Chapter 61

27.9K 632 130
                                    


Atarah's POV

KANINA pa ako nakatitig  sa mga mensahe na natangap ko kay President Costallio. Nagawa ko na siyang tawagan bago pa kami umalis ng mansyon ng Dela Veja para kumpirmahin kung siya ba ang nag t-text at tama nga ako at siya nga 'yun.

Adier wants to talk to me according to President Costallio, Aider want's to fix everything, gusto n'yang ayusin ang pagkakamali niya bago siya mamaalam.  He's very weak and ang huling hinihiling nito ay makausap ako. Alam kong mahihirapan akong harapin siya lalo pa gano'n ang kalagayan niya. I'm at mad him dahil nakipagsabwatan siya sa Manipulator pero mas lamang ang awa na nararamdaman ko sakaniya ngayo.

Bukas ng alas nuebe ay susundiin ako ng mga tauhan ni President Costallio dahil para narin sa seguridad ko at ng mga Costallio. Sinabi kasi ni President na ilang beses ng pagtangkaan patayin si Adier dahil sa may kung anong alam daw 'tong sikreto na makakapagpasira sa isang imahe ng tao kaya alam ko na agad na tungkol 'to sa manipulator.

Maari ko naman daw isama ang asawa ko kung may doubt ako, at maaring pasunurin nalang ang mga guards namin para mas madaming magbabantay saamin lahat.

"Klyte, we're here.." nabalik ako sa reyalidad nang makita ko si Roks na mukhang kanina pa nakatayo sa gilid ko habang hawak hawak niya ang pintuan ng kotse.

"Ay kanina pa ba?" sambit ko dahil  lutang ako ngayon sapagkat sobrang dami kong nalaman.

Napatingin ako sa orasan ko at mag s-seven na pala ng gabi. Natagalan kami sa Mansyon dahil marami pa kaming napagkwentuhan sa nangyari saakin pati na rin sa pamilya ko.

"Yes, you're spacing out.." sambit niya at agad akong inalalayan pababa ng kotse niya. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng mata ko dahil kanina nagiiyakan lang kami ng pamilya ko habang nag k-kwentuhan. "Iniisip ko lang ang mangyayari bukas." saad ko kaya bumuntong hininga siya nang sinarado ang pintuan ng kotse.

Susunod daw ang pamilya ko dito s hospital para bisitahin si Ranch kaya mayamaya at posibleng nandito na sila."How's Amirah?" tanong ko dahil nagaalala ako baka may mangyaring masama lalo pa't magsasama sama kami ng pamilya ko ngayon.

"Wala pang report ang mga tauhan ko but I'll talk to them later. I will leave you here with your fam when they are all here. Aasikasuhin ko ang mga taong pinapabantayan ko pati na rin ang mga imbestigasyon.." seryosong saad niya habang naglalakad kami papasok ng hospital.

Hindi ko maiwasan hindi mapalinga sa paligid dahil umaasa ako na makikita ko si Rare na pinapanood ako sa malayo pero bigo ako dahil wala akong makita kahit anong Rare sa palagid.

Oh damn, I badly missed him. Gustong gusto ko na siya makita at makapagpaliwanag na sakaniya ng ayos. Nasaan ka ba Rare ko?

"Oh sige, can I have favor? Kapag umuwi ka check mo na rin kalagayan ni Dawina and Aida." sambit ko para sure na ligtas sila sa condo kahit pa may mga body gurds sila doon. Gad, I missed Dawina. Miss ko ng nakikipaglaro sakanilang dalawa ni Ranch. Paniguradong miss na miss na ni Dawina at ni Ranch ang isa't isa.

"Yes, I'll go home before I go to our headquarter.." sambit niya kaya nginitian ko siya ng matamis.

"Salamat talaga Roks.." alam kong pagpapalain siya ng may kapal dahil sa taglay na kabaitan niya sana magkaroon ng babae na talaga mamahalin siya ng lubos lubos at paparamdaman na espesyal 'to.

"No worries.." saad niya at iginiya na ako papunta ng kwarto ni Ranch na nakalokasyon sa unang palapag lang. Nang makarating na kami ay pinagbuksan ako ni Roks ng pintuan at nauna akong pumasok ng kwarto ni Ranch. Agad naman nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ngayon ang nakita ko.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon