Club Recruitment Day 1 part 2

229 17 6
                                    

Ranz Kyle's POV

"Uy Stephen! Nandiyan pala kayo. Gusto niyo ba sumalo sa amin para naman mas masaya?" Potah? Wag kayong lilipat dito sa table namin! Kuyom ang kamao ko sa ilalim ng lamesa dahil sa inis. Naiinis ako sa sarili ko hindi ko alam kung bakit.

"Hindi na kuya, paalis narin kasi kami at may pupuntahan pa kami eh." Sagot ni Stephen kay Francis kaya nakahinga ako ng maluwag. Tila ba kumalma ang sistema ko ng marinig ko iyon mula sa kanya.

"Ganon ba. Sige sige ingat kayo!" Sagot nalang ni Kupal at nagsimula na siyang kumain kaya naman kumain narin ako.

"Anong plano mo mamaya?"

Ibinaba ko saglit ang aking kutsara at saka siya tinignan.

"Wala naman. Bakit?"

"Gusto mo sumama sa akin mamaya? Bibisitahin ko kasi yung daddy ulit ni Stephen eh. Eh may lakad pa daw sila ng mga kaibigan niya kaya di yun pwede."

Na excite naman ako sa sinabi ni Francis pero hindi ko ipinahalata. Pigil na pigil ang aking pag ngiti.

"Hhmmm, wala naman akong importanteng lakad kaya sige sasama ako."

"Yown! Daan tayo mamaya sa supermarket bago tayo pumunta sa kanila." Tanging tango na lamang ang aking isinagot sa kanya at ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain ng payapa.

Nang matapos kaming kumain ay napag desisyunan namin na maglakad lakad muna sa field dahil hindi mainit at masarap maglakad.

"Tukmol, samahan mo rin ako mamaya okay lang?" Out of the blue kong tanong bago kami maupo sa field.

"Saan?"

"Sa condo ni Dad. Gusto ko na kasi mag sorry eh." Tumingala ako sa langit at pinag masdan ito. Kulay blue ito at maaliwalas. Ang sarap titigan. Payapa.

Hindi siya sumagot kaya naman tinignan ko ito. Nakatingin lang ito sa akin at para bang sinusuri ako neto.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"End of the world na ba?"

"Pinagsasasabi mo?"

"Nag iba ka na nga talaga." Tatango tango pa niyang sabi.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Nag iba ka na. Hindi ka na nambubully. Bumait ka na rin. Tapos ngayon gusto mo na mag sorry sa Dad mo. Tell me, anong nangyari?"

"Wala naman. Naisip ko lang na mag bago. Mas masaya pala kasi pag wala kang pino problemang iba. Mas ma-"

"Dahil ba ito kay Stephen?" Natigilan ako sa kanyang sinabi. Tinignan ko muna siya atsaka tumingin sa malayo.

"H-hindi ah!" Utal kong depensa. Shit! Baka mamaya iba isipin neto eh. Mahirap na. Ma issue pa naman 'tong kupal na 'to. Mag isip ka pa Ranz! Dali!

"Naisip ko lang kasi na, tama ka. Graduating tayo kaya dapat iwasan na yung mga ganyang pambu bully ko sa iba. Yung mga pan ti trip ko." Dagdag ko nalang para hindi niya ako mahalata na kinakabahan.

Tangina maniwala ka! Huhuhu patawarin niyo po ako panginoon sa aking nararamdaman.

Eto na naman yung tibok ng puso ko pag si Stephen ang topic eh! Kainis!

"Oohh akala ko si Stephen ang dahilan kaya ka nagbago eh, HAHAHAHAHA!"

Pilit kong kinalma ang sarili ko at sinabayan siya sa pag tawa.

Ano ba kasing nangyayari sa akin? Bakit ganto ang nararamdaman ko? Anong ginawa mo sa akin, Stephen?

Humiga nalang ako sa field at saka pumikit. Pero sa pagpikit ko ay si Stephen ang nakita ko.

Stephen Stephen Stephen! Puro nalang Stephen?! Patahimikin mo naman ako ohh!

Naiinis akong umupo ulit. "Alam mo kanina pa kita napapansin ah," Ayan na ayan na tangina naman kasi.

Stephen humanda ka talaga sa akin sa susunod! "Hindi mo alam kung ano ipapasa mo na portfolio ano?" Napatingin naman ako dito agad dahil sa sinabi niya.

"A-ahh tama. Kaya k-kanina pa ako h-hindi mapaka-kali kas-i yan nga." Fuck! Umayos ka parang awa mo na Ranz!

"Nandito ako uy! Tandem nga tayo sa club diba? Kaya wag ka kabahan diyan. Para ka kasing timang na wala sa sarili eh."

"O-okay." Nasagot ko nalang at tumayo na.

"Punta muna tayo sa office ni Mommy, gusto mo?"
Tanong ko hanang nag papagpag ng aking pantalon.

"Sige ba." At tumayo na rin siya at naglakad na kami papuntang office ni Mommy.

Ano kayang nangyayari kay Ranz? What do you think? Abangan naten sa mga susunod pang chapters ang mangyayari sa kanilang lahat.

Guys leave a comment! And kindly hit the vote button! Bayad niyo na po saken yan ohh para mas ganahan ako gumawa ng chapters. Thank you po! Pag walang masiyadong comment tatagalan ko mag update. Bahala kayo🥺.

Sorry sa short update guys.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now