Club Recruitment Day 1

312 18 11
                                    

John Stephen's POV

Bandang mga alas tres ng madaling araw ay nagising ako dahil sa hindi malamang kadahilanan. Basta nagising nalang ako bigla mula sa masarap kong pagkakatulog. Pag tingin ko sa tabi ko ay tulog na tulog parin si Joana the Great.

Natawa ako bigla kasi naalala ko yung ginawa ko sa kanya kagabi. Laptrip yon! HAAHAHAHAHHAHA!

Bumaba nalang ako sa kusina upang uminom ng tubig sa pagbabakasakaling mahimasmasan ako at makatulog ulit. Pero wa epek. Napairap nalang ako.

Kinuha ko ang cp kong naka charge, pero..... pero....... PUTANGINA HINDI NAG CHARGE!!!! AAAAHHHH!!!!! KAINIS!

"Tatanga tanga ka talaga, Stephen." Sa pagkakaalam ko, sinaksak ko ito kagabi, so how come na hindi nadagdagan ang battery neto.

"Kanino ka ba nagmana? Hindi naman tanga si Papa. Mas lalo naman si Kuya." Bulong ko ulit saka bumuga ng hangin.

Dahil sa sobrang inis ay sinaksak ko nalang ito. At dahil isa akong isa't kalahating tanga, hindi ko masaksak nang maayos dahil patay ang ilaw.

At dahil makulit rin ako ay ipinagpatuloy ko lang ang pagkalikot upang maisaksak ang charger sa saksakan pero ang ending,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MUNTIKAN NA AKONG MAKURYENTE!!! TANGINA NA GROUND AKO!!! TUMIBOK TULOY YUNG PUSO KO NG NAPAKA BILIS!

Isang sunod sunod na malakas na pagkabog nang aking dibdib ang naramdaman ko. Pati takot! Tangina, hindi ko na nga papatayin lagi ang ilaw!

Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Bumalik ako sa kama at saka sinaksak nang maayos yung charger. Bakit ba kasi nakalimutan ko itong isaksak kagabi?

Hindi ko nakalimutan iyon panigurado dahil pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto kagabi ay ito agad ang aking ginawa. I can't live without my cellphone.

Nang maicharge ko na ang cellphone ay napahinto ako at napatingin kay Joana. Hindi kaya.....

"JOANAAAA!!!!!!!" Buong pwersa kong sigaw dito.

Natataranta naman itong napabalikwas mula sa pagkakatulog. "Taragis ka naman! Bat mo tinanggal?!" Habang pinapakita ko sa kanya yung charger ko! Naiinis ako ahh!!! Hindi ako mabubuhay pag walang battey yung cellphone ko!

"Bleh! Buti nga sayo. Pinag tripan mo ako kagabi, so patas lang tayo." At nahiga ulit ito. Amputa?! Kaibigan ko ba talaga to?

Hindi na ako nakatulog pang muli. Lumabas nalang ako sandali upang makapag jogging. Wow jogging ng alas tres? Seriously?

Wapakels ang lolo niyo gora lang ako! Need to stay fit for better lifestyle! Takbo dito takbo doon, jogging dito jogging doon, jumping jacks, squats, and done!

Umupo muna ako dahil hingal na hingal na ako. Hindi rin ako gaanong pinag pawisan dahil nga malamig pa. Maya maya lang ay napagdesisyunan kong umuwi na dahil halos mag aalas singko na pala.

Pumasok ako sa kwarto ko at boi! Tulog parin yung reyna niyong nakakainis. Hindi ko nalang ito pinansin. Kinuha ko muna ang iPad ko at dinala sa banyo upang may tugtog ako habang naliligo.

And as usual, Gfriend songs again! Ewan ko ba, pero sa lahat ng Girl Groups ng SoKor, sa Gfriend ako naattract. Like ibang iba sila sa lahat ng Girl Groups out there having the same concepts, same edm songs, etc.

Daig ko pa ata Gfriend nung nag concert sila dito last year eh. Sila anim na nakanta samantalang ako, mag isa lang! Kita niyo yon? Multi tasker ako mga chong HAHAHAHAHAHA!

"Gising na kaya ang lola niyong panget?" Bulong ko sa sarili ko. Natawa naman ako ng bahagya. Paglabas ko ng banyo ay halos atakihin ako sa gulat dahil nakatayo si Joana sa mismong pinto!

