John Stephen's POV
Hayyyyy.... Unang araw na naman sa skwelahan!! Bakit ang bilis ng oras pag masaya ka pero napakabagal naman ng oras pag malungkot ka. Haayyyy buhay nga naman ohhh.
"Anak! Bilisan mo nang kumilos at baka malate ka sa school mo!" sigaw ni papa mula sa baba. "Okay po!" sagot ko naman sa kanya.
"Anak, ang mga bilin ko sayo ahh? Wag na wag mong kalilimutan." Nakangiting sambit ni papa habang kumakain kami ng umagahan. Bigla tuloy akong nalungkot dahil naalala ko na naman si kuya. Kamusta na kaya siya ngayon??
Napansin siguro ako ni papa kaya nag salita siya ulit. "Iniisip mo na naman ba ang kuya mo?" Tanong ni papa. "Oo pa eh. Halos tatlong buwan narin simula ng umalis si kuya tapos hindi pa siya bumibisita saten dito. Nakakatampo na siya! Di ko siya papansinin pag bumisita siya dito bahala siya!" Sagot ko naman sa kanya.
Natawa nalang si papa sa naging sagot ko. Close kami ni papa kung hindi niyo alam. Swerte ako dahil tanggap ako ng pamilya ko kahit bakla ako.
OO!! BAKLA AKO PERO HINDI AKO MALAMYA KUMILOS. HINDI RIN AKO NAG SUSUOT NG DAMIT PAM BABAE
Matapos naming kumain ni papa ay umalis narin ako sa aming bahay. Habang nag aantay ako ng masasakyan ng jeep, tinignan ko ang aking cellphone dahil bigla itong nag vibrate.
Sms from: Joana
Stephen!! Lilipat na rin ako sa school na lilipatan mo!! Makakasama mo na naman ang pinaka maganda mong bestfriend sa balat ng lupa!!!😂😂😂😂😂 anyways, magkita nalang tayo sa school. Babush.....
-Dyosang JoanaNapailing nalang ako sa text niya. Ganyan talaga yan mag text. Mukha siyang timang!
(De joke lang!! Baka magalit si Author hahahhaha. Bestfriend niya po kasi talaga si Joana in their real lives hahahahahhah)
Makaraan ang halos isa't kalahating oras ng pag-upo sa jeep ay nakarating na rin ako sa aking bagong skwelahan. Gate palang nakakakilabot na hahahahahahha. Malaki rin siyang university. Isang kilalang pamilya ang nag mamay ari ng skwelahang ito.
At ang anak daw ng may ari nitong skwelahan ay bully daw dito. Sana walang mang yaring masama sakin dito hahahhahaha.
Dumeretso na ako sa admissions office para tanungin ang aking classroom. "John Stephen, ang classroom mo ay sa building 2, room 201. Please proceed now bago ka pa malate." Nakangiting sabi ng secretary na panag tanungan ko.
"Okay po, Ms. Secretary." paalam ko at lumabas na ako ng admissions office at nag tungo sa aking classroom. Pag bukas ko ng pinto ay lahat sila tumingin sa akin.
"Woaahhhh!! Ang cute naman niya!!" Sigawan ng mga kaklase ko pagpasok ko. Papasok na sana ako nang may biglang umakbay sa akin. Paglingon ko ay si Joana pala ito. Napa piksi pa ako dahil sa gulat.
"Hey yow my dear bespren! Nandito na ako! Hindi ka ba masaya na bumalik ako para sa iyo? Ano? Sabihin mo lang at babalik ako agad sa U.S.!" Pinitk ko ito sa noo at natauhan naman ito.
"Ang ingay mo pumasok na tayo." At nauna na nga akong pumasok sa room kasunod siya. Magkatabi kami sa bandang gitna ng room. At siyempre, dada na naman siya ng dada na akala mo hindi na makakapag salita bukas.
Narinig kong bumulong si Joana kaya agad ko itong tinanong. "May sinasabi ka ba?" Ngunit hindi na ako nito sinagot kaya naman humarap nalang ako.
"Okay guys, may dalawa kayong bagong kaklase. Magpakilala na kayong dalawa." Sabi ng aming adviser na hindi namin/ko namalayan na pumasok sa aming silid. Kaya bago pa magalit ito ay nauna na akong tumayo at nagpunta sa harapan at nakasunod naman sa akin si Joana.
"Uhhmmm, hi guys!! I'm John Stephen. You can call me Stephenw or pen. As in ball pen para madaling bigkasin. I came from a public school, consistent honor student and a funny person to be with. Yun lang at please be good to me!" nakangiti kong pag papakilala. Nagpalakpakan naman sila.
"Uhhmmm, hi guys!! I'm Joana. You can call me Joan or Joa. Bestfriend of Stephen since our childhood days. Maganda, diyosa, mabait, yun nga lang ay sawi sa pag-ibig. Yun lang at please be good to me!" nakangiti naman pag papakilala ni Joana. Na tinawanan ko rin.
Joana's POV
Nakita ko na papasok na si Stephen sa classroom kaya naman tumakbo na ako papalapit sa kanya. Bago pa man siya makapasok ay bigla ko naman siyang inakbayan. Halata na nagulat ito sa aking ginawa.
Magkakasunod na tanong ang ibinigay ko dito ngunit pinitik lamang ako nito sa noo at nagpatuloy sa pagpasok sa classroom. Nang matauhan ako kay sumunod na ako sa kanya papasok.
Ganyan talaga ugali niyang hinayupak na yan. Hilig niyang mamitik ng noo. Sa may bandang gitna kami naupo at nakipag daldalan na si Stephen sa mga kaklase namin kahit hindi pa niya kilala itong mga 'to.
Maya maya pa ay may pumasok na babae na hindi ganon katangkaran at dumiretso sa teachers' table.
"Siya na siguro yung adviser namin." Bulong ko sa sarili ko. Napalingon naman sa akin si Stephen at tinanong ako na, "May sinasabi ka?" Ngunit hindi ko na siya nagawang sagutin nang biglang magsalita ang aming guro.
"Okay guys, may dalawa kayong bagong kaklase. Magpakilala na kayong dalawa." Sabi ng aming adviser. Kaya bago pa magalit ito ay nauna na si Stephen na tumayo at nagpunta sa harapan at nakasunod naman ako sa kanya.
"Uhhmmm, hi guys!! I'm John Stephen. You can call me Stephenw or pen. As in ball pen para madaling bigkasin. I came from a public school, consistent honor student and a funny person to be with. Yun lang at please be good to me!" nakangiting pag papakilala niya. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin.
"Uhhmmm, hi guys!! I'm Joana. You can call me Joan or Joa. Bestfriend of Stephen since our childhood days. Maganda, diyosa, mabait, yun nga lang ay sawi sa pag-ibig. Yun lang at please be good to me!" nakangiti naman pag papakilala ko.
Guys leave a comment! And kindly hit the vote button! Bayad niyo na po saken yan ohh para mas ganahan ako gumawa ng chapters. Thank you po! Pag walang masiyadong comment tatagalan ko mag update. Bahala kayo🥺.
Sa susunod ulet guys. Inaantok na ko eh hahhahaha...
전 스티븐 입니다!!!
YOU ARE READING
Back To You (On-Going)
RandomMatangkad siya, ako tama lang ang height Mayaman siya, may kaya lang kami Naka kotse siya, ako tamang sakay lang ng jeep Naka iPhone siya, naka vivo lang ako Langit siya, lupa lang ako Mabango siya, pawisin ako Healthy siya, sakitin naman ako.