Pinarada ko ang motorsiklo ko sa liblib na lugar. Ito lang ang tanging bagay na maaasahan ko ngayon at syempre ang bestfriend ko.Hinawakan ko ang Belt ko at maayos naman ang pagkakasukbit niya. Naglakad na ako pagawi sa Hitler bridge at rinig na rinig ko na ang hiyawan at sigawan ng mga gangsters. Ang raming tao. Malamang. Ardor at Costa ang narito. Madalang raw ang Mga Ardor na um-oo sa gangfight. May dahilan kung bakit sila napa oo ngayon.
Pumasok na ako sa tunnel at lahat ng nakikita ko ay puro mga Vandals.Hindi lang siya basta Vandal.Isa siyang Art.Masasabi kong ginastusan ang Wall art. I think Every Wall ay may Corresponding na nagmamay-ari kaya pagarbuhan sila.
"Weet weew!"
Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang hiyaw. Sheyt. Pagkatingin ko sa kanya e nagshake shake siya. Gross. Nag packyou sign ako sa kanya. Tangna.
Umakyat ako sa hagdan.. Dito ako manonood. Itinaas ko na ang hood ko. Disguise kumbaga.
Biglang lumakas ang hiyawan at kumalinsing ang ibat ibang uri ng bagay gaya ng beer in can at bote.
"Costa! Costa! Costa!"
"booooooo! Uwi na Costa!"
"Tangna ka! Kaw umuwi!"
"Tangna mo rin! peste! Suntukan nalang.!"
At may nauna pang nagrambol.
"Ardor!!! Patayin niyo na yang mga hinayup*k na Costa na yan!! Mga walang binatbat! Pwe!"
Ang lulutong magmura ah. Dinaig pa ako.
Bigla akong nakaramdam na parang may tumitingin sakin. Tumingin ako sa Costa, Wala naman. Lumingon ako sa Ardor at ayun, nahuli ko ang leader nila na nakatitig sakin. Bigla akong naconscious kaya napatalikod ako. Before I realize I did a wrong move. Crap! Thats not really an Assassin move! I turned around and confidently face them. Muntik ko nang makalimutan na nakahoodie naman pala ako. No worries.
"Sa Wakas. Di kayo naduwag." sabay smirk ni Perp. Ang yabang talaga niya kahit kailan.
"Sayang naman kasi sa oras makipagrunble sa inyo. At saka nakakaboro kaya ang sarap makipaglaro sainyo ngayon." sabat naman ni Sean. Sige. Payabangan pa more. tch.
Nagsmirk lang si Perp at tinitigan si Lynder. As usual nakapoker face lang ito habang cool na cool na nakapamulsa na ikinairita na naman ni Perp. He never fails to irritate someone. Innate na ata sa lahi niya.
"Ang tagal naman!"
May biglang nagbato ng bote at para namang yun lang ang hinihintay nilang hudyat. Bago ko pa man marinig ang pagkabasag ng bote ay nagsitakbuhan na ang mga Costa papunta sa Ardor. Walang ibang maririnig kundi ang mga kalabog, mura, sigawan at hiyawan.. Alam ko na simula't sapol talo ang Costa, pero sa nakikita ko ngayon tabla lang. Mas lumakas ata ang Costa ngayon.
"Putcha! Mamatay na kayong mga hayop kayo!" sabay suntok ni Nelvin sa isang Costa.
"Kalma ka Nelvin!" sigaw naman ni Sean habang sinisipa ang mga Costa na sumusugod sa kanya.
Asan na ba siya? Ginala ko ang paningin ko pero hindi ko pa rin siya makita.
Gotcha.
Andun siya may sinusuntok na Costa na nakahandusay na sa semento. Nakakatakot siya. Nakangisi ito habang puno ng dugo ang kamao niya. Ito ba ang totoong Trance? Siya na ba si Uno?
Bumaba ako ng hagdan para makalapit sa bakbakan. Paubos na ng paubos ang Costa at ganun rin naman ang Ardor. Marami nang nakahandusay at ang iba naman ay parang naduwag kaya ayun nagsitakbuhan.
BINABASA MO ANG
Operation: Assassinate the Prince (COMPLETE)
ActionIm trained to kill. Im bound to murder. What can I do? If i fail my only treasure will lost forever. Ill do anything even if my Operation is to Assassinate the Prince