nakatingin pa rin saamin.

"Really Drew wala pa?" pinanliitan ko 'to ng tingin at nginitian ng mapanuya.

"Yes ma'am! Maniwala ka man. Wala pa! Hahaha. Ikaw lang po yiee." napangiti naman ako sa ginawa niyang pangaasar naalala ko si nurse Jacques sakaniya. Parang magkaugali sila.

"Atarah.." mahinang bulong ni Rare saaking tenga.

"Nice to meet you po pala. Ma'am ." nilahad ni Drew ang kamay niya kaya inabot ko 'to at nakipagkamay.

"Enough.." binawi ni Rare ang kamay ko kay Drew at hinawakan ito.

"Seloso ang boss mo."mahinang bulong ko kaya natawa kami pareho pero busangot na ekspresyon lang ang sumilay sa mukha ni Rare.

"Sir naman! Alam n'yo namang lamang kayo saakin ng isang paligo hahaha. Stay story sainyo boss!" natatawang sinarado ni Drew ang pintuan ng chopper at pumasok na ito sa pinaka driver seat ng helicopter. Kaya mas lalo akong naexcite lalo pa't narinig ko ang pagtunog ng main rotor blades na timatawag na ' the hub' pero in tagalog tawag natin elisi. Hahaha.

May parang glass or 'di ko maexplain basta may harang sa pagitan namin ni Drew. Kaya hindi namin nakikita kung anong ginagawa niya doon sa Pilot seat.

Parang ang sarap umupo sa tabi ng pilot seat para nakikita ko paano sila mag drive! Ang loob ng helicopter na 'to ay sobraeng ganda sa loob! Parang kotse lang din na good for four person

Unti unti na kaming tumataas kaya napangiti ako ng sobra! "Whaaa! Ang galing!" Sumilip ako sa bintana at unti unti na kami tumataas.

"Para din palang sa airplane ang feeling pero mas exciting lang 'to!"Napalingon ako kay Rare na pinapagalaw ang panga at seryosong nakatingin lang saakin. "Hoy! Rare!" natatawa kong tawag sakaniya.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon