Ranz Kyle's POV
Nandito na ako sa bahay at inaantay ko nalang maluto ang niluluto ni yaya.
"Yaya, anong oras po ba uuwi si mommy?" tanong ko habang naka pangalumbaba. Tinignan niya lang ako bago mag salita.
"Siguro maya maya ay nandito na rin yon. Alam mo naman na workaholic yang mommy at daddy mo." sabi sa akin ni yaya.
"Yaya, bakit kaya ganon? Sa tuwing iniiwan ako nila mommy at daddy, hindi ako nagagalit? Like dapat mag tampo ako diba? Kasi wala na silang time sa akin pero bakit hindi ako nagagalit o nag tatampo man lang?" mahabang sabi ko.
Narinig ko pa siyang natawa ng mahina. May nakakatawa ba sa sinabi ko???
"Alam mo kasi, maganda ang pag papalaki sayo ng parents mo. Matured ka na mag isip. Binatang binata ka na ehh. Bully ka nga lang. Basta lagi mo lang iisipin na lahat ng pag hihirap nila ay para sa iyo. Kung mapapagalitan ka man nila, understand them. They just want what is best for you. They really care for you. You just need to do is to study hard and make them proud of you. " nakangiting sagot ni yaya. Tsk. Oo na bully na ako. Eto talaga si yaya.
Maya maya pa ay narinig ko na ang sasakyan ni mommy na dumating na. Kaya naman sinalubong na namin siya ni Yaya.
"Anak! Nandito na si mommy!! Hehehehehehhe!!" sigaw ni mommy.
"Mommy naman eh! Di na ako bata!" asik ko kay Mommy kasi ginagawa na naman akong baby! Bully ako tapos bine baby ako?!
"HAHAHAHA! Kayo talagang mag ina ohh. Sige na at babalik muna ako sa kusina upang ayusin ang niluluto ko." At bumalik na nga si Yaya sa kusina.
"Anak, may surprise nga pala ako sa iyo. Sumunod ka sa akin." pagkatapos non ay nauna na siyang mag lakad palabas ng bahay.
Tinignan ko si yaya pero tumango lang siya sa akin.
Lumabas na ako ng bahay at hinanap si mommy. Pero di ko siya makita. Naglakad lakad pa ako saglit pero pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin.
Dali dali akong nag lakad pabalik sa bahay pero natigilan ako sa aking nakita. May isang sasakyan ang kumuha kay mommy!!
Dali dali kong kinuha ang motor ko at pinaha rurot ng takbo. Kailangan kong mailigtas si mommy.
Gamit ang motor ko ay hinabol ko sila. Pero putangina! Ang bilis nila magpatakbo ng sasakyan.
Shit! Ang bilis ng takbo ng Van! Kumakalabog narin ang dibdib ko dahil sa kabang idinudulot nung pagkakuha kay Mommy. Naiiyak na ako dahil baka hindi ko na makita si Mommy.
No! Hindi mangyayari ang iniisip mo, Ranz! Pull yourself together! Sabi ko sa aking isip.
Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko para humingi ng tulong pero huli na ang lahat dahil hindi ko nakita na may sasakyan akong kasalubong! Nataranta ako at hindi ko na alam ang gagawin ko!
Iiwas sana ako pero huli na ang lahat. Para akong isang laruan na bigla nalang tumilapon pag katapos akong mabundol ng sasakyang kasalubong ko kanina.
Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Namanhid ang buong katawan ko ng bumagsak ako sa kalsada.
Mommy.... Sorry.....Kung hindi kita maililigtas....
Yan nalang ang katagang naisip ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Elizabeth's POV
Tila naestatwa ako sa aking nakita sa side mirror ng sasakyan. Sabi ko na nga ba ehhh may masamang mangyayari!
YOU ARE READING
Back To You (On-Going)
AcakMatangkad siya, ako tama lang ang height Mayaman siya, may kaya lang kami Naka kotse siya, ako tamang sakay lang ng jeep Naka iPhone siya, naka vivo lang ako Langit siya, lupa lang ako Mabango siya, pawisin ako Healthy siya, sakitin naman ako.
