Chapter 44

29.6K 676 339
                                    

Atarah's POV


"MATALIK na magkaibigan si Agosto Dela Veja at si Romulo Grison ngunit nagkaroon  ng lamat ang pagkakaibigan nila dahil sa isang babae at pagiging magkalaban nila sa negosyo.." saad niya habang pinaglalaruan sa kamay niya ang wine glass na hawak nito.

Napakagat ako sa labi ko at seryosong nakinig lang sa kwento niya. So nagsimula ang lahat sa mga Great grand father namin ni Rare?

"Si Romulo Grison ay naipagkasundo lang kay Rasyolesya pero ang totoo ay matagal ng mahal ni Romulo si Aurencia kahit pa kasal na rin 'to at may mga anak na 'to sa pinakamamahal niyang si Agosto." nakangiting sambit nito saakin habang ineenjoy niya ang reaksyon kong nagtataka na.

"So Love triangle?" usal ko kaya tumango tango siya at ibinaba ang iniinom niyang wine.

"Yes dahil hindi naman pwedeng square dahil saling pusa lang naman si Rasyolesya, ni hindi niya rin naman mahal si Romulo napilitan lang din siyang pakasalan 'to. " nakangisi niyang saad saakin. "Hindi matangap  ni Romulo na hindi siya pinili ni Aurencia noon at pinilit pa siyang ipakasal sa babaeng hindi naman niya minahal kaya isang araw ay pinakidnap niya si Aurencia at doon binaboy, inshort nirape 'to ng paulit ulit." kinurot ang puso ko dahil sa kwento niya kung ano talagang sinapit ng great grand mother ko sa kamay ng mga Grison.

Kaya pala dalawa lang ang anak nila Romulo Grison at Rasyolesya dahil pilit lang ang pagpapakasal nila samatalang si Lola Aurencia and Lolo Agosto ko ay apat dahil talagang mahal nila ang isat isa.

"Para hindi na makapagsalita si Aurencia at madungisan ang apelyido ng mga Grison ay pinapatay nila si Aurencia sa mga tauhan nila.Malinis trumabaho ang mga Grison lalo pa't isa sila sa mga pinaka maimpluwensya at makapangyarihan noon sa buong mundo hangang ngayon pa rin naman." sambit niya at napatingin sa waiter na inilapag na ang order namin.

"Thanks." masayang saad ni Doctora sa waitress bago  nito simulan kumain. " Kumain kana." saad niya saakin pero umiling lang ako.

"What happened to my lolo Agosto?" kunot noong tanong ko.

"Maimpluwensya rin naman ang mga Dela Veja noon kaso hindi katulad ng mga Grison kaya wala rin nagawa ang lolo Agostomo kahit pa alam ng buong Dela Veja kung sino talaga pumatay kay Aurencia. Unti unti na depress ang Lolo Agosto mo kaya unti unti na rin bumabagsak ang negosyo ninyo na soya namang ikinatuwa ng mga Grison.." usal nito habang nakatingin sa karneng hinihiwa niya. Hindi ako nagsalita at hinintay ko nalang na ipagpatuloy niya ang kaniyang sasabihin.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon