Nabusog na ako nung makita kita eh

385 19 26
                                    


John Stephen's POV

Sa buong biyahe naming pauwi ay wala kaming tigil sa kwentuhan. Lalong lalo na si Joana, ang pangunahing may kasalanan kung bakit ako pinag titripan ng mga kaibigan naming ngayon. Pano ba naman kasi inungkat pa yung nangyari sa akin noong nag grade 2 kami. And that is my most darkest secret na kami lang ang nakakaalam.

Flashback

Grade 2 na kami ni Joana noon, tapos birthday ng isa naming kaibigan. SIyempre, tipikal na may handa. Spaghetti, hotdog na may marshmallow, fried chicken na nakalagay sa styro, at siyempre, mawawala ba ang zesto?

"Children! Pumila na kayo ng maayos para mabigyan na kayo ng pagkain." Pagtawag ng aming guro habang kumukuha ng mga pagkain na ibibigay sa aminng lahat.

"Phen, sabay tayong pumila." Sabi ni Joana na nakasunod sa akin papunta sa pila. "Sige." Sagot ko nalang kasi gutom na talaga ako at gusto ko na makakain.

"Dahan dahan lang sa pagkain ha? Para hindi kayo mabulunan." Paalala ng aming guro. "Opo!" Magiliw na sagot naming lahat.

Hindi rin nagtagal ay nakakuha na rin kami ng aming pagkain ni Joana at bumalik na kami sa aming upuan. "Okay., before we eat our food, kindly sit up straight and all together," panimula ng aming guro. Tutal alam naman na naming ang susunod kaya sumabay na kami sa sign of the cross and the In the name of the Father thingy.

"In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit, Lord, thank you for this wonderful day for all of us. Thank you for giving our friend another year in his life. May he become a good man someday. Thank you for the food we have today, thank you for the blessings we receive each day. Thank you, Lord, Amen,"

"Happy eating children!"

Kumain na rin kami ni Joana dahil sa parehas na kaming gutom. Mas patay gutom nga lang ito kaysa sa akin.

"Para ka namang batang pulubi, Joana! Tignan mo nga ohh puro kana dumi sa kuwelyo ng uniform natin. Lagot ka na naman sa Mommy mo eh!" Singhal ko dito. Paano ba naman kasi kababaing tao, ang dungis kumain! Daig pa siya ng lalaki eh.

"Okay lang 'yan!" Napairap nalang ako sa isinagot nito at nagptuloy nalang sa pagkain ko.

Maya-maya pa ay naramdaman kong medyo kumukulo na ang tiyan ko kaya napahawak ako dito. Naramdaman ko na lumingon sa akin si Joana.

"Phen, okay ka lang?" Nag-aalalang aniya. This is why naging mag bestfriend kami. Masiyado siyang madaling mag-alala kahit konting kirot lang 'yan ay hindi ka na niya titigilan.

"O-okay l-lang ak-ko." Utal utal kong sagot. Pinag papawisan na rin ako.

"Please lang! Ma-mamaya k-ka na luma-mabas." Bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't napatot na ako ng di oras.

"Ma'am! Si Stephen po umutot! Natatae na po ata!" Biglang sigaw ni Joana kaya nagtawanan ang mga kaklase ko pati narin ang magulang nungkaibigan naming na nag birthday.

Peste ka Joana! Humanda ka sakin pagkatapos kong mag cr! Inalalayan naman ako ng aming adviser papunta sa cr. "Iwan na muna kita dito, Stephen ah? Babalikan ka ni teacher mamaya after 10 minutes." Tumango nalang ako bilang sagot at pumasok na sa cubicle para makapag bawas.

Habang nakaupo sa inidoro ay walang tigil ako sa pag-iisip kung papaano ako makakabawi kay Joana. Pinahiya niya ako! Lintik lang ang walang ganti!

Maya-maya ay nakarinig ako na may pumasok. "Dami dami kasi kumain akala mo naman may kahati sa pagkain niya, ayan tuloy natae! HAHAHAHAHA!" Napairap nalang ako. Sino pa nga ba? Edi si Joana the Great na naman. "Hintayin mo lang ako matapos dito, lagot ka saken!" sagot ko dito na tinawanan lang niya.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now