Mukha akong timang

394 22 11
                                    

Francis' POV

Gusto daw mag sorry ni Ranz kupal kay Stephen, guys. Ang problema, nahihiya naman daw siya! Anakanang tilapia oh oh. Kahapon ang lakas ng loob na humingi ng pabor tapos biglang hay nako buhay nga naman!

Dahil wala namang pasok ngayon ay naisipan kong dalawin sila Stephen sa kanila. Dumaan muna ako sandali sa supermarket gamit ang sasakyan ko upang magdala ng mga pasalubong kila Tito at Pen.

Una kong pinuntahan ang mga de lata na pagkain. Mahilig kasi si Stephen sa spanish style sardines. Yung medyo maanghang ang kinuha ko. Mga lima ata yung kinuha ko hahahaha mabibitin kasi yon panigurado. Si Tito naman kasi ay hindi masiyado mahilig sa mga canned goods kaya ang kinuha ko nalang sa kana ay hunt's pork and beans. Yan lang kasi yung kinakain niya everytime na wala na siyang time magluto.

Nang matapos ako sa mga canned goods ay sunod kong pinuntahan ang mga junk foods kung saan eto talaga ang paborito namin parehas ni Stephen. Kuha dito kuha doon. Lahat ng makita ko, lagay lang ng lagay sa basket. Habang busy sa kakatingin ng mga junkfoods ay hindi ko namalayan na may mag-jowa pala sa harap ko.

"Aray! Ano ba naman 'yan? Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo!" Singhal sa akin nung lalaki. Naka shades siya. Tinignan ko ito at yung babae, at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nakailang pikit mata pa ang ginawa ko upang kompormahin kung sila nga ba talaga iyon. (Makikilala niyo sila sa sariling story ni Francis soon.)

"Sorry." Nasabi ko nalang. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka mag iskandalo lang yung babae.

Iwinaksi ko nalang ang tagpong iyon at nagtungo naman ako sa mga meat sections. Isang balot ng pork, beef, chicken, ground pork, ground beef, at fish ang kinuha ko. At lastly ay ang mga gulay naman like carrots, patatas, pechay, repolyo, talong, etc.

Marahil nagtataka kayo kung bakit parang ang dami ko namang pinamili at pera? Yes. Kapatid kasi ni Mommy ang Daddy ni Stephen. Si Tito kasi ay may katandaan narin naman at laging pagod sa trabaho. Close si Mommy at Tito. Sa kanilang magkakapatid, ay silang dalawa lang ang masasabi kong pinaka successful sa lahat. Although hindi nakapag tapos si Tito, nagsikap naman itong mag trabaho kagaya ni Mommy. But si Mommy naman kasi ay nakapag tapos.

Matapos kong kunin lahat ay dumiretso na ako sa counter upang bayaran ang mga pinamili ko. Nang mabayaran ko na ang mga ito ay dumiretso na ako sa aking sasakyan at isinakay ang mga ito.

Mga 20 minutes away lang naman ang layo nila sa amin kaya hindi naman ganon ka hassle. Habang binabagtas ko ang daan sa kanila ay hindi ko maiwasan na alalahanin ang nangyari kanina.

Flashback!

Habang busy ako sa kakatingin ng mga junkfoods ay hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko at natamaan ko ito ng cart ko na may lamang mga canned goods.

"Aray! Ano ba naman 'yan? Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo!" Halo halong emosyon ang namutawi sa aking pagkatao. Siya yon. Hindi ako maaring magkamali. Ang laki narin ng pinagbago niya.

Ang nag iisang taong minahal ko noon. Ang first kiss ko. Ang first love ko. Ang first boyfriend ko. Pero lahat ng 'yon nawala sa isang iglap. Niloko niya ako. Nila pala dahil bestfriend ko pa ang ipinalit niya sa akin.

Take note: Hindi si Ranz yung tinutukoy ko jan.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala natulo ang luha ko. Agad ko itong pinunasan. Bigla kong naapakan ang preno dahil hindi ko nakita na may mga tumatawid na pala.

Inis kong hinampas ang manibela at natamaan nito ang busina kaya gumawa ito ng ingay. Nagulat naman ang mga taong tumatawid. Natawa nalang ako sa nangyari sa akin.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now