"Puta naman bespren! Papatayin mo ata ako sa gulat eh!" Reklamo ko habang hawak hawak ang dibdib ko. "Tagal maligo. Tabi nga jan!" At tinulak ako.

Loading...loading...loading...loading...

Teka lang....

Did she just? DID SHE JUST FUCKING TULAK ME TO THE GILID?!

AAAHHHH!!!!!! Naiinis na talaga ako! Iiwan ko to mag isa at papasok ako mag isa! Bahala siya!

At the school....

Nakarating naman na ako sa school agad. Naglakad na ako papasok sa gate. Kakatap ko palang ng id ko ng matanaw ko yung dalawa. Tumakbo ako para malapitan ko sila agad.

"Oh Stephen bat ka tumatakbo?" Tanong ni Carl.

"Ahhh wala lang hahaha. Baka kasi hindi ko kayo maabutan eh."

"Ahh okay hahahaha." Sagot nalang neto.

"Asan si Joana? Hindi ba kayo sabay pumasok?"

"Ahh hindi eh. Tara punta na tayo sa classroom." Aya ko at sabay sabay kami naglakad. Inakbayan naman ako ni Julian kaya inakbayan ko rin si Carl.

"Club recruitment nga pala ngayon ano?" Ako na kakaupo lang ng makarating kami sa classroom. Konti palang kaming nandito dahil sa wala namang klase dahil puro recruitment lang ang magaganap sa loob ng tatlong araw.

"Yes. And sa Volleyball ako." Si Carl ang sumagot sa tanong ko.

Nag usap pa kaming tatlo ng dumating si Joana na mukhang inis na inis. HAHAHAHAHA! Buti nga sa kanya. Lakas kasi mang trip.

Pero hindi ako nakaligtas dito dahil pinag hahampas ako neto gamit ang kanyang bag.

"Bwisit ka! Bat mo ko iniwan mag isa! Nakakahiya kay Tito dahil nagsisisigaw pa ako pababa sa hagdan! Kainis ka! I hate you! I hate you!" Grabe siya sa akin! Kaya kinuha ko na ang bag niya at i ilapag iyon sa upuan niya.

"Baket? Aba tinanggal mo sa pagkaka charge yung cellphone ko! Deserve mo yan!"

"Hoy baka nakakalimutan mong ikaw ang nauna?!"

"Hindi naman nagalit si Papa ahh?"

"Kahit na! Hindi non mababago na ikaw parin ang nag simula!"

"Tinulak mo ako kanina paglabas ko ng banyo!"

"Dahil nakaharang ka!"

"Ohh talaga? Pwede ka namang mag excuse me, diba?! Bat hindi mo ginawa?!"

"Kasi taeng tae na ako non na hindi na ako makapag salita!"

Nagsukatan pa kami ng tingin hanggang sa mapatingin kami sa mga ka klase namin na may mga nagtatakhang tingin. Pati yung dalawa ay ganon ang itsura.

"Wow, nag li live in na ba sila?"
"Sila na ba?"
"Sanaol"
"Ang sweet nila 'no HAHAHAHA!"

Mga bulong bulungan nila. Ngumiti naman ako ng pilit nang harapin ang dalawa. Umupo na ako at si Joana. Hindi po kami nag aaway ahh? Ganyan lang po talaga kami HAHAHAHAHA.

"Anong nangyari pagka alis namin kagabi?" Si Carl.

"Wala!" Sabay na sagot namin ni Joana kaya nagkatinginan kami at parehas pa kaming natawa.

"Okay." Si Carl ulit. Ilang sandali pa ay dumating na ang aming adviser.

"Okay class makinig! Since club recruitment day ngayon, walang klase for the whole day dahil alloted ang three vacant days for the club recruitment. I have these club recruitment forms na inyong sasagutan pag may nahanap na kayong club na sasalihan ninyo. Paki pamigay nga itong mga forms, Chris. Thank you."

At nakakuha narin kami ng mga forms namin. "Again, three days ang recruitment sa club kaya wag madaliin ha? Choose your desired clubs. Enjoy for the rest of the day. Yun lang and you may now go to the quadrangle." Sabi ni miss at lumabas na ng classroom.

Guys leave a comment! And kindly hit the vote button! Bayad niyo na po saken yan ohh para mas ganahan ako gumawa ng chapters. Thank you po! Pag walang masiyadong comment tatagalan ko mag update. Bahala kayo🥺.

Waiitt!!! Putol muna dito hehehehhehehehehehehhehee.

전수티븐 입니다

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now